Nasampal ko siya nang 'di ko inaasahan, dala narin siguro ng galit at pagkamuhi ko sa kanya.
Nanlalaking mata niya 'kong tinignan pero binawi niya rin ito kaagad ito, " What? " Naiiritang asik niya.
" How dare you, kaya pala nagiging mailap kana sa'kin kasi may iba ka. Bakit 'di mo kaagad sinabi? Edi sana nakakapag move-on na ko, diba? " Naiinis 'kong saad. Nahuli ko lang naman siyang nakipag halikan sa President ng Student Council at enjoy na enjoy pa.
" Ano naman ngayon? " walang ganang sagot niya sa'kin, sinampal ko siya ulit. This time, sobrang lakas na.
Alam niyang sasampalin ko siya uli kaya wala na itong reaksiyon sa ginawa ko.
" You're not my man, WHO ARE YOU? " naiiyak at may halong panginginig sa boses ko.
" Ibalik mo ang dating ikaw, you jerk! " Sigaw ko rito at pinaghahampas siya.
" A jerk you would call and we should break up, I don't need you anymore. " sabi niya at tumalikod na nakapamulsa.
" Madapa ka sanaaa! " sigaw ko at tumakbo palayo.
2 years na namin sana bukas, but unfortunately-we broke up. Nasampal ko nalang ang sarili ko sa inis.
I don't have any idea na may iba siya, hindi niya naman ugaling makipag interact sa ibang babae except for me. Walang rason pero 'di ko din siya masisisi, I'm just a regular girl who always made him mad. Pasaway ako e. Siya yung partner na gustong-gusto ng mga babae ideal-boyfriend kumbaga, he always supports me and 'di ako nasasakal sa relationship namin. Siguro nasakal ko siya? Kasi andaming mga bagay-bagay na pinagbabawal ko sa kanya kahit sa maliit na dahilan. Siguro nga, his new girl got the beauty and brain. While me, walang laman ang utak. Slow pa sa slow 'kong seatmate.
Napaupo ako sa sirang upuan dito sa rooftop, makikita sa ibaba ang buong school. 'Di rin naman kasi masyadong kalakihan ang skwelahan namin. Sa sobrang liit nakita ko siya kaagad na kinakausap ng teacher at parang naiiyak pa-dramatic. Nakunot ang noo ko at sinundan siya ng tingin, may mga dala siyang papel at mukhang yung iba lumipad pa, anlakas kasi ng hangin.
" Dang, " I whisper. I know what he would say pag naiinis siya at mukhang tama ako. Bigla siyang napatingin sa'kin, nagkunwari naman ako na 'di ko siya nakita.
____
" Dang! " Inis na sabi ko at padabog 'kong pinagpupulot ang mga papel na nilipad ng hangin, napatingin ako sa rooftop.
" Ashley? " I mumble.
Parang piniga ang puso ko nang maalala ko ang pinagsasabi ko kanina sa kanya, I don't meant those hurtful words pero kailangan.
____
Nakadungaw ako sa bintana at tinitignan ang punong mangga, parang gusto ko kumain ng mangga ngayon. Natakam ako sa naisip kaya bumaba ako mula sa kwarto at lumabas para bumili ng mangga sa kapitbahay, baka kasi kung kinuha ko lang mapagsabihan tayong magnanakaw ng mangga. Patakbo akong tumawid sa kalsada dahil wala namang kadalasang dumadaan na sasakyan o motor dito sa'min, nakarinig ako ng parang maliit na bell na paulit-ulit na tumutunog napalingon ako at nagulat sa nakita. Huli na nang matanto 'kong mababangga ako.
" A-aray, " daing ko. Mababangga na nga lang sa bike pa, natawa ako sa naisip.
" Okay ka lang, Ashley? " Napatingin ako sa nagsalita, napaatras ako ng bahagya sa gulat. Halos dalawang taon ko na siyang 'di nakikita. Anlaki na ng pinagbago niya. Pati sa style niya ibang-iba na ngayon.
" Ang payat mo na. " I said.
" HAHA, nagdiet ako. " Natatawa niyang saad. Inayos niya ang suot niyang bonet, naka sweatshirt siya at pajama. Muntik pa ko matawa sa suot niyang tsinelas-paw patrol ang design.
" Bagong style ko to, bagay ba? Hehe " he slightly smiled.
" Oum. "
Ackward on the scene.
" Ah, mauuna na ko. Tatapusin ko pa kasi yung sinulat 'kong story, " nahihiyang saad ko.
" Good luck, then. " Sagot niya at nagsimulang mag pedal sa bike.
Hindi man lang lumingon, hayst. Ano pa ang aasahan ko sa ugok na yun. 'Di niya nga ata sineryoso relationship namin dati. Pero dahil sa experience na yun gumaling ako sa pagsusulat ng mga libro. A big thanks to that poorly experience.
___
' I'm a big fan of yours, I don't mean na mataba ako no. Sa sobrang baliw ko sa mga gawa mo nilagay ko na sa dingding ng hospital room ko yung poster ng cover nung libro. Hehe, sana maka-attend man lang ako sa book signing mo this year. Kahit sa huling pagkakataon. '
The Fat Fan.
Bungad kaagad sa cellphone ko, natawa naman ako sa codename niya. 'Di daw siya mataba pero yung codename fat.
Sinagot ko siya na see you soon with heart emoji. Parang nalungkot ako sa message niya, huling pagkakataon. Anong gusto niyang iparating? Pumasok na ko sa comfort room at napatingin sa malaking salamin sa likod ng pintuan, nanlalaking mata ko itong tinignan.
Where that Fat Fan get my number? Ako lang may alam ng cellphone number ko, kakabili ko lang kaya nito. My imagination gave me goosebumps.
____
Ilang months nalang at book signing ko na, but before that naka-scheduled ako this month sa dating school ko. Ako daw ang isa sa mag ju-judge sa isang event sa school. Sa pagkaka-alam ko, walang ganuon dati sa school.
Pagpasok palang sa skwelahan,ganun pa din walang pinagbago. Maalala mo talaga ang mga old memories na nangyari noon. Naalala ko din ang first at last love ko dito sa school. Bigla akong sumimangot sa naalala.
Naka move-on na ko, dapat erased na siya.
Habang naglalakad, narinig ko biglaan ang pangalan ko sa hallway. Nakatayo doon ang isang kaibigan, teacher na pala siya ngayon. Halata naman sa uniform niya.
Kumaway ako at lumapit sa kanya, we exchange smiles and good old memories at kung ano-ano pang pinag-usapan namin hanggang napunta ang topic sa baliw 'kong ex-boyfriend.
" Balita ko 'di niya tinapos pag-aaral niya, aaminin ko hangang-hanga ako sa kanya kasi antalino niya pero nagulantang talaga kami nung sinabi nung pinsan niya na 'di na siya papasok kasi tinamad daw. Pero yung excuse nung teacher namin lilipat lang siya ng ibang school, " mahabang lintanya niya.
" Tumigil siya? " Tanging tango lang ang sinagot niya sa'kin habang naglalakad kami.
" Sa anong dahilan? " Pagtatanong ko ulit.
" Walang may alam pero may hint kami na may sakit siya, naalala mo yung President ng Student Council? " saad niya
Tumango ako biglang sagot.
" Buntis siya ngayon at malapit na ang delivery, kaya may regular check-up siya sa hospital. Nakita siya ng President natin na nakaupo sa patients area at naka-gown ng pang pasyente. Nung una, akala niya saglit lang siya dun pero nung tumagal napansin niya yung pagbabago sa katawan niya. Napapadalas narin ang pagsuot niya ng bonet. Yun yung hint namin baka may sakit nga talaga siya. " Dagdag niya pa.
So, 'di sila nagtagal ni Fiona?
" Nakita ko siya kahapon nung nakaraan, nagbabike. Parang okay naman siya, " saad ko.
" Kaya pala pinaghahanap siya kahit sa dating ka-batchmate nito, haha. " Natatawang sabi niya.
May itatanong sana ako nang tinawag ako ng isa sa nag handle ng event sa school.
___
Nasa mall ako ngayon para bumili ng kakainin ko sa isang buwan saka magiging busy ako darating pang mga buwan. Sasabak ako sa Dreame para may extra income naman ako at makapag-ipon sa gusto 'kong bilhing bahay.
Dadamputin ko na sana ang malaking Nutella nang marinig ko ang pangalan ko sa 'di kalayuan.
Si Fiona.
Lumapit ito sa'kin at inaya ako sa isang kilalang restaurant dito sa Mall pagkatapos ko sa grocery store, biglang kumulo ang dugo ko sa huling meet ko sa kanya pero kailangan pigilan at baka makulong ako.
Isang oras na siyang nakangiti, 'di ba siya nangangalay? Ganito pala mabuntis nagiging baliw-
" Ngayon alam ko na ba't ayaw ka niyang saktan. " Pag-uumpisa niya.
" What do you mean? "
" Ayaw niyang sabihin ko 'to sayo pero kailangan, " she sighed.
" Anong pinag-sasabi mo? " Napahawak ako ng mahigpit sa hawak 'kong baso at tinitigan siya.
Umiwas siya ng tingin sa akin, " He... " napalunok siya at tumingin ng diretso sa akin.
" He... He might be dying soon, " namumula ang mata niyang sinabi yun saakin.
Kumunot ang noo ko, kailangan ko ng matinong sagot-
" May cancer siya, Ashley. " she said.
" Stop joking around, " naiinis na ako sa sinasabi niya.
Umiwas siya ng tingin, " Ayaw niyang ipaalam sa iba ang sakit niya, lalo na sayo. " Malalim ang paghinga niya na para bang maya't-maya iiyak na siya.
Naninikip ang dibdib ko, sabihin niyong joke lang 'to tapos may prank na nagaganap. Mas tanggapin ko pa yun.
" But, all this time he's waiting for you. Ashley" dagdag niya pa.
Nagsisimula na mag-init ang mata ko.
" Hinihintay ka habang nilalabanan niya mag-isa ang sakit niya. "
" W-when? " napiyok na tanong ko, kinakagat ko ang pangibaba 'kong labi para mapigilan ang pagluha.
" 3rd year. " maiksing sagot niya at kinalma ang sarili.
•••
" A jerk you would call and we should break up, I don't need you anymore. "
•••
Naalala ko yung sinabi niya nung time na yun, nuong mga panahon na kailangan niya ko. Siya na pala mismo ang lumayo sa akin para hindi ako masaktan, pero sa aming dalawa. Siya Ang masyadong nahihirapan at nasaktan. I cursed him to death before for cheating not knowing na siya yung nagdurusa.
•••
" HAHA, nagdiet ako. "
Masyado akong selfish at 'di ko napuna yun.
•••
" Bagong style ko 'to, bagay ba? Hehe "
Kung nasaktan ako, mas triple pa ang dinanas nun sa kanya, napaka selfish ko. Sobrang makasarili ko.
•••
" Mauuna na ko, hinahanap na ko ng partner ko, " bago pa man siya makatayo, inunahan ko na siya at hinawakan sa braso.
" Wala kayong relasyon? " mabilis 'kong tanong sa kanya.
" Wala. "
" Then, ano yung nakita ko noon? Picture na edited? HAHA " patawang bara ko sa kanya.
" Oo, hinalikan niya ko but it doesn't mean na may relasyon kami. Ginawa niya yun para sayo, Sachi. I admit it, nagkagusto ako sa kanya na kahit anong sabihin niya gagawin ko. Pero nung nakita ko siyang umiyak at nagmakaawa sa'kin nadurog ang puso ko at nagalit sayo. You're so special to him, alam mo yun. Kahit sarili niya sasaktan niya lang para lang sayo. Kaya sumuko ako kasi alam 'kong 'di niya ko magugustuhan kasi ikaw lang laman ng puso at utak niya. " Marahas niyang binawi ang braso niya at umalis.
Natulala ako, hindi ko inaasahang mangyayari to. Napakasama 'kong babae.
Mabilis akong lumabas at pumunta sa hospital na sinasabi nila, wala akong maisip na sasabihin pag nakaharap ko na siya.
Gusto kong malaman sa mismong mga mata at pandinig ko na may sakit siya, hindi maproseso ng utak ko ang mga nalaman ko ngayon. This is too much for me.
Nang malaman ang kwarto niya bigla ko lang itong binuksan na walang pasabi.
" Fiona, umuwi ka na masama sa baby mo- " nang matanto niyang ako ang pumasok sa kwarto niya, nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
" You jerk! " panimula ko.
" Ba't ka andito? " walang gana niyang saad pero 'di nawawala ang pagkagulat sa mukha niya.
" Bakit 'di mo sinabi sa akin? " tanong ko rito.
Nag-iinit na naman ang mata ko sa nasaksihan, mas lalo siyang pumayat. Parang ilang araw lang din nung huli ko siyang nakita. Naka bonet parin siya kahit nakahiga na sa kama at balot na balot ng makapal na jacket.
" It's none of your business. " sagot niya at tumalikod sa akin.
" So-sorry, " naiiyak 'kong sabi.
" I'm sorry, I'm sorryy " tinakpan ko ang mukha ko dahil 'di ko na mapigilang umiyak.
I admit, I still love him. Niloloko ko lang ang sarili ko na naka moved on na ko, para hindi masaktan. But, I still love him.
" I already knew that you would cry and blame yourself, kaya 'di ko sinabi, "saad niya sa mataas na boses at hindi na siya nakatalikod sa akin.
He take a deep breath but between those breath I know he would break down, " Umalis ka na. " mahinahon niyang utos.
" Umalis ka na at enjoyin ang dapat ginagawa mo ngayon, be happy. At that way, I could go without any worries. " nagsisimula nang mamula ang mata niya.
Pigil 'kong hindi lakasan ang pag-iyak ko, tinataboy niya talaga ako. He need me and I need him, hindi nakukumpleto ang buhay ko na wala siya. Siya lang ang kayang magpangiti sa akin.
" Ashley, lagi kitang iniiwasan and made you suffer. Promise me you'll be happy. "
" Hindi madali yun, without you I wouldn't be happy, " saad ko.
" Gusto ko ikaw mismo magpasaya sa'kin-"
" Ilang buwan nalang natitira sa akin- "
" Mahal na mahal kita, ikaw palagi ang laman ng utak ko kahit anong iwas na isipin ka. 'Di ka nawala sa puso ko. I always love you, " iyak na saad ko.
He looked away and speechless.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya ng dalawang palad ko at pinaharap sa akin, hinalikan ko siya sa noo at niyakap. Tahimik lang siya pero naririnig ko ang malalalim niyang paghinga.
" Ilang beses ko na 'tong pinag-isipan, kaya kitang kalimutan, kaya 'kong burahin yung mga masasayang moments natin kung 'di kita mahal, pero palagi kang kumakatok sa isip ko pagtulog o sa paggising pero baliw rin naman ako tulad mo hinahayaan kitang pumasok sa isip ko at guluhin ang isip ko. Kasi nga sobrang mahal na mahal kita, " hagulgol ko sa bisig niya at niyakap siya ng mahigpit.
" I.. "
" Hmm? "
" I... love you too, " sagot niya at natuloy na ang kanina niya pang pinipigalang pag-iyak.
——
A bitter-sweet smile draws in my face, I've read his name numerous time. Hinawakan ko ang bawat letrang nakasulat sa lapida, deep inside of me hindi ko parin maproseso ang mga nangyari kahit ilang taon narin ang nakalipas. He's the best memory and experienced I won't forget.
After sa Hospital, we enjoyed his last moments even I know na 'di ko na siya makakasama pagtanda. Lahat ng memories namin masasaya and I don't regret everything we had. Isang pangyayaring hindi ko makakalimutan.
Tumayo ako sa pagkakaupo, " Mommy, gusto ko ng ice creamm! " saad ng batang katabi ko.
" Later, we need to bid a goodbye to Daddy muna, " lintanya ko dito.
" Ah! Bye-bye Daddy, next visit namin sayo may three stars ulit ako hehe, " magiliw na pagpaalam ng inosenteng bata sa puting lapida kung saan nakasulat ang pangalan ni Crisian.
Napangiti naman ako sa inakto ni Sachi, she's our little Angel and a cute miracle for the both of us. Nawala man si Crisian andito naman si Sachi para pasayahin ako at kulitin.
" Mommy! Tara naaa, " Hila-hila ni Sachi ang dulo ng damit ko para sumama sa kanya.
A sweet smile never fades in my face ng dumating sila sa buhay ko and I will not perish it until I'm gone.