Kabanata 17 ISANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Skye habang nakatingin sa malapalasyong bahay sa kanyang harapan. Ngayon ang tournament ni Cloud pero heto siya at nasa tapat ng bahay nito upang kausapin ang mga magulang nito. Isang dam ng tapang at lakas ng loob ang inipon niya upang makapunta dito sa bahay ng mga magulang ni Cloud. Dapat ay nasa tournament siya upang ihayag kay Cloud ang pasya subalit naisipan niyang dito pumunta. Gusto niyang ipakita sa mga magulang ni Cloud na nararapat siya sa anak ng mga ito kahit na ba hindi siya kauri ng mga ito. Gusto rin niyang ipakita na sa kabila ng mga sinabi ng mga ito, nirerespeto niya ang mga ito. Hawak ang sulat ni Cloud ay napahinga siya nang malalim. Dito sa sulat na ibinigay ni Cloud siya kumukuha ng lakas at tapang para sa gagaw

