Kabanata 16 HINDI napigilan ni Cloud ang sarili at nasuntok niya ang pader sa kanyang gilid. Hindi na niya pinansin pa ang pagdurugo ng kamay at patuloy pa rin sa pagsuntok sa walang kamalay-malay na pader. Sa ganoong paraan man lamang ay mailabas niya ang lahat ng galit, sama ng loob, at sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam na posible pa lang makaramdam ng ganitong sakit. Nilunok niya ang pride niya nang aminin niya kay Skye na mahal niya ito dahil gusto niya. Nilunok niya ang pride niya nang magmakaawa siya kay Skye dahil iyon ang gusto niya. Pinagmukha niyang tanga ang sarili niya dahil nagmahal siya. At ngayon, ano ang napala niya? "She's not the right woman for you, Cloud." Nilingon niya ang nagsalita at bumungad sa kanya ang mukha ng nanay niya. Sa likuran nito ay ang tata

