Akraim At exactly 5:00 PM ay inihubad ko na ang mga damit ko para maligo sa shower. Simula nang malaman kong sasama si Nefel sa masquerade, mas lalo ko pang pinaghandaan ang paparating na event. Nefel, maghanda kang mamangha. Si Akraim na minahal mo noon ay mas mamahalin mo pa ngayon kahit tumanda na siya ng apat na taon kaysa nakaraan. Nang masapit ko na ang papaliguan ko ay agad kong inikot ang valve ng shower para may lumabas nang tubig dito. When I felt that cold water is what coming out from the shower head, immediately adjusted the temperature to as hot as I could tolerate. Gamit ang isa sa pinakamahal na shower gel sa buong mundo ay sinabunan ko ang buo kong katawan. Maliban sa buhok, tiniyak kong buong bahagi ng katawan ko ay bumubula. Sunod kong ginawa ay nag-shampoo ng isa ri

