A DAYS PAST
"Ninong David, okay na po ako rito. Hindi ko po kasi pwedeng iwan si papa rito. Salamat po sa inyo dahil malaki po ang naitulong niyo sa pagpapalibing sa labi ng aking ina."
Malungkot na tumingin ako kay papa. Naroon siya sa may papag at lasing na lasing ito. KATATAPOS lang ng libing ni mama ay heto na naman si papa. Nag-uumpisa na naman siyang maglasing. Halos pagod na pagod na ko sa maghapong pag-aasikaso rito sa bahay. Wala namang maitulong ang pamilya ni papa sa akin kundi pangmamata lang sa akin. Ginagawa ko naman ang lahat para wala sila masabi sa akin pero kahit nakatalikod ako ay may nasasabi pa rin sila. Wala ring oras na hindi ako napapahiya sa kanila dahil hindi ko naman kayang pagsabayin yung mga inuutos nila sa akin. Mabuti na lang at narito si Ninong David. Siya ang tumulong sa akin dito. Umupa siya ng tao para tumulong dito. Nakita kasi ni Ninong na pagod na pagod na ko kanina. Kung alam lang daw niya na ganito ang gagawin sa akin ng pamilya ni papa. Noon pa dapat siya umupa ng tao. Hindi niya kasi alam dahil pagkatapos iburol si mama ay umalis si Ninong at bumalik ng Maynila dahil sa kan'yang trabaho. At kahapon lang siya nakabalik dito..Nag-alala siya nang makita niya ko kaya simula nang dumating siya ay hindi na niya ko iniwan. Tinatanong niya kung bakit hindi tumutulong ang pamilya ni papa pero ang sagot lang nila kay Ninong ay ako raw ang walang ginagawa. Ni wala ngang nagawang tulong ang pamilya ni papa sa akin. Halos pagod na pagod na nga ako ngayon sa kakagalaw at wala pang pahinga simula nang naiburol si mama. Kahit saglit lang umupo at magpahinga ay hindi man lang nila ko pinagpahinga ng pamilya ni papa. Gusto ko talaga ng masasandalan ngayon dahil hinang hina na ko at wala ng lakas ang aking katawan. Pakiramdam ko ay nanunubig na ang mga mata ko. Gusto kong pigilan ito pero kusang tumulo na lang ito sa aking pisngi. Agad na pinahid ko ito dahil ayaw kong nakikita ni Ninong na umiiyak ako.
"Eva, umiiyak ka na naman. Paano kita maiiwan dito kung nakikita kitang umiiyak? Tignan mo ang sarili mo? Namayat ka na agad." Nag-aalalang sabi ni ni Ninong sa akin. " Pwede ba kitang mayakap?" Malamyos na tinig ni Ninong kaya naman tipid akong ngumiti sa kan'ya. Tipid na ngumiti si Ninong sa pag-ngiti ko.
"Yakap po? Takang tanong ko
"Ang ibig kong sabihin, kung gusto mo ng masasandalan, pwede ka sa mga bisig ko." Paliwanag nito.
Nahihiya naman akong magsabi ng oo kay Ninong. Kapag narito siguro ang mga kamag-anak ni papa ay sasabihin na namang malandi akong bata. Oo, bata ang tawag nila sa akin. Ang alam kasi nila ay hindi pa ko dinadatnan. Pero ang totoo ay dinatnan ako nung araw ng kaarawan ko. Walang nakakaalam sa pagdadalaga ko dahil alam kong wala ring maniniwala sa akin kahit sabihin ko at sasabihin lang nila na gumagawa ako ng kwento. At ang isa pa sa kinakatakot ko ay si papa. Napaiyak na naman ako rito sa harapan niya. Nandito lang naman kami sa sala kaya naman hindi na napigilan ni Ninong na hagkan ako ng yakap.
"Eva, magpakatatag ka. Gusto mo bang nakikita ka ng mama mo na mahina ka? Umiiyak ka dahil sa kan'ya? Malalagpasan mo rin ang lahat ng ito. Nandito lang ako na Ninong mo at hindi kita pababayaan. Kapag ako ang kasama mo, magiging maayos ka. Kaya ngumiti ka na okay," Sabay hagod niya sa aking likod. Humigpit lalo ang pagkakayakap ko kay Ninong. Parang gumagaan ang aking pakiramdam habang nasa bisig niya ako. Komportable ang pakiramdam ko kay Ninong kaya naman tumagal ang pananatili ko sa mga bisig niya. Hindi lang magaan ang pakiramdam ko. Sa sobrang bango ni Ninong ay parang ayaw ko ng umalis sa mga bisig niya. Bakit ba kasi sobrang bango ni Ninong? Parang nakakahiya tuloy dumikit sa kan'ya.
"Hmmmm ..." Saad ko. Nagmulat agad ako ng mga mata ko at nanlaki. Napalunok din ako ng sarili kong laway dahil nakatulog ako sa bisig niya. Nakatulog ako rito sa sofa habang nakahiga sa dibdib niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa Ninong ko. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa katawan niya na hindi namamalayan.
Dahan dahan akong umalis sa katawan niya upang hindi makahalata. Pero gumalaw siya kaya naman lumayo na ko ng konti sa kan'ya. Lagot kasi ako nito kapag nakita kami ni papa na ganito ang ayos namin ni Ninong. Ayaw ko naman bigyan ng malisya ito ni papa dahil Ninong ko naman siya. Parang pangalawang ama ba ang turing ko kay Ninong. Pero kinakabahan pa rin ako dahil nakatulog ako sa bahaging katawan niya.
"Ahmmm... Sorry Ninong nakatulog po ako. At saka gabi na po pala. Bakit hindi niyo po ako ginising? " Nahihiyang ngumiti ako kay Ninong at ayaw ko rin siyang tignan. Kasi naman, sa sobrang lapit ni Ninong ay parang namamagnet ang mga mata ko sa mga mata niya. Ngayon ko lang talaga kasi natitigan si Ninong na sobrang guwapo pala niya at ang ganda ng mga pilik mata niya. Parang may lahing foreigner yata si Ninong. Saang lupalok ng mundo ba nahanap ni papa si Ninong David tapos ang yaman pa niya? At paano sila nagkakilalang dalawa?
"Okay lang sa akin Eva. Alam ko namang pagod na pagod ka na kaya nakatulog ka agad. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Ninong. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang maalala kong wala si papa tinutulugan niyang papag. Ibig sabihin nito ay nakita niyang nakatulog ako sa katawan ni Ninong?
"Na-Nasaan si papa Ninong?" May kaba sa dibdib ko nang tanungin ko si Ninong. Tumayo na rin ako at hinanap siya.
"Umalis na naman siya Eva." Huminto ako at hinarap kong muli si Ninong.
"Saan po nagpunta si papa Ninong?" Tuliro na ko ngayon.
" Lumabas," tipid niyang sagot. Kinabahan naman ako sa tipd na sagot ni Ninong. Mukhang may hindi na naman magandang ginawa si papa.
"Lumabas po? Ibig niyo pong sabihin?" Umilng ako rito saka mabilis na humakbang at lumabas ng bahay.
" Eva bumalik ka!" tawag ni Ninong habang nakasunod naman siya sa akin. " Hayaan mo muna ang papa mo hanggang sa mag-sawa siya sa ginagawa niya. Hindi mo siya mapipigilan. Hindi mo siya kayang kontrolin. Mapapagod ka lang sa kan'ya." Suway ni Ninong sa akin kaya naman huminto na rin ako sa paglalakad. Narito na kami sa labas ng bahay at patungo sana ako ng tindahan para pauwiin si papa. Puro alak na lang kasi ang laman ng tiyan niya. Ayaw ko naman na si papa naman ang sumunod kay mama dahil pinapabayaan niya na ang sarili niya. Paano naman ako kung maiiwang mag-isa?
"Ninong, kung hindi ko po susuwayin si papa. Paano naman po ako? Siya na lang natitirang pamilya ko. Kahit ganun po siya, ama ko pa rin siya."
Tila umiba ang timpla ng mukha ni Ninong. Ewan ko kung may nasabi ba akong mali sa kan'ya.
"Ako? Hindi mo ba ko pamilya ha Eva? Nandito ako para sayo diba? Look, kung sa tingin mong magagawa mong mabago ang ugali ng papa mo. Sana, noon pa ay nagawa iyon ng mama mo."
"Tama po kayo Ninong pero ama ko pa rin siya. Kung hindi ko man kayang baguhin ang ugali niya. Titiisin ko na lang po. Kung anong pagtitiis ang nagawa ni mama kay papa. Ganun din siguro ang gagawin ko po."
" Eva, you deserved to be happy. You deserved the real thing. Hindi mo pwedeng sayangin ang buhay mo sa ama mo. Isipin mo rin ang sarili mo. Love yourself first okay. Look, bumabagsak na ang katawan mo. Habang tumatagal kang ganyan, Hindi mo mararanasan kung paano mabuhay ng malaya. Nasa tao ang pagbabago Eva hindi ikaw mismo ang gagawa. Kaya huwag mong pilitin ang ama mo na magbago kung ayaw niyang baguhin ang sarili niya dahil kung pipilitin mo lang siya. Ikaw rin ang mahihirapan at mapapagod. Please, pumasok ka na sa loob. Uuwi rin ang papa mo mamaya. Nandito pa naman ako para bantayan ka."
Napasinghap ako rito. Mukhang tama nga naman si Ninong. Ako rin ang mapapagod. Ngayon na nga lang, stress na ko sa papa ko dahil sa pag-aalala ko sa kan'ya. Mabutu na lang at narito si Ninong.
Malungkot na tumingin ako kay Ninong. "Pasensiya na po Ninong kung may nasabi man akong mali. At salamat din po dahil sa pag-aalala niyo sa akin."
"Hindi lang ako nag-aalala sayo Eva. Nagagalit din ako sayo. Ngayon pumasok ka na sa loob." Utos ni Ninong tapos may tatlo pang lalaking dumaan dito.
"Eva, baka naman pwede ng umakyat ng ligaw sayo? Total, payag naman ang papa mo. Lasing na naman siya roon sa tindahan ni Aling Passing at kung anu ano na naman ang sinasabi niya tungkol sayo." Sabay tawa ng tatlo.
"Bakit parang gumaganda ka ngayon? Nag-bloom ka na ba?" Ani naman ng isa. Tumawa na naman ang tatlo kaya naman si Ninong ay nanggagalaiti na ngayon sa galit.
"Stay away from her!" Galit na sigaw ni Ninong sa kanila kaya naman kumaripas ng takbo ang tatlong lalaki.
Napanganga ako sa gulat. Ngayon ko lang nakita si Ninong na nagalit ng ganun.Yung nag-iigting ang panga tapos salubong ang mga kilay. Nakakatakot din pala siya at mukhang strikto Ninong ito.