Kabanata 8

2530 Words
Bagong Buhay "Mabilis akong napatayo at binuhat si Sync palabas ng kwarto." "Mommy, are Lola and Lolo okay?" Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Yes, they are okay." Binaling ko ang tingin kay Yaya. "Bakit dinala mo si Sync dito?" Nakita naman agad niya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. "Kasi po gusto niyang makita ang Lolo niya." "Alam mong ospital to at bata pa si Sync. Pano nalang kung magkasakit siya? Iuwi mo muna siya. Uuwi ako ng bahay mamaya." "Opo Ma'am." Magalang na sagot nito sa akin kahit mas malaki ang agwat niya sa edad ko. Hindi ko matanggal ang inis sa nangyari ngayon. "Mommy, gusto ko pong makita si Lola at Lolo." Niyakap niya ako ng mahigpit upang hindi ko siya maiabot sa yaya niya. "No, Sync. Later Mommy will come home. Okay?" Pinigilan kong di tumulo ang aking luha dahil ayaw kong makita niya na masyado akong mahina. Hindi niya maiintindihan ang mga nangyayari. "Please, Sync. Diba good boy ka? Gusto mo ba magalit si Mommy?" Umiling agad ito. "Please, Mommy." Pagmamakaawa pa nito. "No, Sync. Makinig ka kay Mommy ngayon." Binigay ko siya kay Yaya Minda at umalis na agad ito. Hindi ko alam kung pano ko haharapin ang magkapatid ngayon. Bakit ngayon pa? Kung kailan sunod sunod ang problema. Binuksan ko ang pintuan. Nakita ko naman na nakatingin silang dalawa sa akin at gustong ipaliwanag ang lahat. "Agatha?" Pagtawag ni Railey sa akin. "Please Railey wag muna ngayon." Madali naman niyang naintindihan. Nang ibaling ko ang tingin ko kay Mama. Nakita kong bukas na ang mga mata nito. "Ma!" Mabilis akong lumapit dito habang siya naman ay pilit na umupo. "Narinig ko ang boses ng apo ko? Saan siya?" Kalmado na siya di gaya ng kanina. Lumingon ako sa dalawa na ngayon ay tinitingnan ni Mama. Alam kong gusto na nilang malaman ang lahat. "Pinauwi ko muna sila ni Yaya Minda. Baka mahawaan ng sakit." Paliwanag ko. "Sino sila?" Pagtukoy niya sa magkapatid. "They are my friends and business partner of Papa" Tumango naman si Mama at alam niya na ang ibig kong sabihin. "I need to tell you something, Agatha." Muli kong tiningnan ang dalawa at naintindihan naman ng dalawa ang gusto kong mangyari. Lumabas ang mga ito. Nakatingin ito sa akin na alam kong hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. "Ang papa mo." Ramdam ko na naman ang pag-umpisa ng panginginig ng kanyang boses. Kaya tumabi ako sa kanya at inakbayan siya. Gaya ng ginagawa ni Papa. This will make her feel more secured. I never see this in my wildest dream, to see my Mom crying because of Dad. "It's okay Ma." I try to comfort her and I try my very best to not spill out all of my tears. "Lahat ng pagmamay-ari natin ngayon ay mapupunta sa bangko." She firmly said. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko dahil wala akong alam tungkol doon. "Ano pong ibig mong sabihin?" Naguguluhan tanong ko rito. Hinawakan niya ang aking kamay. "Ginamit ng Papa mo bilang collateral ang bahay at yung ibang asset natin para sa pagtataguyod ng resort dahil matagal na itong bankrupt." Nanghihina nitong sagot. "Pero bakit wala po akong alam?" Naguguluhan kong tanong dahil never na nagsabi tungkol dito si Papa. Tanging alam ko lang ay ngayon lang naging ganito kabagsak ang resort pero anong ibig niyang sabihin na matagal na? "Dahil gusto ng Papa mong gawin mo parin ang mga bagay nagpapasaya sayo at ayaw niyang madamay ka pa rito sa gulong to. Ang pagpapakasal mo sa anak ng business partner niya. Ayaw niyang sabihin sayo noon ang isa yun sa mga option. Ilang araw niya yung pinag-isipan dahil gusto ka parin niyang maging masaya. Alam mo ba kung gano kasakit iyon sa Papa mo? Na pati ang mamahalin mo ay ididikta sayo, so he try his best to make you happy, but all of this happened. I don't know what to do without your dad." Hindi ako makapagsalita at tuluyan na bumagsak ang luha ko. Kaya ba, pinapili niya parin ako? Kahit alam niyang kahit ihandle ko ang resort ay hindi masusulusyonan ang problema dahil gusto niya parin akong maging masaya? Alam ba ni Papa ang lahat? Pero bakit? Bakit ganito? "Bakit Ma? Bakit di mo sa akin sinabi ang lahat?" Gusto kong tingnan niya ako pero di niya ito magawa. "Because we love you, Agatha. We don't want to see you suffer in a marriage without love." "Kaya ba, inatake si Papa dahil sa mga problemang to?" She nod her head that makes me feel more burden. ⊙⊙※⊙⊙ "Ma'am!" Mabilis na humarap sa akin si Yaya Minda. "Sulat po." Binuksan ko agad ang sulat at galing yun sa bangko. Nakapaloob dito yung notice na kukunin nila ang mga property na pagmamay-ari nila Daddy gaya nga ng sabi ni Mom. Dalawang linggo nalang ang palugit na mabayaran ang lahat. All of worth of P25 million pesos. Saan ko makukuha ang ganun kalaking halaga? "Saan si Sync?" "Nasa kwarto niya po." "Pakihanda ang mga gamit niya." Tumango naman ito. Umakyat ako sa kwarto ni Sync at nakita ko namang siyang nagdradrawing. "Sync?" "Mommy!" Tumakbo naman agad ito nang makita ako. Agad ko namang binuhat ito. "Mommy, look po oh." Habang pinapakita ang drawing niya. Umupo kami sa kama niya at pinagmasdan ang drawing niya na gawa sa mga crayon. "Ito ka po Mommy, ako, si Yaya, si Lola at si Lolo." Habang tuwang tuwang tinuturo isa isa ang mga dinrawing niya. Niyakap ko siya at muling umiyak. Hindi ko alam kung pano sasabihin sa kanya ang lahat. "Pangit po ba ang drawing ko Mommy?" Pagtatanong nito dahil sa pag-iyak ko. Gusto niya akong makita pero dahil yakap yakap ko siya ay hindi niya kaya makaalis sa yakap ko at makita ang mukha ko. Umiling ako. "No, baby." "Hindi po ba ako naging good boy kaya umiiyak ka, Mommy?" Tinanggal ko ang pagkakayakap ko nang mapunasan ko ang mga luha sa aking mga mata at tiningnan siya habang hawak hawak ko siya sa kanyang mga braso. "No, I'm so blessed to have you, son." I kissed him to his forehead. "Lolo, told me that I will do everything to make you happy Mom." I nod and kiss his forehead. "Is there any problem, Mommy? That's make you sad." I nod again. "You know your Lolo is very happy to have you, Sync." Hinawakan ko ang kanyang mukha. Napakaliit nito para sa aking mga kamay. "I'm more than happy to anyone else because of you, yaya, lolo and lola. All of you are my beloved family, Mommy." He smile that make me see his little teeth. I need to explain everything to him that he could understand what happening right now. "Sync, do you know where is heaven?" He nods his head and point up to the sky. "Do you know who is living there?" He shrugged. "Lolo, is now in heaven." He looks at the window and look up the sky. "Wow! Can I go to heaven, Mom?" Excited nitong tanong. "Yes, but now is not the time, baby." Kumunot ang noo niya at halatang hindi nagustuhan ang sagot ko. "But I missed Lolo so much, Mommy." "You will see him later, but Lolo was in his deep sleep." "May I wake him up?" "No, because Lolo was in his deepest dream that no one could ever wake him up." Halatang naguguluhan siya. "Is he dreaming that he was in heaven?" "Yes." "Our Father God, Jesus Christ and angels were with him?" He looks at me with his curiosity. "Yes, so Lolo is happy now." I smiled "But he was happy with us too." "Yes, I know, he was definitely happy with us. But be with God, Jesus Christ and angels he will forever be happy." "Wow! I will tell him to be forever be happy. Can I see Lolo now and give him my drawing, Mommy?" "Of course, but can you promise me you will be a good boy in the place where we will be going?" "Promise!" Nakipagpinky swear siya sa akin. ※※※⊙※※※ "Lola!" Tumakbo agad ito nang makita ang Lola niya. Nagmano ako kay Mommy. "I miss you, Lola!" He kiss him on her cheeks. "Lola, look at this." Pagmamalaki niya sa dala niyang drawing. Inilagay ko iyon sa picture frame. "Ang ganda nito, Sync. Ang galing talaga ng apo ko." Tinapik nito sa kanyang ulo. "Ibibigay ko po to kay Lolo, Lola." Napakalaking ngiti ni Sync sa kanyang Lola. "Matutuwa ang Lolo mo Sync." "Saan po natutulog si Lolo?" Lumingon si Mama sa harapan kung saan nakalagay ang kabaong ni Papa. "Doon po ba?" Habang nakaturo ito sa kabaong. "Mommy, punta po kay Lolo. Excited na po akong makita niya to!" Binuhat ko siya at unti unti kong pinunta sa Lolo niya. Agad naman nakita namin si Papa. "Hi Lolo!" Mahinang sabi ni Sync "Alam niyo po Lolo nagdrawing ako ng pamilya natin. Tingnan niyo po?" Habang pinapakita ang frame. "Lola, kailan po gigising si Lolo? Nang makita naman niya po yung drawing ko." Napaluha si Mama habang nakikita niya si Sync na walang alam sa mga nangyayari. "Sync, I told you right, Lolo is dreaming right now." Tumango naman ito. "Lolo, pwede po bang tingnan niyo nalang po tong drawing ko kapag tapos na po kayo sa panaginip niyo? I love you so much Lo and I miss you!" Niyakap niya pa ang kabaong na nagpaiyak sa amin ni Mama. Inilapag ni Sync ang frame sa kabaong. "Lolo, will be proud of you, apo." He nod his head. Nagsimula nang dumating ang mga tao. Dumating na rin ang magkapatid na Uy pero hindi ko parin nakikita si Phoebe. "Condolence, Mrs. Cleone." Railey and Zeus said. "Condolence, Agatha." Lumapit sa akin si Railey. "Thank you sa pagdalo." Ngumiti ito. "Okay ka na ba ngayon?" I smiled weakened. "I understand." Umupo na ito sa harapan kung saan nakaupo si Sync at ang yaya nito. Muli akong sumilip at kinakabahan ngunit wala na akong magagawa sa sitwasyon. Nang paglingon ko ay agad namang nasa harapan ko na si Zeus. "Condolence." Saad nito. "Salamat." Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata sa takot na baka mabasa ko ang mga gusto niyang sabihin. Umalis na ito at tumabi kay Railey. Gusto kong kunin si Sync na malapit sa kanila ngayon. Pero natatakot akong maghinala sila. ○○◆◆◆○○ 3 months later... "Okay ka lang ba bes?" Lumingon ako kay Michelle na ngayon ay nag-aalala sa akin. "Oo naman." "Pasensya ka na di kita matulungan ngayon dahil may problema rin sa bahay." "Ano ka ba, okay lang ako no. Kaya ko to." "Bakit di mo nalang muna tanggapin yung offer ni Railey?" Ngumiti ako sa kanya dahil alam kong alam niya ang dahilan. "Pero matagal na yun. Hindi niya rin alam na anak ng kapatid niya si Sync." Tinakpan ko ang bibig niya dahil sa ang ingay niya. "Sorry na. Hihinaan ko na." I rolled my eyes. "Wag ka nang mapride kailangan mo nga trabaho ngayon." "Kaya nga naghahanap ako ng trabaho diba?" "Hay, pinahihirapan mo lang ang sarili mo girl! Kaysa tanggapin mo nalang ang offer ni Railey, edi wa pak, diba? Trabaho agad? Kaysa apply ka ng apply wala namang tumatanggap sayo." Exaggerated nitong sabi "May tumatanggap pero alam mo naman na hindi ako pwedeng magfull time dahil kay Sync." "Andyan naman ang nanay mo? Bakit di siya muna ang pakisuyuan mo?" "Alam mong hindi pwede dahil hindi kaya ni Mama si Sync." "O di kaya... sabihin mo na kay Zeus ang lahat para masaya diba? Di mo na kailangan magtrabaho pa at happy family kayo." Kahit gusto ko ay hindi pwede dahil hindi ganun kadali ang lahat. "Tumigil ka nga!" Tinakpan ko na ang tenga at patuloy na nagbasa ng dyaryo. "BES!" Kahit anong tawag ni Michelle ay hindi ko pinapansin dahil ayaw ko pang marinig ang walang kwenta niyang mga payo. Pero di ko na napigilan pang maasar ng sambunutan ako nito. "ANO BA!" Para akong napahiya ng makita ko si Railey na ngayon ay nasa harapan naming dalawa. "Sorry." Matalas ang tingin ko kay Michelle na sinesenyasan ko na bakit di niya sa akin sinabi. "Okay ka lang?" Ngumiti ako rito at niyayang umupo sa sofa. "Bakit ka napapunta dito?" Nahihiya ko muling tanong. "Gusto ko ulit sanang kamustahin ka?" "Kamustahin, halos araw araw nalang!" Pang-aasar ni Michelle na kinurot ko at pinaalis. "Ang cute din ng kaibigan mo no?" Nahihiyang saad nito. "Sorry, ganyan talaga yan pero mabait naman siya." "Sa totoo lang kaya pumunta ako rito dahil sa inaalok ko sayo." Umupo na ito sa sofa at tiningnan din ang ginagawa ko. "Alam mo naman ang sagot ko diba?" "It will be a good job for you." Nanatili tikom ang aking bibig at hinayaan siyang magsalita. "Papasok ka lang thrice a week with a high paying job. I think it would be more that enough for you and your family." Alam kong hindi siya susuko pero hindi ko akalaing ganito katagal. "You know Railey, hindi pwede, hindi dahil sa ayaw ko sa trabaho pero....." "Because of me?" Alam niya nga ang dahilan."Don't worry about me, Agatha. Just grab this chance for now. Let's talk about the past later. I know, how you need this job." Hindi ko alam ang isasagot dahil alam kong wala na akong karapatan para pumasok pa muli sa buhay niya. ☆☆♡♡♡☆☆ "Come in." Nakatalikod ang taong kakausapin ko na nakaharap sa kanyang bintana. "Good morning Sir, I am Agatha Cleone, your new assistant secretary." "Good morning, I am glad you have already decided to be part of our company and I'm happy to see you again?" The familiar voice, make me eager to see him. He turned his chair and face me. "Zeus...." ♥♥♥☆☆☆♥♥♥ Epilogue of Chapter Eight "Okay ka lang ba?" Madali kong pinunasan ang mga luha ko. "Zeus? Anong ginagawa mo dito?" Madali kong inayos ang mga nakakalat na tissue sa bench. "Akala ko may umiiyak kasing pusa." Madali naman akong naasar sa kanyang sinabi at tinarayan siya na nagpatawa sa kanya. "Anong nakakatawa?" Asar kong tanong dito. "Ngayon ko lang nalaman na cute ka rin pala." Bigla akong napatahimik at hindi alam ang sasagutin sa kanya. "Umalis ka nga rito." Yun na lamang ang nasabi ko sa kanya. "Wala naman nakasulat na Agatha Cleone's Property sa upuan na to? Kaya bakit ako aalis?" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sitwasyon ko ngayon. Matagal ko ng gusto siyang makasama ng ganito. Na kaming dalawa lang pero bakit? Kung kailan sinabi kong move on na ako sa kanya? Kahit na walang naging KAMI? Magbabagong buhay na ako. Sasanayin ko ang sarili ko na kalimutan siya. "Umalis ka na dito! Wala ako sa mood ngayon. At di naman tayo close para tumabi ka dito sa tabi ko." Tumayo naman siya agad. "Wag kang masyadong umiyak. Everything will be alright." He tap my shoulder before he left. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD