THIRD POV. Ang nakaraan! "Hindi mo anak si Oliver David!" Madiing sambit ni Mathew nang magkita sila sa isang museo nung araw na nagkaroon ng field trip ang kinder garden student. Palagi na kasi sinusubaybayan ni David sa mag-inang sina Eva at Oliver. Ngunit hindi niya inaasahan sa kan'yang lihim na pagsubaybay niya ay matutuklasan ito ni Mathew. Mariin na ikinuyom ni David ang mga kamao niya habang titig na titig siya kay Mathew. Kahit anong gawin ni David na pagpapanggap ng ibang tao ay kayang kaya pa rin siya ni Mathew upang makilala ito. David is wearing a black shade ang black hoodie jacket. Suot din niya ang isang kupas na pantalon na fited sa kan'ya. White shoes at isa pa ay nakasombrero pa ito na kulay itim na ang tatak ay Nike. Inalis agad ni David ang shade niya habang naroon

