Gangsters 5

2660 Words
(Apollo's POV) "Apollo?" Napalingon ako kay insan ng tawagin niya ako. Siya lang naman ang kasama ko dito kaya alam kong siya lang ang tatawag sa akin, unless may multo dito? Wag naman sana. "Bakit insan?" Tanong ko kay insan, baka kasi importante ang sasabihin niya, hindi naman ako tatawagin niyan kung hindi importante. Today is Tuesday at half day lang ang pasok namin pareho kaya tengga kami ngayon sa dorm, pero okay lang din naman kasi makakapaglinis din kami at makakapaglaba. "Did the twins tell you something like a secret?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Naya sa akin. "like what kind of secret?" Nagtataka kong tanong, ang weird niya. Bakit kaya ganyan ang tanong niya? tapos seryosong seryoso pa ang muka niya, naupo siya sa katapat kong couch dito sa sala katulad ko. "Something like dark secrets" Maya maya ay dugtong niya kaya napakunot muli ang noo ko, ano naman kayang dark secrets ang sinasabi niya? don’t tell me sinabi ng kambal sa kanya na naihi ako noon sa kama ko dahil sa sobrang takot sa palabas na pinanood namin ng kambal? Mga walanghiya talaga ang mga yun, secret lang naman yun ah? "Dark secrets?" I said habang sinusubukan kong mag-maang-maangan, no, hindi ako aamin. Ang nakaraan ay nakaraan na. "Come on Apollo? you know the twins so much, kayo ang magkakasama sa kalokohan nila kuya, alam kong may alam ka" Napakunot na naman ang noo ko sa sinabi niya, ibang bagay ba ang tinutukoy niya? "Oo alam ko na makalokohan kami, kaya lang hindi kita maintindihan" Sagot ko kay Naya na maya maya ay ikinabuntunghininga niya, matagal siyang tumitig sa akin bago siya muling nagtanong. "Are they gangsters?" Natahimik ako sa tanong niya. "I don't know, yan din ang tanong na bumabagabag sa akin the moment that I discovered that this school was for gangsters, that's why i really decided to come with you" Natahimik siya sa sagot ko at natahimik din ako matapos kong sabihin iyon. Nung namatay ang kambal Naya became distant, kaya mas marami akong alam sa mga bagay bagay tungkol sa kanila dahil mas kaya kong lumapit at tumulong kay Tito noon sa pagiimbestiga, and we stop when tito said we should pero si Naya naman ang nagsimula ng pagiimbestiga noon sa galit niya sa pagtigil ni Tito. "We need to know if they are gangsters or not" Maya maya ay sabi ni Naya na muli kong ikinatingin sa kanya. "maybe we needed to ask questions and find some information's sa mga tao dito, kung tatlong taon na ang nakalilipas simula ng pumasok sila dito I'm sure their batch mates are now sophomores" Dagdag niya kaya napaisip din ako, tama siya. "Tama ka, pero paniguradong wala tayong makikitang kaklase nila dahil their whole section died that time" Dugtong ko na nakapagpa-buntunghininga sa kanya. "Kahit sa mga kalapit na room nila noon o kaya baka naman may mga kaibigan sila sa ibang section o year levels, Alam mo naman sila friendly masiyado ang mga yon" Natawa lang din ako sa sinabi niya, tama siya, friendly ang mga kapatid niya kaya marami silang kaibigan. "Wala ba silang mga nabanggit na pangalan sayo noon?" Maya maya ay tanong muli ni Naya. "Wala eh" Sagot ko saka kami natahimik bigla, bakit ba naman kasi kahit anong clue ay wala kami. "Lets ask help for Cielo, Frion, Fredrick and Simon, baka makatulong sila" Maya maya ay sabi ko na ikinalingon muli sa akin ni Naya. "Stupid, they are G11 and G12 also like us what do you think they know about that? at isa pa ay walang dapat makaalam ng ginagawa natin Apollo, nakalimutan mo na ba yun?" Sermon sa akin ni Naya. "Sa tingin ko naman may mga alam na sila tungkol sa school, saka si Fredrick at Simon matagal na sila dito baka marami na silang kilala" Dagdag ko na ikina-blangko ng tingin ni Naya sa akin. "We should not trust anyone here Apollo, alam mo ang pakay natin dito, alam mo na maaaring kalaban natin ang lahat nang naririto" Pinakatitigan kong mabuti si Naya. "It depends upon who do you want to trust Naya, if we don't trust anyone here even a little, no one will trust us also and we wont get any information's here, we cant move alone Naya, we needed to do everything, alam mo yan" She just look at me and I just sigh but I didn’t plan to stop telling her what I need to. "I know how you hated trusting anyone, But if you don't do that we will just die here not knowing anything" Napalingon kami sa nag-doorbell sa pinto saktong sakto na pagkatapos kong sabihin iyon, nagkatinginan ulit kami, magkasama kami dito sinong mag-do-dorbell sa pinto na yan? "Open the door" Utos ni Naya sa akin ng paulit-ulit na tumunog muli ang dorbell, sabay kaming tumayo mula sa pagkakaupo namin at lumapit sa pinto, nagtago agad siya sa likod ng pinto at ako naman ang magbu-bukas noon. We both count by lips without saying a word at pagbukas ko ay agad na itinutok ni Naya ang maliit na knife na hawak niya sa pumasok. "Hey bro? ---- whoah! Whoah! H-hey? relax!" Hiyaw ni Fredrick dahil doon na agad namang nagtaas ng kamay, napakunot ang noo ni Naya saka niya mabilis na ibinaba ang maliit niyang knife at isinuksok muli iyon sa bulsa niya. Napakunot lang din naman ang noo ko sa kanila saka sa mga kasama niya. "Bakit kayo andito?" Nagpakita ng maliit na papel si Fredrick sa akin sa halip na sagutin ang tanong ko. "Kumuha kami ng passes para makadalaw dito, bakit ba naman kasi dito pa kayo nag-dorm?ang hirap niyong hanapin, mahirap kayang pumasok dito, ang higpit" Pumasok na siya kahit hindi pa namin siya pinapapasok at sumunod din naman agad sa kanya si Simon. "Cielo is here Naya even Frion" Maya maya ay sabi ni Simon, nilingon lang naman kami ni Naya na kanina pa bumalik sa pagkakaupo niya sala, pumasok narin sila and I hurriedly close the door again. "Kasabay namin sila sa guidance office kanina, kaya isang passes na lang ang kinuha namin" Mahabang paliwanag ni Simon hindi pa man kami nagtatanong, naupo agad sila sa couch kaharap namin ni Naya kahit hindi pa sila pinauupo, ang kakapal din naman talaga ng mga ito ano? "One wrong move or else you'll be dead, Don't visit us here again we don’t want any visitors" Banta ni Naya sa kanila na agad namang ikinaputla ng mga muka nina Simon at Fredrick pero parang wala lang naman kay Cielo at Frion iyon. "Whoah! Wala naman kaming gagawing masama Naya, dumadalaw lang kami" Maya maya ay sabi ni Fredrick, hindi talaga makaramdam ang mokong na to. "Patay na ba kami o nakakulong para dalawin niyo?" Sagot ni Naya sa kanya. "Whoah! Relax ka lang naman Naya" Napataas pa ng kamay si Fredrick dahil kay Naya na napakasama ng tingin sa kanila. "I didn't expect that you are living in this dorm, ang sabi kasi sa akin noon ito na lang ang huling dorm na vacant at hindi daw to pinauupahan dahil naka-reserved" Cielo said to us na agad na nakaagaw ng atensyon namin, malungkot siya nakikita ko yun sa mga mata niya. Bakit kaya?   (Naya's POV) "Yun din ang sabi sa akin noon" We look at Frion ng segundahan niya ang sinabi ni Cielo, reserved? reserved for whom? For us? If that's the case ibig sabihin matagal ng naka-reserved ang dorm na to para sa amin? Kung hindi sa amin? Kanino? Pinayagan nila kaming mag-dorm dito so it means its for us? Inaasahan na kaya nila kami?. Dahil kung hindi malamang si Frion ang nakatira dito, dahil siya ang unang unang pumasok sa amin nila Cielo. Ibig sabihin ba non dad reserved this already for us? O kung hindi siya sino? "Walang naglalakas loob na tumira dito kayo lang, yun ay ayon sa bali balitang naririnig namin, saka sa tagal na namin dito napatunayan na namin na matagal ngang tengga ang dorm na to at walang pinatitira maliban sa inyo, sikat kaya ang mga nakatira sa dark village" Simon said na lalong ikinapagtaka ko. "Bakit?" Apollo ask him at nakikinig lang naman ako sa kanila. "Hindi niyo ba alam ang trahedyang nangyari 3 years ago dito sa DRU?" Dagdag niya saka kami tiningnan isa isa. "Did you know?" Simon look at me when I ask that. "Baka matakot lang kayo wag na" He suddenly said na parang nagaalangan pang ituloy ang sasabihin niya. "Muka bang takot ako sa multo?" I said na ikinatawa niya lang habang tahimik lang ang iba. "T-teka, may multo ba dito?" Natawa sila kay Apollo at napabitaw naman siya bigla sa akin dahil bigla siyang yumakap sa braso ko. "3 years ago isang malakihang g**g war ang nangyari dito sa DRU, and hundreds of students here died there, kabilang ang noon ay G11 na dating tumira dito, don’t you know them? Arent you related to them? Lahat dito iniisip nila na related kayo sa kanila, siguro maliban na lang sa mga newbies, at kasama sa mga namatay noon ang ate ko, kaklase din sila ng mga nakatira dito" Mahabang kwento ni Simon na agad nakaagaw ng atensyon ko, malakihang g**g war? Noon? "Even my brother na girlfriend ng ate niya ay kasama sa mga namatay, buong section nila ang namatay noon" sabad din ni Fredrick na parang biglang naging seryoso sa buhay. "My brother died on that incident too" Maya maya ay sabad din ni Frion, is it just a coincidence or what? "My sister died on that war also" Cielo said too, nagkatinginan lang naman silang apat dahil doon and Apollo smile at them. "Pinsan namin ni Naya yung kambal na nakatira dito dati" Theyall look at Apollo, umiwas lang naman ako ng tingin ng sabihin niya iyon. "mas matanda sila sa edad sa akin pero kung sa family blood ay mas matanda ang tatay ko sa tatay nila at bunso ang tatay ni Naya" I look at Apollo dahil sa sinabi niya and he just smile at me. "Nagpasama ako kay Naya na pumasok dito kasi alam kong matutulungan at maipagtatanggol niya ako" "I guess we are here for the same reasons" Frion said at nabalot kami ng katahimikan matapos iyon. "Lets join forces and keep it a secret, if thats what you wanted" They all look at Apollo ng sabihin niya yun, nakatingin lang din naman ako sa kanila. "I believe that no one can investigate that easily here alone, sabi ni Tito na ama ng kambal bawal ng pagusapan ang issue na yun noon dito" Napaisip ang mga iyon sa sinabi ni Apollo sa kanila. "Call ako pareng Apollo, after all thats what we all wanted even before" Sabay na sabi ni Fredrick at Simon kay Apollo "Count me in" Sabay ding sabi ni Cielo at Frion. "And the first thing we need to do is make a g**g or find a g**g" We look at Frion ng sabihin niya iyon, what did he mean by g**g? "Tama siya dahil kung hindi, matotodas agad tayo lalo na pagdating ng 11:11, lalo na kayong mga newbie, for sure kayo ang tatargetin nila sa " Simon said na lalong ikinakunot ng noo ko. "Whats with the g**g and that 11:11?" Tanong ko sa kanila ng hindi ko narin mapigilan na magtanong. "Each and everyone here have gangs, at madalas ang mga newbie na walang g**g na inabot ng 11:11 sila yung madalas na namamatay, pinagtutulungan kasi sila ng mga estudyante na may g**g na kaya kapag wala kang g**g yari ka na, and the 11:11 is a g**g war every saturday night that will start at 11:11 pm and will end at 5:00 am in the morning" Mahabang paliwanag ni Simon sa amin. May silbi din ang kadaldalan nila, may silbi din ang pagiging usisero ni Apollo dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko sila makikilala. "How about me? I'm not a gangster?" Sabay sabay na tanong nina cielo, Apollo at Frion, napatingin lang naman si Fredrick at Simon sa kanila. "Nagpanggap lang ako na gangster para makapasok dito" sabay sabay ulit nilang sabi, nagkatinginan pa silang tatlo. "No one should know that, or else you'll be dead fish" Sagot ni Fredrick sa kanila na biglang ikinakunot ng noo ng tatlo. "Should we really need to build or find a g**g?" Ako naman ang nagtanong sa kanila. "That's the law Naya, everyone needs to do that" Simon said to me, Pinatutunayan lang nito na malamang ay gangster ang kambal at napabilang sa isang g**g. "Join our g**g kung okay lang sa inyo, sa ngayon ay may 25 members na kami, kung sasali kayo we will be 29 isa na lang at magiging class C g**g na tayo" Maya maya ay sabi ni Simon sa amin. "Whats with the class Simon?" Tanong ko muli sa kanya. "those are all rankings of a g**g, Class A g**g ang pinakamababang level ng g**g dito, ibig sabihin non 10 lang ang members nila, class B has 20 and class C has 30 dagdag 10 kada levels at ang pinakamataas na ranggo ay ang class Z g**g na ngayon ay mga sophomore ng college ang may hawak" Paliwanag na namang muli ni Simon. "Ang labanan dito palakasan at paramihan ng g**g members, kaya kaylangan din natin ng marami at malalakas na miyembro" Dagdag ni Fredrick sa sinabi ni Simon. "Anong pangalan ng g**g niyo?" Tanong ni Apollo sa kanila. "Death scheduler g**g" Proud pa na sabi nina Simon at Fredrick ng sabihin nila iyon ng sabay, seriously? wala bang ibang pangalan? "Count me in" Sabay sabay na sabi muli nina Apollo, Cielo at Frion, they all look at me marahil ng mapansin nila na hindi naman ako nagsalita. "Do i have a choice?" Natawa lang sila sa akin ng sabihin ko iyon, whether I like it or not, I don’t have a choice but to join them. "And we will investigate the incident 3 years ago secretly, this time no g**g involved" Apollo suddenly said on a very serious tone. Tumango lang naman sila agad dahil doon. "But the thing is pano tayo makakapag-usap ng palihim? We cant talk about this outside, gaya ng sabi niyo bawal na bawal yung pagusapan sa labas, hindi namin alam kung bakit pero alam naming bawal" Simon said na nakapagpaisip din sa akin. "Tama si simon hanggang 3 lang din ang passes nang pagdalaw na ibinibigay every month" Cielo said also. "Unless you will fill up a request for us to live here, pwede yon sabi ng dorm admin kanina para daw hindi maubos ang passes agad agad" Frion said and I hurriedly ook at Apollo, ayoko nga. "Sige I’ll think about it baka kasi bugbugin ----- este may makahalata sa atin, mahirap na kaylangan parin nating magingat" Tumango na lang sila dahil sa sinabi ni Apollo. "Sabay sabay na tayong kumain nagluto na ako, anong oras na rin naman at isa pa ay papasok pa tayo" Yaya ni Apollo sa kanila. Tsk. Nauna na akong tumayo sa kanila. "Yown" Malakas na sabi nina Simon at Fredrick, natawa lang naman sina Apollo at Cielo sa kanila, Lumakad na sila papunta sa kusina, kaya sumunod na lang din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD