"Kuya,huwag niyong sabihin na pati dito sa school ay babantayan niyo pa ako? Baka pwedeng iwan niyo na ko rito at umalis na kayo dito." Mataray na saad ko habang nakataas ang isa kong kilay nang tumingin ako sa lalaking nagbabantay sa akin. Simula raw ngayon,siya ang magbabantay sa akin kahit saan man daw ako magpunta. "Hindi pwede dahil ako naman ang mapapagalitan ni Sir. Binabayaran ako ng Ninong mo upang magbantay sayo." Sagot nito. "Magkano ba ang binabayad sayo ni Ninong?" "Bakit mo naman tinatanong?" "Wala lang kuya! Masama bang magtanong kuya?" Sabay irap ko rito sa balbasing nagbabantay sa akin na parang isang agent ang porma nito. "Hindi naman masama. Ang masama ay ikaw. Pasaway ka lang! Dali na, pumasok ka na sa loob ng room mo. Tandaan mo ito Eva. Kung may binabalak k

