Gangster 6

3942 Words
(Naya's POV)   Nag-ditch na lang ako sa klase namin dahil naiinip ako doon, nag-libot libot na lang din ako kaysa ma-bored pa ako, at isa pa ay iniisip ko din ang mga bagay na nalaman ko kanina mula sa paguusap usap namin nung apat. I have already reported that to dad saka ko mabilis na binura ang messages, mahirap na baka may ibang makakita, at isa pa tama sila, bawal ng pagusapan ni imbestigahan ang nangyaring iyon kaya parang wala ng nakakaalala ng naganap 3 years ago. Bigla din akong napaisip sa mga pinagusapan namin kanina, inaasahan kaya talaga kami ng kung sinuman kaya ini-reserve nila ang dorm 13 sa amin? Isa pa ay masama ang kutob ko sa nangyayari, sabay sabay kaming pumasok nina Apollo, Frion at Ciello habang nauna sina Simon at Fredrick sa amin at kapwa kami related sa mga namatay sa trahedya sa section ng kambal noon. Malamang iisipin nila na sinasadya namin ito, malamang ay iinit ang mga mata nila sa amin dahil nagkataon na nagkasabay sabay kami dito. "Kapapasok mo lang kanina matapang ka na ha?" Napatigil ako sa paglalakad at palingon ako sa damuhan na di kalayuan sa akin ng marinig kong doon nagmula ang malakas na sigaw na iyon, sinampal nung lalaki yung babaeng pinagti-tripan nila ng pagkalakas-lakas, she's G11 base sa ID niya. Sampu silang mga lalaki at nagiisa lang yung babae na mukang bago nga lang, is that even fair? Mahihina lang ba ang kaya nila? Ganyan ba talaga sila sa mga baguhan? "Hawakan niyo" Hiyaw ng lalaking sumampal sa babaeng iyon na agad namang sinunod ng ilan niyang kasamahan, hinawakan agad nung apat na lalaki ang kamay at paa nung babae na hindi naman na makapalag, akmang naghuhubad na yung lalaking sumampal sa kanya habang nagtatawanan lang naman ang mga kasama nila. Tsk. This is really a bullshit, hindi siya tutulungan ng mga guard I knew it. Tumakbo na lang ako palapit sa kanila sabay tadyak sa lalaking naghuhubad agad naman siyang tumalsik at napatigil sa ginagawa niya dahil doon, sinunod kong tadyakan yung isang lalaking nakakapit sa kanang paa nung babae saka ko sinapak ang lalaking nakahawak sa kaliwa niyang paa. Hindi na sila nakatayo dahil doon, three down, seven more to go. "Hoy! Sino ka?" Hiyaw sa akin ng lalaking isa sa pitong iyon na halatang gulat na gulat sa ginawa ko. "This is clearly violating the law, leave or ill tell this to the guards" Nagkatinginan sila dahil sa sinabi ko saka sila nagtakbuhan, death is the punishment kapag may ganitong mga pangyayari o kaya kapag may nahuling gumagawa ng kahit anong mga kababalaghan. Kaya mahigpit din ang seguridad sa bawat dorm, kaya lang maraming hindi takot kahit kamatayan ang parusa sa bagay na yon. Itinayo ko na ang babaeng iyon na nakahandusay parin sa damuhan saka ko siya isinandal sa puno, nawalan na siya ng malay. "Is there anything wrong here?" Nilingon ko yung nagsalita sa likuran ko at nakita kong yung lalaking may gold badge iyon, kasama niya yung lalaking naghatid sa amin sa dorm namin ni Apollo. "There were ten bullshit mens who attempted to r**e this woman, kasamahan sila ng mga kulugo na to, tell me? Kapag ba newbies wala talaga kayong pakielam kahit patayin pa sila ng mga siraulo na yan?" Lumapit agad silang dalawa sa babaeng yon at hindi na pinansin ang sinabi ko, baka totoo, sabagay ano pa nga bang aasahan ko? "Call our men, Get them and the other seven" Utos ng lalaking may gold badge sa kasama niya saka niya binuhat yung babae. "Follow me" Utos niya sa akin pagkatapos niyang kargahin yun babae kaya sumunod na lang ako. "Malinaw na nag-ditch ka ng class" Maya maya ay sabi niya habang nakasakay kami sa mini bus, iniupo naman niya sa tabi niya ang babaeng yun. "If i didn't then I wont see this s**t, baka patay narin ang babaeng yan" Natahimik lang siya dahil sa sinabi ko at hindi na nagsalita matapos niyon, sa clinic niya pala dadalhin ang babaeng to? Pero bakit kasama pa ako? Hindi na lang ako nagsalita at tiningnan lang sila habang ginagamot nung nurse yung babae. "Guard her, I'm leaving" Napakunot ang noo ko ng mapatingin ako sa guard na yun matapos niyang magsalita. "Why would i? I'm done here, ikaw ang guard sa ating dalawa, so guard her" Sagot ko sa kanya na parang hindi naman niya pinansin. "Guard her" Muli niyang sabi saka siya umalis kaya hindi na ako nakapagsalita, nanatili na lang din ako sa clinic, mahirap na nakita nilang nag-ditch ako, bahala na nga wala naman akong choice eh. "Are you new here?" "Yeah" Ngumiti lang ang nurse sa akin matapos kong sagutin ang tanong niya, ilang minuto rin akong nanatili dito bago magising ang babaeng yon. Sa wakas, akala ko ay hindi na siya gigising. "Kaya mo bang tumayo? Ihahatid na kita sa dorm mo para makabalik na ko sa klase ko" Tanong ko agad sa kanya pagkamulat ng mga mata niya, naiinip na ako sa kakabantay sa kanya, hindi naman siya nagsalita at sa halip ay dahan dahan siyang bumangon. "Take care" The nurse said but that girl didn’t talk sa halip ay yumukod lang ang babaeng yon sa nurse. "Matagal ka na ba dito?" Tanong sa akin ng babaeng yun na ikinatingin ko lang sa kanya. "4 days" Tipid kong sagot sa kanya. "Kararating ko lang kanina" Sagot niya saka siya napabuntunghininga, bakas na bakas ang sakit at pago sa kanya. "Malas mo lang nasampolan ka ng napaka-warm na welcome nila dito" Natawa lang siya sa sinabi ko kanina ay malungkot siya ngayon naman ay tatawa-tawa na siya. Matapos non ay hindi na ako nagsalita at ganoon din siya, maya maya lang din naman ay tumayo na siya at nagpaalam sa Nurse kaya lumabas na kami ng sabay, tahimik lang kaming naglalakad malayo na ang nalalakad namin ay wala paring nagtatangkang magsalita sa aming dalawa. "Salamat nga pala sa pagtulong sa akin saka sa pagbabantay sa akin sa clinic" "The next time na mangyayari yan hahayaan mo na lang ba na matuloy yon? Lumaban ka, walang lugar ang mga katulad mong mahihina dito, hindi ka tatagal dito, hindi to ang school na para sa mga mahihina ang loob na tulad mo" Sermon ko sa kanya na dahilan para mapatingin siya sa akin, bigla naman siyang ngumiti dahil sa sinabi ko. "Tama ka, pinilit kong makarating dito kaya dapat ay lumaban ako, sayang ang pinaghirapan ko kung mamamatay lang ako ng walang kalaban laban" She said saka siya muling bumalik ng tingin sa nilalakaran namin. "Why did you enter this school?" I ask her dahil kakaiba ang mga emosyon na ipinapakita niya, parang may malalim siyang dahilan kaya siya andito, parang alam naman niyang ganito dito pero tumuloy parin siya kasi gusto niya. "My brother was killed here 3 years ago, actually buong section nila ang namatay noon" Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya, she look at me too ng tumigil din siya marahil ay dahil naramdaman niyang tumigil ako sa paglalakad. "Namatay din ang pinsan ko noon, baka kaklase sila ng kapatid mo" Sagot ko na agad namang nakaagaw ng atensyon niya "Talaga?" Tumango lang ako sa tanong niya saka ako dumeretso muli ng lakad. “dont tell anyone about that, thats too dangerous, hindi allowed dito na pagusapan ang nangyari noon” Tumango lang naman agad siya dahil sa sinabi ko. "Do you want to join our g**g? You need to join in a g**g" Maya maya ay basag katahimikan ko na dahilan para mapalingon ulit siya sa akin. "Seryoso ka ba? Bago lang ako dito, hindi mo naman ako kilala at isa pa tama ka, mahina ako, hindi ako pwede sa inyo" Maya maya ay sunod sunod niyang sabi. "That's not my g**g, napilitan lang din ako na sumali sa kanila dahil kaylangan, at isa pa kaylangan nila ng isa pang myembro para maging offical Class C g**g na sila, at saka isa pa nasa iyo naman na iyon kung tatagilid ka o hindi eh" Mahaba kong sabi sa kanya na agad niyang ikinangiti, bakit ba bigla akong dumaldal? "Salamat" Tanging nasabi niya na lang pero hindi na ako nagsalita at maging siya rin. Mabilis lang kaming nakarating sa girls dorm kung saan siya tumutuloy, ang laki pala nito? Sabagay, may maliit bang lugar sa school na to? "Get your things, live in my dorm" Utos ko sa kanya ng marating na namin ang dorm niya, agad agad kaming pumasok sa dorm niya pagbukas niya ng pintuan noon. "Sobra sobra na yon, okay na ako dito" She said habang naglalakad kami papasok, malinis ang dorm niya, talagang halatang babae ang nakatira. "You should stay there para makilala mo sila, saka para mabilis nating matulungan ang isat isa" Ilang minuto siyang napatitig sa akin saka siya biglang ngumiti. "Salamat talaga" Hindi na ako nagsalita para matahimik na siya, hindi ko din alam kung bakit ba ginagawa ko to pero parang mas pinagkakatiwalaan ko pa ang babaeng to kaysa sa apat na yun, she was the most sincere girl that I have ever seen, kitang kita ko iyon sa mga mata niya. Hinayaan ko lang siya na magimpake at kuhain ang mga gamit niya saka kami bumaba ulit, I needed to go to the dormitory admin para sa request nila. There are part of me na ayaw sa kanya but there is a part on me also na gustong gusto siya, marahil ay dahil alam kong totoo siya. "Class dismissal na yata" Maya maya ay sabi niya kaya napatingin lang ako sa paligid namin. "Hayaan mo sila" Sumakay kami sa mini bus pagbaba namin ng girls dormitory, nagpahatid kami sa dormitory office para sa request, nakakapagod maglakad dahil ang layo, buti na lang ay may mini bus. "Anong gagawin natin dito?" Takang tanong niya sa akin. "Aasikasuhin ko yung permit para makalipat ka sa dorm namin" Hindi naman na siya nagtanong matapos kong sabihin iyon, pumasok na agad kami sa loob pagkababang pagkababa namin sa bus. "What brings you here?" Bungad sa amin ng dormitory admin na nakatingin lang din sa amin. "A permit for transferring students from girls dormitories to dark village" Napatingin sa akin ang lalaking iyon na nakatungo lang kanina pa. "Are you the tenant of dorm 13 in the dark village?" Maya maya ay tanong niya sa akin, napakunot ang noo ko. "Yes" Tipid kong sagot sa kanya. "For how many people?" Maya maya ay tanong niyang muli. "Five" Casual kong sagot, hindi na siya nagsalita at nagsimula ng asikasuhin ang request ko, maya maya lang naman ay may kinuha siyang mga papel at iniabot agad sa akin iyon. "Fill up that form" Kinuha ko lang ang papel at mabilis ko iyong tiningnan, nagabot narin ako ng papel sa babaeng kasama ko para makapag-fill up na siya. Saka ko naman tinext si Apollo na pumunta dito at dalhin yung apat, sinabi ko narin na bilisan nila dahil baka mainis pa ako. "Insan? Insan bakit? anong nangyari?" nagsisisigaw at tarantang tarantang sabi ni Apollo ng makita niya kaming nagsusulat parin "Lower your voice Gad Dammit" Napataas kamay si Apollo saka siya napatingin ng gulat na gulat sa admin na kausap namin kanina, timang talaga tong pinsan ko madalas. “S-sorry sir” Paghingi agad ng paumanhin ni Apollo sa kanya. "You four, fill up here, Ikaw Apollo dito ka mag-fill up" I distributed them the papers pagkasabi ko noon, maraming papel ang kaylangang sagutan para lang sa paglilipat ng mga tag dormitory sa dark village, siguro ay for security narin iyon, at isa pa ay wala nga silang kapangyarihan sa loob. Ayon sa papel dapat ay parehong may consent namin ni Apollo ang pagre-request ng paglilipat sa kanila since kami ang nakatira doon, and take note its one paper per person, lima sila kaya limang papel ang kaylangan namin ni Apollo na sulatan. Habang yung lima doon ay iisa lang ang susulatan pero mukang marami din ang dapat nilang ilagay doon. "Transfer papers and request?" I just roll my eyes on Apollo at hindi na siya sinagot, nagkatinginan lang naman silang apat bago sila nagkanya-kanya ng pwesto "Faster, I can change my mind in millisecond" Dali dali silang nag-fill up pagkasabi ko noon, pagkatapos ay ibinalik narin namin ulit sa admin ang mga papers, ilang minuto pa kaming nag-hintay bago namin makuha yung approval form kaya nag-paalam na kami at lumabas. "Teka nga bat ba sunod ng sunod sa atin to?" Siniko ko si Apollo dahil sa sinabi niya tungkol sa babaeng kasama ko kanina pa. "Ill explain later, kayong apat kunin niyo na ang mga gamit niyo tapos pumunta na lang kayo sa dorm" Utos ko sa mga kasama namin na agad namang sumunod. "Mam yes mam" Sabay na sabi ni Fredrick at Simon saka sila naunang lumakad, sumakay na ulit kami ng mini sa bus papunta naman sa dark village at yung apat naman ay sumakay din sa ibang bus papunta sa kanya kanyang dorm nila. "Maraming kwarto dito, you can choose any rooms maliban sa dalawang malaking magkadikit na kwarto sa taas kwarto namin yon ni Apollo" Pagpapaliwanag ko sa kasama ko ng makapasok na kami sa dorm namin. "Maraming salamat ah, salamat talaga" Ngumiti siya sa akin, nakikita ko na may nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mga mata niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin. "Miss, Ganyan talaga kaylangan nating tulungan ang kapwa natin, lalo na at pare-pareho naman taong mga newbie dito, anyway dyan na muna kayo magluluto na ako ng makakakain natin" Sinamaan ko lang ng tingin si Apollo dahil alam kong magsisimula na naman ang kadaldalan niya, napansin naman niya agad marahil iyon kaya mabilis niya ng iniba ang usapan at kumaripas na agad siya ng layas. "I’ll show you the rooms" Umakyat na kami sa taas pagkasabi ko noon, pinili niya naman yung kwartong nasa malapit sa mini sala pinaka-dulong kwarto yon sa kabila, sa dulo ang kwarto ko at sa dulo ang sa kanya. Marami namang kwarto dito nataon lang talaga na yung dalawang malaki ang napili namin na kwarto pala ng kambal. "Bumaba ka na lang agad para sa pagkain, maglinis ka at magpahinga" Ngumiti lang siya sa akin pagkasabi ko noon. "Salamat" Tiningnan ko siya ulit pagkasabi niya noon. "Wag kang masiyadong mabait, Ikamamatay mo yan hindi yan applicable palagi sa lugar na to, tandaan mo yan" Iniwan ko na siya pagkasabi ko noon saka ako bumaba sa sala, naaamoy ko na ang bango ng niluluto ni Apollo, naupo naman ako sa couch at sumandal sa sandalan niyon. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko naman kaylangan ko itong gawin. Napakunot ang noo ko ng may nag-dorbell kaya tumayo agad ako at binuksan ko ang pinto. "Welcome for us" Hiyaw ni Fredrick saka niya itinulak ang mga gamit niya papasok ng dorm, ginaya at sinabayan pa siya ni Simon habang natatawa lang sa kanila sina Cielo at Frion. "Shut up" Natahimik siya sabay hawak sa nguso niya ng sigawan ko siya. Agad agad niyang kinuha ang mga gamit niya at tumayo sa tabi ni Cielo. “Thank you Naya” Nakangiti si Frion at Cielo ng sabihin nila iyon but I just look at them. "Come with me" I just said and then I sigh saka kami umakyat sa taas, sinamahan ko na sila para naman hindi na sila maligaw. "Cielo take that room, yung nauuna ay kwarto nung ---- basta kwarto yan nung babae" Sabi ko sa kanya sabay turo nung kalapit na kwarto ng kwarto nung babae, natawa lang naman sila sa akin. "Kayong tatlong kulugo, pumili na lang kayo ng kwarto dyan basta yung dalawa sa unahan kanila na at yung dalawang malaking kwarto sa kabilang dulo ay taken na" "I’ll take the room next on Cielo" Frion said smiling at me. "Sige Frion, yung kwarto na katabi ng sayo ang sa akin" Agad na sabi ni Fredrick. "Sa akin na lang yung kasunod ng kay Fredrick" Segunda ni Simon. "Go, Get down kapag tapos na kayo" I said saka ako nagsimulang maglakad pababa. "Yes mam" Dinig kong sabay sabay nilang sabi pero hindi ko na lang iyon pinansin at agad agad na akong bumaba. "Nasan na sila?" Tanong ni Apollo sa akin ng magkasalubong kami sa may hagdan. "Bababa din yung mga yun" Tanging sagot ko saka ako bumalik sa kinauupuan kong couch kanina. Naramdaman ko namang sumunod din siya sa akin at naupo din siya sa kaharap kong couch. "Who is she?" Tanong sa akin ni Apollo na marahil ang tinutukoy ay ang babaeng kasama ko. "I don't know her name but i guess she can help may kapatid din siya sa mga kaklase ng kambal na namatay, and besides we need another one member for the class C level di ba?" Ngumiti lang sa akin si Apollo sabay tango matapos ko iyong sabihin, minsan talaga naiisip ko ng ipinanganak siyang baliw. Hindi na ako nagsalita at ganoon din naman siya, lumipat siya sa tabi ko at nagbukas ng TV saka nanood habang hinihintay namin sila. Maya maya lang naman ay sabay sabay na silang bumaba. Kahit hindi namin nakikita ay alam namin dahil ang iingay nila, nangingibabaw don ang boses ni Fredrick at kinakausap nila yung tinatawag nilang Helene, baka yun yong babaeng kanina ko pang kasama. Tumayo na agad ako at sumunod din naman agad sa akin si Apollo matapos niyang patayin ang TV. Dumeretso na ako sa kusina at sumunod din naman agad si Apollo para maghain. "Para kay -- ano ngang pangalan mo?" Tanong ni Apollo sa babaeng naupo sa kanan ko, sa kaliwa ko naman ang upuan ni Apollo, sa center seat kasi ako nauupo. "tawagin niyo na lang akong Helena” Ngumiti si Helena ng sabihin niya iyon kay Apollo. "Yon, para kay Helena, siguro dapat magpakilala tayong lahat mauuna na ako ha? anyway i am Apollo pinsan ako ni Naya" Dumali na naman ang kadaldalan ng mokong. "Naya" Pagpapakilala ko din para matapos na ang kalokohan na to. "Again, call me Cielo, okay?" Ngumiti si Cielo kay Helena. "Simon is the name Helena" "Fredrick miss beautiful" "Frion" Sunod sunod na pagpapakilala nila. "at dahil magkakakilala na tayo, kumain muna tayo tapos saka tayo magusap usap ulit" Apollo said again, nakahalata yata siya sa mga tingin ko sa kanya. "Tama ka dyan Apollo, gutom na din ako eh" Pagkasabi non ni Fredrick ay nagsimula na kaming magkainan, nagsimula narin naman silang magtanungan at mukang masaya naman sila habang kumakain maliban sa akin, ako lang ang tahimik sa kanila. Nauna narin akong matapos sa kanila at lumabas sa kusina, naupo din ako sa sala at doon ko na sila hinintay. Pagkatapos naman nilang kumain at linisin ang mga pinagkainan nila ay naupo na sila sa couch kasama ko. "Before anything else lets talk about the dorm rules" Bungad ko sa kanila pagkaupo nila kaya bigla silang natahimik habang nakatingin sa akin. “do you know that the safest place here in this school is this dorm? This dark village? Do you know kung bakit sikat ang mga nakatira dito gaya ng sinasabi mo Fredrick? That is because the school admins or even the dean don’t have powers in here, ito ang tanging lugar na hindi nila tayo pwedeng pakielaman, kabaligtaran sa labas” Seryoso silang nakikinig sa akin habang sinasabi ko iyon. "So I should protect my dorm this is my dorm after all bago kayo naging taga-rito, so for the sake of this dorm I’ll give some rules that no one should break, Una, ayoko ng sigawan o kahit anong ingay sa dorm na to as you can see tahimik ang lahat dito ayoko namang maging usapusapan ang dorm na to ayokong maging pinaka maingay sa paningin nila , ikalawa, ayoko ng naaabala ang tulog ko at pagkain, ayoko din ng makalat, ayoko din ng late ang uwi sa dorm maging disiplinado kayo, ayoko ng magulo dito, ayoko din ng may papapasukin kayo dito na ibang tao tandaan niyo dapat tayong magingat hindi tayo pwedeng mahuli ang usapan dito sa loob ay dito lang, ayoko din ng kahit anong uri ng alak at sigarilyo, sa gawaing bahay ay tulong tulong tayo, at higit sa lahat ayoko ng nilalabag ang rules ko, understood?" Mahabang salaysay ko na agad naman nilang tinanguan at sinangayunan. "Areglado mam" Sinamaan ko lang sila ng tingin dahil sa sagot nila, nagtawanan lang naman sila dahil don, nahahawa na sila nina Fredrick at Simon. Tsk. "Since were done with the rules, I just wanted to tell you also that I have decided to let you live here even Helena dahil narinig ko sa kanya na tulad niyo ay namatayan din siya ng kapatid doon sa insidente three years ago, kaklase din ang kapatid niya ng mga kapatid niyo” Napalingon silang lahat kay Helena and she just smile at them. "Tama siya, namatay ang kapatid ko three years ago kasama siya sa g**g war na yon noon"  Helene said it seriously at mukang lalo namang sumeryoso ang mga kasama naming iba. “I guess letting you stay here will be a very big help for our investigations, basta magiingat tayong lahat, paniguradong hindi magtatagal ay malalaman na nilang konektado tayong lahat sa mga namatay three years ago, siguradong hindi maiiwasan na mapagisipan nila tayo ng masama, malamang ay paghihinalaan nila tayo dito dahil halos magkakasunod tayong dumating, marahil maisip nilang magbubuo tayo ng samahan laban sa kanila at uungkatin na naman natin ang issue noon kaya mag-doble ingat tayo" Natahimik sila dahil sa sinabi ko, alam kong naiintindihan nila yun dahil alam nila na matagal ng hindi pinapayagan na pagusapan ang issue na yun. "Isasali din natin siya sa g**g para makumpleto na natin ang 30 members" Dagdag ko pa na biglang ikinasigla ng muka ni Fredrick. "Ayos na ayos yan Naya" Fredrick said, ang kaninang seryoso niyang muka ay napalitan na naman ng masiglang muka niya. "And the first thing we need to do is fix our g**g" Sumeryoso muli siya dahil doon. “That is our foundation, to make the better life here for us kaylangan natin ng magandang foundation, kaylangan natin ng pangalan at pagkakakilanlan” I said na dahilan para magkatinginan silang lahat. "Tama ka Naya, kaylangan nga talagang ayusin yon, isa pa ay nalalapit na naman ang 11:11" Pagsang-ayon ni Simon sa sinabi ko. "We should call a meeting tomorrow Simon? Fredrick, introduce us to them" "Sige" Sabay na sagot ng dalawa sa akin. "Kaya natin to" Apollo said cheering us at napangiti lang naman ang mga iyon sa kanya. "Oo Apollo kaya natin to, kakayanin natin" Cielo said and smile at him. Matapos ang paguusap na iyon ay nauwi na naman sa daldalan ang lahat. Hindi ako nagsasalita at nakikisali sa kanila pero hindi din ako umaalis sa kinauupuan ko. Tama si Apollo, I should trust a little bit para makausad. Kung hindi mananatili na lang kaming walang alam at walang magawa. Mananatili kaming naghahanap ng kung ano anong bagay na alam naman naming hindi namin mahahanap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD