"Flor, nakita mo ba si Eva?" Dinig ko mula rito sa pinagkukublihan ko. Hindi talaga ako nagpapakita sa kan'ya dahil sa nangyaring hindi maganda kagabi. Galit kasi siya sa akin. Kaninang umaga ay hindi rin niya ko pinapansin. Hindi rin niya ko hinatid kanina sa school. Ako lang mag-isang pumasok at ako rin ang mag-isang umuwi. Kanina ay nagtext naman siya ngunit hindi ko nireplayan so Ninong. Tapos ngayon hahanapin niya ko. Pagtataguan ko siya hangga't kaya ko pang magtago rito sa mansyon. Maluwang naman ang mansyon kaya hindi niya ko mahahanap dito kahit magtagu-taguan pa kaming dalawa. "Sir, hindi ko pa nakikita si Eva. Baka nariyan lang po yung hinahanap niyo. Alam niyo naman po ang daga kung saan saan naglulusot sa lungga." Sagot ni Ate Flor. Natampal ko na lang ang aking noo sa sin

