"Siya nga pala ang kuya ko. Siya si kuya Mathew." Pakilala sa akin ni Krista sa kuya niya. Iaabot ko na sana ang aking kamay sa kan'ya para magshakehands pero biglang tumunog ang aking cp sa loob ng aking bag. Tumingin sa akin si Krista habang nakalahad ang kamay ng kan'yang kuya. "Ako na ang sasagot sa cp mo." Sabi ni Krista. Kinuha niya ito sa loob ng bag ang aking cp saka naman ako nagpakilala kay kuya Mathew. "Ako nga pala si Eva kuya," pakilala ko na may ngiti sa aking labi sabay abot ko sa aking palad. Nagshakehands kaming dalawa habang si Krista naman ay kinakausap niya na yung tumatawag kanina sa cp ko. Hindi ko alam kung sino kausap niya at baka si Ninong iyon. "Ang Ninong mo Eva," sabi sa akin ni Krista nang ibigay niya sa akin yung phone ko kaya naman binawi ko rin ang aki

