Maaga akong nagising para tumulong sa pagluluto ng pang-umagahan. Nakaligo na ko at nakabihis ng uniporme nang magtungo ako sa kusina. Subalit si Ninang ang nakita ko rito at siya ang nagluluto ng pang-umagahan habang si ate Alma naman ang nagpreprepare ng makakain sa mesa. Bahagya akong huminto rito at hindi na itinuloy pa ang pagpunta roon dahil may gumagawa na pala. Habang pinag-mamasdan ko si Ninang ay naaalala ko si mama sa kan'ya. Sa tuwing nagigising ako ng maaga ay tinutulungan ko si mama sa pagluluto upang hindi siya mapagod. Maghapon kasi ang kan'yang pagtatrabaho sa mga gawaing bahay tapos meron din siyang business sa bahay na iyon palagi ang pinagkakaabalahan niya noon. Nagpupuyat din si mama tuwing gabi dahil para sa kan'ya ay sayang ang oras kung hindi siya kakayod. Inaalal

