Chapter 3

1606 Words
EVA POV. KATATAPOS ko lang maligo ay rinig ko na namang humahalakhak si papa. Nagmamadali naman ako sa paglalakad habang tinutonton ko ang aking silid. Ngunit nagpang-abot kami rito sa kusina. Nagulat rin ako nang makita kong may mga kasama siya. Malagkit ang mga mata nila nang padaanan nila ang aking katawan. Nakadamit naman ako at naka-pajama pero ang tingin nila sa akin parang naka-hubad. Medyo lasing na kasi ang mga ito kaya naman ganun sila kung makatingin. Dumiretso lang ako sa paglalakad habang nakayuko ang aking ulo. "Tignan mo nga naman ang anak mo Faustino. May dalagita ka na pala." Saad ng kasama ni papa. Hindi ko ba alam kung bakit nagpapapasok si papa ng ibang tao rito sa bahay. Hindi ba niya iniisip na may anak siyang babae? Hindi ba inisip ni papa ang kapakanan ko rito? Sabagay, parang wala namang pakialam si papa sa akin dito dahil ni minsan, hindi niya ko tinuring na anak. "Hoy Eva! Bumalik ka rito!" Sigaw ni papa sa akin kahit narito na ko sa loob ng aking silid. Naririnig ko pa rin hanggang dito ang kanilang pinag-uusapan. May pasok ako ngayong umaga kaya nagmamadali ako ngayon upang makapasok ng maaga sa school. Ngayon pa lang kasi ako babalik sa school simula nung namatay si mama. Salamat kay Ninong dahil siya mismo ang nakiusap sa Dean para ako'y makabalik sa school. Hindi sana ako papapasukin ni papa ngunit hindi pumayag si Ninong sa gusto ng aking ama. Wala na raw kasi si mama na magpapa-aral sa akin kaya naman gusto niya kong patigilin sa pag-aaral dahil hindi raw kaya ni papa na paaralin ako. Yung perang naipon sa burol ni mama ay nilustay lang ng aking ama. Ni singko ay walang natira para sa akin. Kaya ngayon naman, sariling sikap ako ngayon para buhayin ang sarili ko. Pero hindi pumayag si Ninong sa gusto kong mangyari dahil siya na raw ang bahala sa akin. "Saglit lang po papa," sagot ko rito. Patapos na rin akong magbihis dito subalit biglang pumasok si papa rito sa loob ng aking silid kaya naman mabilis kong tinakpan ang aking dibdib habang binubutones ko ang aking uniporme. Nagulat ako sa panloloob niya ng aking silid. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. "Papa, ano po ang ginagawa niyo rito sa aking silid?" Na mas lalo pa kong kinabahan dito. Ngumisi siya ng nakakaloko at ngayon ko lang nakita si papa na ganito kung makatingin. Parang nag-iiba na ang kan'yang ugali simula nung pumanaw si mama. "Ipagtimpla mo kami ng kape ng mga kasama ko. Magmadali ka!" Pasigaw niyang utos sa akin na kinagulat ko rito. Nagulat ako sa pagsigaw niya. Nanginig ako sa takot at baka saktan niya ko. "Opo papa. Gagawin ko na po," saad ko. Lumabas agad ng silid ang aking papa. Binilisan ko naman ang kilos ko upang hindi ako ma-late sa klase. Gusto ko sana umalis na agad dito dahil marami pa kong gagawin sa school. Marami akong mga namissed na lecture at bukas ay may special na pagsusulit na ibibigay para sa akin. Halos tatlong linggo ako hindi umatend ng klase dahil sa pag-aasikaso ko kay mama noon. Isa-isa kong inabutan ng kape ang mga kasamahan ni papa. Lima sila kaya naman naubos agad ang natitirang kape at asukal dito. Kung ganito ba naman araw araw na may bisita si papa, mauubos lagi ang mga pagkain dito sa kusina. Ako ang mahihirapan sa pag-bubudget dito sa bahay dahil parang ako na ang nagbibigay suporta kay papa. Hindi naman sa lahat ng binibigay ni Ninong sa akin ay tinatanggap ko. Minsan ay nahihiya akong kuhanin ang mga perang binibigay niya sa akin. Meron din naman ako na pansariling pinagkakakitaan subalit hindi pa rin ito sasapat sa amin ni papa. Nang maibigay ko na ang kapeng tinimpla ko sa kanila ay nagpaalam na ko kay papa. Ngunit tinawag pa niya ko kaya naman bumalik agad ako. "Bakit po papa?" Tanong ko rito na parang maiiyak na ko. Limang minuto na lang kasi ay malilate na ko sa school. maglalakad pa kasi ako papuntang school para makatipid na rin sa pamasahe. Hindi na nga ako nag-umagahan dahil yung niluto kong pang-umagahan kaninang maaga ay inubos lang ni papa. Hindi niya iniisip ang aking aking kalagayan kahit kumalam pa ang aking sikmura. "Umuwe ka ng maaga mamaya. Pupunta rito ang tita Ivy mo para bumisita. Bumili ka ng masarap na ulam para naman hindi nakakahiya sa pamilya niya. Sige na! Umalis ka na!" Kumaripas naman ako sa pagtakbo nang paalisin agad ako ni papa. Dito na tumulo ang mga luha ko habang papalabas ako ng gate. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin itong pagpapahirap sa akin ni papa. Gusto ko na rin sumuko at bumigay sa buhay pero iniisip kong nag-uumpisa pa lang ako sa panibagong yugto ng aking buhay ngayong iniwan na ko ng mapag-mahal kong Ina. Pero hindi ako susuko, kung kinaya ni mama ang lahat ng ito. Bakit hindi ko ipakita sa aking ama na kaya ko rin itong mag-isa kahit hindi anak ang turing niya sa akin. Bakit ganun? Hindi man lang pinaramdam ng aking ama ang pagmamahal niya bilang isang ama sa akin? Bakit pinabayaan na lang niya kami ni mama na ganituhin kami ni mama? Bakit hindi man lang niya pinadama ang pagmamahal niya sa amin ni mama? Kami ang pamilya niya pero hindi niya ginampanan ang pagiging asawa kay mama at ama sa akin? Gusto kong maramdaman iyon ngayong wala na si mama. Gusto kong maramdaman kung paano magkaroon ng pagmamahal ng isang ama sa anak. Pero ni minsan, ay hindi ko man lang iyon naramdaman sa kan'ya. Hindi niya pinaramdam sa akin na mahal niya ko bilang isang tunay na anak. "Mag-iingat ka anak ha. Galingan mo sa klase mo." Rinig ko ang lalaki habang inalalayang makababa ang anak niya sa motor. Humalik pa ang tatay sa anak niya habang ako naman rito ay nagpupunas ng luha sa aking pisngi. Kararating ko lang dito sa eskwelahan at saktong time na rin. Habang pinapanood ko ang mag-ama ay may konting kirot sa aking puso ang naramdaman ko. Naiinggit ako sa tuwing may nakikita akong ganito sa paligid ko. Ni minsan kasi ay hindi ko naranasan ito sa aking ama. Natapos din ang aking klase ngayon. Nagmamadali akong lumabas ng gate dahil pupunta pa kong palengke para sundin ang sinasabi ni papa. Kung makautos siya ay parang may pinatago siyang pera sa akin. Tinitipid ko lang talaga itong pera na binigay sa akin ni Ninong na pang one week kong allowance. Kada linggo siya magpapadala sa akin or di kaya siya ang mag-aabot sa akin ng pera kapag may oras siya. Hindi pa sana siya uuwi nung araw na nandito siya pero tumatawag na ang kan'yang asawa. Oo, may asawa si Ninong David na ang akala ko ay binata siya. Kung tutuusin ay parang binata siya dahil sa kan'yang porma. Ngunit si papa ay hindi siya ganun sa kan'ya. Tatlong taon ang tanda ni papa kay Ninong. 33 si Ninong at si papa naman ay 36. Magkaedad lang si mama at si Ninong na hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit maagang binawian ng buhay si mama. Habang naglalakad ako papuntang pelengke ay may isang black tinted car ang tumabi rito. Patawid ako sa kabilang lane dahil narito na ko sa tapat ng palengke. Bumukas ang pinto nito at nakita ko agad si Ninong. Laglag ang aking panga dahil napaka-guwapo naman ngayon ni Ninong. Jusko! Makalaglag panty ba naman ang awra niya ngayon tapos ang bango bango pa niya. Parang walang asawa si Ninong dahil binatang binata ang kan'yang porma. Ngumiti si Ninong pagkakita niya sa akin. "Ninong,' kinakabahan kong sabi. "Nandito ka po?" Gulat kong tanong sa kan'ya. "Yeah, nandito na naman ako. Parang ayaw mo yata akong nakikita rito? Hmmm. .." "Hindi naman po sa ganun Ninong." Nahihiyang ngumiti ako kay Ninong habang nakatingin sa kan'ya. Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao rito na akala mo'y nakakita sila ng artista. Ang iba ay kinikilig at ang iba ay natatapilok sa dinadaana nilang kalsada. "So, anong ginagawa mo rito sa harapan ng palengke? May bibilihin ka ba?" Tanong niya sa akin. Nahihiya naman akong magsabi sa kan'ya na mamamalengke ako ngayon. "Opo Ninong, may bibilhin lang ako rito. Ahmmm... Bakit nga po pala kayo nandito?" Kuryusong tanong ko. "So iyon pala kaya ka nagtataka na narito na naman ako. Well, may pinapatayo akong building dito sa lugar niyo. Pero hindi rito sa lugar na ito yung istraktura na pinapagawa ko." " Ganun po ba Ninong?" At napaisip ako lalo na napakayaman pala ni Ninong dahil may istraktura siyang pinapatayo rito sa aming lugar. " Oo ganun nga Eva. Ayaw mo bang narito ako palagi malapit sayo para lagi kitang nakikita?" Tipid akong ngumiti rito. " Gusto po Ninong." Sagot ko habang patawid na kami sa kabilang lane at binilisang maglakad dahil mauubos na ang aking oras. Sa pangyayaring ito ay hindi ko inaasahang hahawakan ni Ninong ang aking tagiliran habang papatawid kami sa kabilang lane. Nakaramdam ako ng kiliti roon habang naroon pa rin ang kan'yang kamay. Gusto kong lumayo sa katawan ni Ninong dahil bawat dikit ng aming katawan ay tila libo libo kuryenteng ang nararamdaman ko sa kan'ya. Bakit ganito at ano ang bagay na ito? Hindi ba naramdaman ni Ninong ito sa tuwing nadidikit ang aming katawan? Saglit ko itong iniwasan pero mas lalo lamang niya idinikit ang katawan niya sa akin. Hindi ko na alam ang aking gagawin dahil nadadala ako sa katawan niya kahit hindi ako komportable sa ganitong ka-sweetan ni Ninong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD