"Umalis ka rito Nick! Umalis ka na rito!" Sigaw ko mula rito sa loob ng banyo habang patuloy lang ako sa pagluha. Mahigpit ko pa ring hinahawakan ang door knob upang hindi niya ito tuluyang mabuksan. Ilang minuto pa ang lumipas ay muli na naman akong sumigaw upang siya'y paalisin sa aking silid. Kahit nagsisigaw na ako rito ay wala akong naririnig at bakas na narito pa rin si Nick dahil si ate Alma na ang aking naririnig mula sa labas ng banyong ito. "Eva, buksan mo itong pinto. Ano ba? Anong nangyayari sayo sa loob?" Sigaw nito kaya naman nagmadali kong pinihit ang seraduhan ng pinto at nakita kong si ate Alma ang bumungad sa aking harapan. Nakaramdam agad ako na gumaan ang aking pakiramdam ngunit nanginginig pa rin ang buong katawan ko nang yakapin ako ni ate Alma. "Eva, ano ba a

