"Kayo na muna ang bahala kay Eva. Babalik din ako rito mamaya. May aasikasuhin lang muna ako." Dinig kong saad ni Ninong habang ako ay natutulog ngunit gising na ang aking diwa. "Sige Sir, ako na ang bahala kay Eva." Sagot ni ate Alma. Ilang segundo pa ay naimulat ko ang mga mata ko kasabay nito ang paglock ng pinto. Kalalabas lang ni Ninong at si ate Alma naman ang aking nakita. Nakangiti ito sa akin habang may inaayos ito rito sa side table. "Magandang umaga Eva. Heto oh, kumain ka na. Ang Ninong mo ang naghanda nitong breakfast mo." Sabi nito sa akin. Bumangon naman ako at naupo rito. Nagtaka na lamang ako sa suot ko ngayon. Tila wala naman akong maalala kagabi na ako ang nag-suot ng mga ito. Ang alam ko lang ay nalulunod ako kagabi sa pool at si Ninong ang sumagip sa akin. Pagkat

