"Ingat ka sa pag-uwi mo Eva. Tumawag ka sa akin kung may kailangan ka. Narito lang ako para sayo at handa akong tulungan ka. Sabi ko naman sayo na sa akin ka muna tumira pero ayaw mo naman kaya hindi na kita pipilitin pa." Giit ni Kuya Mathew. Kanina pa niya kasi ako pinipilit na sumama sa kan'ya pero hindi ako pumayag sa gusto nito. Ano ang sasabihin ni Ninong kapag nalaman niyang kay kuya Mathew ako nakatira? Baka mapatay lang niya ito dahil sa selos nito. And so? Ano naman ngayon kapag nalaman niya? Tipid akong napangiti rito. Narito na kami sa bus station habang nag-aantay ng mga pasahero. Inaantay na lang itong mapuno at maya't maya rin ay aalis na rin ito. "Kuya, salamat sa paghatid sa akin dito ha. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa inyo ni Krista. Sisikapin ko na magig

