Wakas PALINGA-LINGA si Cloud habang nagwa-warm up sa may gilid ng open court. Hindi niya ipinapahalata pero kanina pa niya hinahanap sa mga nanonood si Skye. Hindi siya umaasang manonood ito o kung anuman. Pero ang pasaway niyang puso ay patuloy pa rin sa pag-asam na sana ay dumating ang dalaga. Kahit na hindi para sa kanya. Makita lamang niya ang mukha nito'y magiging okay na siya. Tapos nang makipaglaban si Reus at Guji. Naipanalo ng dalawa ang Doubles 2. Kapag napanalo nila ang susunod na laban—which was Doubles 1 ay isang puntos na lamang at sila na ang champion. Pero hindi niya alam kung maipapanalo niya ang laban nila. Hindi kasi siya makapag-concentrate dahil ang utak niya ay lumilipad papunta kay Skye. "Ready, Cloud?" tanong sa kanya ni Les. Tumango na lamang siya at hindi na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


