2 years ago Nakatayo ako sa gitna ng hallway, hawak ang aking bag nang biglang may humila sa buhok ko. Tumilapon ang aking mga gamit. "Uy, ang baboy, naglalakad!" hiyaw ng isang lalake. "Baka masira ang tiles ng school sa bigat mo!" Tawanan. Walang katapusang tawanan. Isang guro ang dumaan pero umiwas lang ng tingin na tila ba ang pambubulas sa akin ay isang natural na pangyayari. Bumalik ako sa realidad. Ang sakit na naramdaman ko noon ay ang sakit na nakikita ko ngayon sa mga mata ni Mia. Nararamdaman ko ang panginginig ng kaniyang mga balikat. Nararamdaman ko ang bawat panlalait na tumatama sa kaniyang pagkatao. Lumakad ako papalapit sa kaniya. Nagbulungan ang mga tao sa paligid ko. "Si Alexa? Bakit siya dyan sa 'chubby' na 'yan lalapit?" "Sayang ang skills niya. Mahirap bihisan a

