Kabanata 22

1746 Words

Pagod na pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa kama pagkauwi galing sa shop ni Tita Minda. Ang bigat ng pakiramdam ko, hindi dahil sa puyat, kundi dahil sa dami ng emosyong pilit na sumisiksik sa utak ko. Nakadapa na ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Alas-singko na ng madaling araw, pero ang utak ko ay parang isang sirang plaka na paulit-ulit na pinapatugtog ang mga salita ni Ate kagabi. “He makes me feel safe, kahit nasa gitna kami ng gulo.” Safe. Iyon ang salitang hindi ko kailanman naramdaman kay Jeremy Marcelo. Ang pakiramdam ko noon sa kaniya ay parang nakatayo ako sa gitna ng isang mabuwaya na tulay; bawat hakbang, natatakot akong mahulog. At nahulog nga ako. Hindi sa bisig niya, kundi sa semento ng kahihiyan. Pero si Andrew... Bakit sa kabila ng pagiging diktador niya, pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD