Gangster 4

3668 Words
(Naya's POV) Iisa lang ang napansin ko sa school cafeteria as we started having our lunch, ang daming tao dito, marahil dahil iisang cafeteria lamang ang ginagamit ng senior high students at ng college students, ang makikita mo lamang na tanging pinagkaiba ng lugar ay ang dalawang palapag nito, college students ang mga nasa sa taas ng cafeteria at senior high students ang mga andito sa baba. Pero dito mo rin sa baba makikita ang hagdan paakyat sa taas, kaya dito parin dumadaan ang mga college students paakyat doon, the cafeteria was 3 storey and it was super huge na parang ilang baseball field ang kakasya dito. Pumasok na lang kami ni Apollo sa loob para makahanap ng mauupuan at makapila sa counter. Lahat ganoon at walang special treatments. Maya maya lamang habang nakapila na kami ni Apollo ay bigla na lamang may naghiyawan at nahawi ang iilang estudyante sa isang sulok ng cafeteria, napalingon kami doon at nakita kong may lalaking humablot sa isang babae na kumakain at tinutukan ito ng kutsilyo sa leeg, walang may pake kahit na ganoon ang nangyayari wala din akong nakikitang kasama ng babaeng iyon, lahat ay tuloy lang at parang walang nakikita. "Papatayin ko ang babaeng to kapag hindi niyo iniharap ang dean sa akin" Walang pumansin sa lalaking yon kahit pa maghihihiyaw siya ng malakas, marahil ay normal na yatang tanawin yan dito. Nakita kong siniko bigla nung babae na yun ang lalaking may hawak sa kanya, ng mapaatras ito dahil sa sakit na naramdaman ay saka naman siya sinapak ng babaeng iyon, bumagsak agad ang lalaking iyon dahil doon. She's familiar, siya yata yung katabi ko na newbie din. Naupo lang ulit ang babae at kumain na akala mo walang nangyari. There is only 2 rule in this university that is no weapons allowed saka walang uwian kapag pumasok ka na dito. Kaya yung mga gumagamit ng weapon kagaya nung nakita namin kahapon lagot sila. "Ikaw" Hiyaw nung mga lalaking lumapit sa amin at tumayo sa harapan namin ni Apollo, nagtago naman agad si Apollo sa likod ko. Sila yung mga pinatulog ni Apollo sa hallway. I remember them, sometimes I wanted to just forget having this kind of memory. Dahil sa kanila ay nakuha naman namin agad ang atensyon ng mga tao sa cafeteria. Tsk. Kahit mahigpit ang batas tungkol sa away ay mayroon parin talagang mga katulad nila na walang pakielam. Nakapagtataka din na nung mangyari ang insidente na yun sa amin ni Apollo sa hallway ay walang guards na dumating, unlike sa nakita namin ni Apollo na kaguluhan, at sa eksena kanina ay wala ding dumating. Ganoon ba sila sa mga newbie ng school o may iba pang dahilan? Napakaraming guards sa school and they are always around, sinasadyaa ba nilang hindi kami tulungan? "Humanda ka, papatayin kita" Paghiyaw ng lalaking iyon na bakas na bakas ang galit sa muka ay mabilis kong dinampot ang baso na nasa tray ng lalaking dumaan sa gilid namin saka ko iyon inihagis sa kanya, nailagan niya iyon kaya mabilis kong dinampot ang upuan na nasa tabi namin sabay hampas ng noon sa kanya. Natumba agad siya dahil doon, hindi niya na iyon naiwasan. "Ayoko ng inaabala ang oras ng pagkain ko" Sabi ko sa kanya habang nakahandusay siya sa sahig, lalong bumakas ang galit sa muka niya. Kitang kita ko iyon, habang hindi naman gumagalaw ang mga kasama niya. "Hayop ka! Papatayin kita!" Tumayo agad siya at sumugod sa akin matapos niyang sumigaw ng pagkalakas-lakas, namumula siya at naglalabasan ang mga ugat hudyat na talagang napipikon siya, muka ba akong bingi para sigaw sigawan niya lang? Tinadyakan ko agad siya ng akmang sumugod muli siya sa amin tumalsik muli siya dahil doon pero mabilis ding bumangon, itinaob ko naman agad ang lamesa na katabi sa mga kasama niya na sumugod narin saka ko iyon tinalunan habang nadadaganan sila, mabilis din akong tumalon at pinagsisipa yung mga nakatayo pa na susugod pa sa amin. "Leave, or I’ll let Apollo beat you" Banta ko sa kanila habang nakahandusay lahat sila at iniinda ang sakit ng mga natamo nila, natigilan silang lahat dahil doon saka sila mabilis na nagsibangon at kanya kanya silang takbo palabas ng cafeteria na madapa dapa pa. Tsk. Bumalik naman agad sa kanya kanyang buhay ang mga nanonood na mga estudyante sa amin. Ibang klase talaga dito, I look at Apollo na agad namang lumabas mula sa likuran ko. "A-ako na lang ang bibili ng pagkain, maghanap ka na ng upuan" Pagkasabi niya noon ay mabilis na akong umalis sa pila at iniwan doon si Apollo, wala na tuloy kaming mauupuan, siksikan na dahil parang halos lahat ng estudyante ay andito na. "Join me here" Nilingon ko yung nagsalita na nasa malapit sa akin na table, siya yung kaklase ko na na-hostage kani-kanina lang. Ngisian niya pa ako pagkasabi niya noon, natandaan niya marahil ako, tumingin muna ako sa paligid at ng makita kong wala na talagang bakante maliban sa mesang iniaalok niya ay inilapag ko agad ang bag namin ni Apollo sa upuan sa table niya, no choice na din naman kami. Kahit na every round table has 5 seats, okupado na ang lahat maliban dito, maybe they knew that she was a newbie kaya walang may gustong tumabi sa kanya, pero marami kaming newbie dito hindi lang siya. "Looks like you've been in so much trouble at your first day" Sabi niya sa akin pagkaupo ko sa napili kong upuan, napili ko ang katapat niya. "I used to it" Napangisi lang siya sa simple kong sagot, pagpasok ko kasi kanina ay binully din agad ako ng mga kaklase namin, lalo na nung nag-bell para sa lunch time, pero wala naman akong pakielam doon, kaya lang parang masyadong laganap ang bullying at away sa lugar na to, my brothers are not that kind, bakit gusto nila dito? "Death rulers university is full of mystery" She said kaya napalingon ako sa kanya to find her looking at me, siguro naisip niyang tungkol sa school ang naiisip ko ngayon, hindi na siya nagsalita matapos noon saka siya bumalik sa pagkain niya. "I guess so" Tanging sagot ko saka ako tumahimik at naghintay kay Apollo, habang kumakain ay bigla siyang tumigil at bigla siyang tumunghay kaya nilingon ko agad yung tinitingnan niya, si Apollo. Sumenyas agad siya kay Apollo na napansin naman agad nito, sabay turo sa akin kaya lumapit na agad siya dito. "Apollo, pinsan niya" Pagpapakilala ni Apollo sa kanya, matapos niyang ilapag ang pagkain namin at naglahad pa siya ng kamay, so friendly on his first day, napapailing na lang ako sa inasal ng mokong kong pinsan saka ko hinila ang tray na para sa akin. Napatingin muli ako sa dalawa ng maglahad din ng kamay ang babaeng yun kay Apollo, wait, ano nga ulit ang pangalan niya? "Cielo Corliss" Pagpapakilala niya din kay Apollo saka niya tinanggap ang kamay ng pinsan ko, Yun pala ang pangalan niya, I didn’t mind looking at her ID at all. "Nice to meet you Cielo" Ngumisi lang naman siya kay Apollo saka sila nagbitaw ng kamay, si Apollo naman ay naupo narin pagkasabi niya non. "Matagal ka na ba dito cielo?" Panimulang tanong ni Apollo habang kumakain kaming tatlo and I didn’t mind looking at them but I am all ears, nakahanda akong sipain si Apollo kapag nadulas siya sa kadaldalan niya tungkol sa pakay namin dito sa school na to. "one week ahead on you two" Sagot niya lang kay Apollo, 2 weeks na kaming late dito at siya ay one week lang na-late, ibig sabihin ay marami narin siyang napagdaanan at alam dito, kumpara sa amin. "Ganito ba talaga dito?" Pabulong na tanong ni Apollo sa kanya at parang casual lang naman si Cielo. "Mas lalala pa yan" Natahimik na si Apollo sa sinabi ni Cielo at napatingin lang sa akin, I gues this is really their ways of welcoming newbies, tinitingnan marahil nila kung hanggang saan tatagal ang mga katulad namin. "Oh, Look? The two idiot newbies joined forces with another idiot, cool" Dinig kong sabi nang babaeng boses kaya napatingin kaming tatlo sa kung sino yun at nakita ko yung kaklase kong nakaaway ko kanina, walang dala ang gaga na to. Napapailing na lang ako na bumalik ng tingin sa mesa at tumuloy na lang ako sa pagkain. "Merry? Wala pang Christmas, wag ka munang magpaka-merry dyan, gusto mo na naman yatang masaktan" Natawa si Apollo sa sinabi ni Cielo, malumanay iyon na naging pagbabanta sa huli, habang tawa lang ng tawa doon si Apollo na akala mo ay nababaliw. "Do it or i'll ruin your face you frog" Banta ko ng akmang sasaksakin niya ng tinidor si Apollo, tinapos ko na agad ang pagkain ko saka ako tumunghay at tiningnan sila, napatigil si Apollo sa pagtawa at bakas na bakas naman ang gulat sa muka ni Merry, I look at her with my most deadliest stares. "N-newbie lang kayo! Wala pa kayo sa kalahati namin, don't act so brave b***h!" Natatarantang hiyaw na na ang dulo ay naging galit, nagngangalit ang mga mata niya habang sinasabi iyon at nakangisi lang naman sa amin ang mga alipores niya na parang mga alikabok lang kami sa kanila. "Really?" Tanong ko saka ko siya nginisian, she look more furious dahil sa sinabi ko at akmang susugudin na ako but the bell rang kaya tumayo na agad kami, ang ibang estudyante ay nagsitayo na at umalis narin, two trouble on the cafeteria is not cool. I look at her habang masamang masama parin ang tingin niya sa amin. "Tell that to my care, thats if I have one" Tumalikod na kami sa kanya pagkasabi ko noon, natawa lang si Apollo at napangisi lang si Ciello. "You b***h!" Hiyaw niya, binato ko sila ng bangko na nahawakan ko pagilag ko sa tinidor na ibinato niya. Wala na silang nagawa pagkatapos noon, gulat na gulat sila marahil ay hindi inaasahan ang mabilis kong pagkilos. Tsk. "Your single move can break all your bone" Tumalikod na muli kami pagkasabi ko noon sa kanila, this time they didn’t do anything again kaya payapa na kaming nakalabas ng cafeteria. Sumakay muli kami sa mini bus papunta sa senior high premises para hindi kami ma-late, pagdating namin ay mabilis lang din kaming bumaba at naglakad papunta sa mismong building na pakay namin, nagsimula narin naman ulit ang kwentuhan ng dalawang kasama ko na parang enjoy na enjoy pa sa kadaldalan nila. Pagdating namin sa building ni Apollo ay sumama parin si Cielo sa paghatid sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya dahil mabilis lang din naman kaming nakarating sa room nila Apollo. "Bye insan, bye cielo!" Cielo wave her hand on him and I’m just looking at him, ngumiti siya bago tuluyang puamsok sa room nila so I just turn my back again para makapunta na sa sarili naming building. Nung kami na lang dalawa ang magkasama ay natahimik na si Cielo, marahil nararamdaman niyang hindi ako kasing daldal ng pinsan ko. Mabilis lang naming narating ang room namin, dire-diretso lang kaming pumasok at naupo sa upuan namin pareho, wala namang pakialam sa amin yung iba naming kaklase yung grupo lang naman nila Merry ang mainit sa amin. "May war mamaya sa quadrangle" Napakunot ang noo ko sa narinig ko sa kaklase namin pero hindi ako nagabalang tumingin sa kanila, ano kayang ibig sabihin non? "Talaga?" "Sino sinong maglalaban?" Nagsimula na silang magkumpulan at magpakita ng interes sa kinukwento ng isa naming kaklase. "College freshman's saka sophomore yung mga yun eh" Dinig kong sagot ng kaklase ko. Sa pagkakaalala ko ayon sa mapa ng school yung quadrangle ay nasa south ng school, ang lugar bang iyon ay para sa away? Hindi ko na lang pinansin ang usapan ng mga kaklase ko, ang importante ay hindi naman ako kasali don pero dapat kong malaman kung anong klaseng kaganapan ang mangyayari don. "Shut up and sit down, the bell rang already" Biglang sabi ng president namin na ikinatahimik ng mga nagdadaldalan naming kaklase, kanya kanya din silang balik sa mga upuan nila, bukod sa amin ni Cielo siya lang yung palaging magisa dito, parang magkakakilala na ang iba naming kaklase at kaming tatlo lang ang mga walang kilala. "Lets start" Natahimik lalo sila dahil sa pagdating ng teacher namin. Kaya nag-focus na lang din ako sa pakikinig sa kanya. ----------------- Tahimik naman na lumipas ang afternoon class namin hanggang sa mag-class dismissal na. Mabilis ko lang na inayos ang gamit ko saka ako tumayo, nakasabay ko pa na lumabas ng room si Cielo, and the weird thing is the president join us also. "You should watch the war" I look at our president when he talk kasabay ko kasi sila pareho ni Cielo, is he referring to me? "He's right, you should know how does it done" Tumango na lang ako kay Cielo ng segundahan niya ang sinabi ng class president namin, maganda naring opportunity ang sinabi nila. Binilisan ko na lang ang lakad ko at hindi na nagsalita pero ang dalawa kong kaklase ay nananatiling sumasabay sa akin, hindi ko na sila pinansin at dumiretso na lang ako sa building nila Apollo, isasama ko siya sa quadrangle para malaman niya rin ang mga mangyayari don. "You don't need to follow me here" Sabi ko sa kanilang dalawa dahil hanggang dito sa building nila Apollo ay kasama ko sila kahit na tahimik lang kaming tatlo ay sumusunod lang sila sa akin. "Sabay sabay na tayong pumunta sa quadrangle" Sabay nilang sagot kaya hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang sila. "Naya? Naya?" Tuwang tuwang salubong sa akin ni Apollo paglapit namin sa room nila, napakunot lang naman ang noo ko sa inasal niya, the last time I check I punch his classmates dahil binu-bully siya ng mga ito. "Lets go" Yaya ko sa kanya at hindi na pinansin ang weird niyang reaksiyon, ano kayang meron at lahat ng kaklase niya ay kasama niya? "Meet my friends first" Pigil sa akin ni Apollo kaya napabalik ako ng tingin sa kanila. "Hi" Bati sa akin ng buong klase nila. And then what? Sinamaan ko lang naman sila ng tingin. "Hoy! Hindi kayo yon kami lang!" Sigaw na naman nung maingay na lalaki, siya yung sisigaw sigaw kay Apollo nung nakaraan. Ang ingay niya bagay silang magkasama ni Apollo, natahimik yung mga kaklase niyang sinigawan niya, saka siya humarap muli sa akin sabay ngiti. "Fredrick" Inilahad niya pa ang kamay niya sakin pagkatapos niyang magpakilala sa akin, malawak ang ngiti niya. "And then?" Tinawanan agad siya ng mga kaklase nila pagkasabi ko noon. "Tinatawanan niyo ba ko?" Natahimik ulit ang mga kaklase nila sa muli niyang pagsigaw. "I'm simon" Pagpapakilala naman nung lalaking lagi niyang kasama. Tiningnan ko lang din naman siya, pero hindi naman na siya nagsalita. “wala akong pakielam sa inyo, basta wag na wag niyo lang lalapatan ng kamay ang lalaking to, tyak magkakagulo tayo” Sinabi ko iyon sa usual kong tono pero kanya kanya sila ng kamot ng ulo, hindi yun biro, totoo iyon, hindi ako nagbibiro pagdating sa pinsan ko kahit na nakakainis yan. “hindi na namin uulitin pangako” Sabay sabay na hiyaw nila, hindi na ako nagsalita, tiningnan ko na lang si Apollo na ngumiti lang naman sa akin, so is this his way? Hindi talaga kami magkaparehong dalawa. "Sino siya insan?" Tanong sa akin ni Apollo sabay turo dun sa class president namin, kanina pa namin kasama ni Cielo yan ngayon niya lang tinanong. "Frion" Pagpapakilala ni president ng sarili niya kay Apollo saka siya naglahad ng kamay. "Apollo bro, pinsan ako ni Naya" Nag-shake hands pa yung dalawa na parang mga ewan. Akala mo tong mga to kandidato eh. "Stop that s**t, we are going at the quadrangle" Pang-aabala ko sa kabaklaang pangangampanya ng dalawa. "Anong meron?" Nagtatakang tanong naman ni Apollo ng putulin ko ang malagkit nilang pagtitinginan, Sira ulo talaga to bakit ba ako ang tinatanong niya? ano ba namang malay ko kung anong meron dun? "Oo nga pala may war, Sasama kami!" Simon said saka sila nagmamadaling kumilos, hindi ko na sila pinansin at nauna na kaming lumakad sa kanila, I hate annoying peoples, kay Apollo pa nga lang ay bwisit na bwisit na ako dadagdagan pa ba nila? Maya maya lang ay naramdaman ko na na kasunod na namin sila, kahit hindi ko nakikita ay alam ko dahil naririnig ko sila, at isa pa ang mga estudyanteng makakasalubong namin o madadaanan ay kusang nahahawa at nagbibigay daan sa amin, ibig sabihin ay madami kami. Habang naglalakad ay umaalingawngaw ang ingay nila at mukang masasaya pa, eto na nga ba ang sinasabi ko, kaya ayoko sa mga taong ka-tropa ni Apollo sa kaingayan. "Shut up or ill bury all of you alive!" Hiyaw ko na dahilan kaya natahimik silang lahat, sinamaan ko sila ng tingin saka ako naglakad ulit. Pagkatapos noon ay hindi na sila nagingay pang muli pero naririnig kong nagbubulungan parin sila sa likod. Pagbaba namin ng building nina Apollo ay sumakay agad kami ng mini bus, ibinaba naman kami noon sa b****a ng South saka kami naglakad papasok, marami kaming nakasabay na maglakad papunta doon, kahit hindi ko alam kung saan eksakto ang lugar ay hindi ako maliligaw dahil sa dami ng mga estudyante na makikita mo. Pagdating namin sa quadrangle ay marami ng mga estudyante ang nakaharang at nakapalibot sa mismong platform kung saan maglalaban-laban ang mga estudyante, kaya humanap pa kami ng pwesto at napunta kami sa tabi ng isang puno, tamang tama lang naman ang pwesto namin dahil medyo may araw pa kahit alas kwatro na ng hapon. Malawak ang quadrangle, isa siyang open field for sports events. Sa sobrang lawak nga dito kahit ilang helicopter pa ang ilagay dito ay kasya. It looks likes so many soccer fields combined together and formed this quadrangle. "The freshman's are here already" Nilingon ko ang itinuro ni Frion na mga paparating, nahawi ang mga estudyante para bigyan sila ng daan, freshman's nga sila dahil sa kulay ng uniform nila and i guess they are Business's students. "The sophomore is coming now" Segunda ni Cielo kaya napalingon din kami sa gawi na itinuro niya, nahawi yung daan na dinaanan namin kanina at ipinakita ang mga sophomore's they are wearing red uniforms muka namang criminology students sila. Dito sa DRU the Freshmans uniforms is green, sophomores is red, Juniors is yellow and Seniors is blue at yung may 5th year na courses they are sky blue. “Dito sa quadrangle ay hindi allowed ang weapons, every fight here is all about strength and tactics, patalinuhan, palakasan, pagalingan sa diskarte, yun din ang dahilan kaya bawal ang away sa kahit saan mang sulok ng school dahil may quadrangle naman, this is made for those fights” Mahabang paliwanag ni Frion sa amin, that’s why, pero mukang may mga matitigas parin talaga ang ulo dahil may mga nantitrip parin. Bumalik na ako ng tingin sa mga maglalaban-laban, nagtapat ang mga sophomores at mga freshmens sa gitna ng field na malapit sa amin. "We've met again Justine" The sophomores leader said, mahahalata mo naman kung sino ang mga lider nila dahil nauuna naman sila palagi sa paglalakad. "Simulan na natin to Rio" Sagot naman ng freshmen leader, Una ng sumugod ang mga kanya kanya nilang mga tauhan habang nakatayo parin yung dalawang pinuno nila. "Apollo?" Tawag ko kay Apollo na hindi ko tinitingnan dahil katabi ko lang naman siya. "Bakit insan?" "Cover your eyes" Utos ko sa kanya, mahirap na baka madamay kami sa away ng dalawang grupo kapag nagwala siya dahil lang sa dugong makikita niya. "Insan naman --- "Just cover your eyes, Bullshit, makinig ka na lang" Putol ko sa anumang sasabihin niya saka ko siya sinamaan ng tingin, itinaas niya agad ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko niya. "Eto na eto na, relax" Nauutal utal pang sabi ni Apollo, nilagyan naman agad siya ng blindfold ni Fredrick, kaya bumalik na ako ng tanaw sa mga nasa gitna, muka namang nagtaka yung mga kasama namin pero hindi naman sila nagtanong. "Stay there at the tree" Utos ko kay Apollo. "Okay, matutulog muna ako" Sagot niya sa akin, umupo siya sa tabi ng puno at inalalayan naman agad siya ng iba nilang mga kasama. “i said listen, not sleep” Banta ko kay Apollo, na ikinatawa niya lang saka siya napakamot ng ulo, bumalik na ulit ako ng tingin sa mga naglalaban at hindi na nagsalita pa. "Why?" Tanong ni Cielo at Frion sa akin kaya napalingon ako sa kanila. "Why?" Balik tanong ko sa kanila. "Why did you do that?" I just look at Cielo saka muling bumaling sa pinanonood namin habang nakapamulsa. "He's dangerous when he saw blood" Simple kong sagot sa kanila, akala ko tatawa sila o magtatanong pa pero wala naman ng kasunod iyon. "O-okay" Tanging nasabi ni Cielo kaya napalingon ako sa kanya, maybe she didn’t expect that. "Weird" Dinig kong sabi din ni Frion. “I know” I said saka ako bumalik ng tanaw sa mga naglalaban-laban. DR University is a school for gangsters. Yes there are school for this kind of youths. And the only thing that's hunting me is the fact that my brothers wants to enter this school for gangsters. Why they wanted to be here? Why dad and mom allowed them to enter this school? are they gangsters? I knew my brothers capabilities but I knew also that they cant kill or fight without any reason at all, unless they are really gangsters. Pero kung gangsters nga sila alam kong sasabihin nila sa akin yun, hindi sila maglilihim sa akin alam ko yun, but they didn't, o baka naman itinatago lang nila yun sa akin? Are they gangsters? I wanna know that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD