Kabanata 8 Simula noong muntik nang mapaaway si Khalil sa field ay mas naging malapit kami ng mga kaibigan niya. Pati si Ana ay nagagawa na rin silang kausapin. Minsan ay inililibre pa nila kami ng lunch kaya tuwang-tuwa si Ana. Aliw na aliw naman sa kanya sina Jigo kaya tuwing pare-pareho kaming may klase ay madalas kaming magkita-kita sa student lounge. Minsan ay nagpiprisinta na rin silang sumama sa ospital para magbantay kay Tatay sa gabi dahil laging ipinagmamalaki ni Ana ang Tatay ko. Ayaw ko lang pumayag dahil baka mag-ingay lamang kami sa ospital at pagalitan kami. Kapag naman may trabaho ako sa cafe na malapit sa university, sumusugod sila roon at nag-oorder pagkatapos ay bibigyan ako ng tip para may pambili ako ng gamot ni Tatay. "Anak, sabihin mo na sa doktor na lalabas na

