THIRD POV. "DAVID PLEASE! Pakawalan mo na ako rito!" Pagmamakaawa ni Rachelle habang nakaposas pa rin ang isang kamay sa dulo ng kama. Hindi naawa si David dahil mas gusto pa niyang siya ang nagpaparusa kay Rachelle. Ayaw niya itong ipakulong sa bilangguan dahil pahihirapan niya muna ito. Ngunit nangangamba pa rin siya kay Faustino dahil alam niyang babalikan niya ang mag-ina. Kahit ganun pa man ay walang balak si David na pakawalan si Rachelle hangga't hindi niya maayos ang sitwasyon nila ni Eva. Malapit niya na itong malaman dahil inaasikaso na ito ni David kamakailan. Nagpunta lang dito si David upang bisitahin si Rachelle. May sariling silid si Rachelle na siyang ginawa niyang kulungan para sa kan'ya. "Magtiis ka muna rito ng ilang taon Rachelle! Kung maaari lang sana ay dito ka

