"Ipasundo mo na lang siya sa driver mamayang hapon or kaya mag-commute na lang siya pag-uwi ni Eva." Dinig kong sabi ni Ninang kay Ninong. Bumibiyahe na kami papuntang school. Sila na ang mag-hahatid sa akin sa school dahil yung driver ni Ninong kanina ay hindi pa dumarating. May hinatid kasi ito kaninang umaga. Kaibigan iyon ni Ninang na nakitulog sa mansyon. Galing ito ng bar at hindi na nakauwi dahil hindi na nito kayang mag-drive pauwi. Bumalik sila ng driver sa bar para kuhanin ang kan'yang sasakyan. Pinagtataka na lang ni Ninong kung bakit sumasama pa si Ninang sa ganung klaseng mga kaibigan. Wala raw magandang maidudulot ang mga kaibigan niya dahil pati rin siya ay mapapasama sa masamang impluwensiya ng mga kaibigan nito. Nagtalo pa nga sila kaninang umaga bago kami umalis ng mansyo

