Nangunot ang noo ko rito dahil wala si Ninong dito sa dining kitchen para mag-umagahan. Dati rati naman ay nag-uumagahan si Ninong. Hindi kaya siya nag-umagahan at umalis na lang na hindi ako inaantay? "Ate Alma, si Ninong po?" Tanong ko kay ate Alma nang umupo ako rito. Siya ang nakatoka sa pagluluto ngayon dahil yung ibang kasambahay dito ay umuwi ng Probinsiya. "Hindi ko pa siya nakikitang bumaba. Baka natutulog pa ang Ninong mo." Sagot nito. " Wala ba siyang trabaho ngayon ate?" Monday kasi ngayon at pareho kaming may mga pasok ngayong umaga. "Hindi ko rin alam eh. Kasi siya naman ang boss at siya rin ang humahawak ng oras niya kung gusto niyang pumasok o hindi sa trabaho niya. Ikaw, kung gusto mong tingnan ang Ninong mo. Total close naman kayong dalawa. Gisingin mo siya at baka

