Chapter 4

2052 Words
"Eva, hindi kita masusundo mamayang hapon. Marami akong trabaho rito sa site. Kapag may time ako. Titignan ko kung makakapunta ako riyan mamayang gabi sa bahay niyo. Isa pa, kapag lasing ang papa mo. Huwag mong kakalimutan mag-lock ng pinto bago matulog. I'm not sure kung makakapunta ako riyan mamayang gabi." Bilin ni Ninong mula sa kabilang linya. May bago akong cp na binigay niya sa akin kanina. Binilhan niya ko ng cp para raw lagi niya kong nakakamusta kung sakali mang hindi siya nakakapunta rito. Si Ninong na rin ang nag-ayos ng lock ng pinto ng aking silid kaya naman komportable na ako matulog sa tuwing gabi. "Sige po Ninong. Salamat sa paalala at salamat po ulit sa cp na reagalo niyo sa akin." "No problem Eva! Total, wala pa naman akong anak. Ikaw na muna ang anak ko ngayon dahil anak na rin ang turing ko sayo. Kaya kung may gusto ka pang ipabili sa akin. Sabihin mo lang sa akin at huwag ka ng mahihiya sa akin." Napangiti ako rito habang hindi pa nag-uumpisa ang aming klase. Kahit hindi sabihin ni Ninong iyon ay mas pinaninidigan pa niya ang salitang ama kaysa sa tunay kong ama dahil ni minsan ay hindi ko talaga narasan sa tunay kong ama ang pagmamahahal sa anak hindi gaya ni Ninong ay mas pinaninidigan pa niya ang pagiging ama niya sa akin kahit hindi ko siya tunay na ama. "Sige po Ninong, mag-iingat na lang po kayo riyan." Paalam ko. "Okay, mag-aaral kang mabuti Eva. Mahal na mahal ka ng daddy Ninong mo. And wait! No boys allowed. Bawal kang ligawan na kahit na sinong lalaki riyan. Ako ang makakalaban nila. Sige iyon lang," na kinatulala ko rito habang nakaawang ng konti ang aking ibabang labi. Hindi ko rin namamalayan na nawala na pala ang kausap ko sa kabilang linya dahil sa pagkatulala ko. Halos hindi mag-sink in sa utak ko yung huling mga sinabi niya. Parang may konting kaba at excite na parang ewan dahil hindi ko naman inaasahan ito na maririnig ko ito sa kan'ya. Ganun ba talaga ka-sweet si Ninong? O ganun din ba siya ka-sweet sa asawa niya gaya ng pagpapakita niya ng emosyonal ni Ninong sa akin? "Sinabi iyon ni Ninong?" Paulit ulit na tanong ng aking isip. "Oo, sinabi niya nga iyon at hindi naman ako bingi dahil malinaw ang aking narinig kanina. Mahal na mahal daw ako ni daddy Ninong. At isa pa, bawat salita niya kanina ay may pakialam na siya sa akin. Bigla akong napangiti rito dahil meron na rin akong isang Ninong na maituturing na ama. Hapon na naman ay nadatnan kong napakaingay at napakagulo ng bahay. Parang binagyo ang loob nito. Halos mapanganga na lamang ako rito habang nakatingin sa mga kalat dito sa sala. Pagod na pagod pa naman ako sa paglalakad dahil kakauwi ko lang ngayon galing school. Hindi na ko nasundo ni Ninong dahil busy siya roon sa site. Pekeng ngumiti ako sa tita ko na nakaupo lamang siya sa sofa. Hinahayaang niya lamang maglaro at mag-kalat ang mga anak niya. Hindi na ko nagreklamo pa sa tita ko kasi ako rin naman ang mapapagalitan ni papa. Intindihin ko na lang daw ang mga anak ni tita kasi ugali raw ng mga bata ang mag-kalat. Pero paano naman ako? Kamusta ang katawan ko? Halos wala na kong pahinga dahil sa akin lahat naka-atang ang mga trabaho rito sa bahay. Mabigat man o hindi ay pinag-titiyagaan ko na lang tiisin hangga't kaya pa ng aking katawan. "Hoy Eva! Wala ka bang pera riyan? Pahingi ako ng pera. Pambibili lang ng meryenda ng mga bata. Hindi pa kasi sila nagmemeryenda eh." Parang pakiramdam ko ay uminit ang buo kong sistema dahil naiinis ako. Pati ba naman sa pagkain ng mga bata ay sa akin hinihingi? Halos ginawa na nila akong banker. Kung hindi lang siguro sa binibigay na allowance sa akin ni Ninong ay walang wala rin sana akong perang gagastusin. Dahil halos ay sa akin ang gastusin sa pamamahay na ito. Hiyang hiya na rin ako sa Ninong ko dahil lagi niya kong inaabutan ng pera kahit nakapag-bigay na siya ng allowance sa akin ng isang linggo. Pero, parang kulang pa rin dahil sa akin na rin nanghihingi ng pera ang kapatid ni papa. Hindi ko rin alam kung patirirahin na ba ni papa ang kapatid niya rito. Dagdag gastusin at palamunin na naman dito sa bahay na halos wala namang ginagawa si papa. "Twenty pesos na lang po ang natira sa baon ko tita. Heto po." Sabi ko nang dukutin ko sa aking bulsa ang twenty pesos na coins. Inabot ko sa kan'ya ngunit ayaw pa niyang kunin ito. Kinunutan niya ko ng kan'yang noo. "Twenty pesos? Anong mabibili niyan sa halagang twenty pesos na 'yan? Ang mahal ng mga bilihin ngayon Eva. Sa tingin mo? Anong kaya ng twenty pesos mo para makabili ng pagkain ng mga bata? Candy?" Singhal nito. " Alam kong may pera ka pa riyan. Dagdagan mo naman ng isang daan para makabili ng soft drinks at burger diyan sa labas ng tindahan. Saka Ikaw na bumili sa labas. Napapagod na ako mag-alaga sa mga makukulit na bata." Reklamo pa niya. Inis ko siyang tinapunan ng tingin. Ni minsan ay hindi ko narinig na nagreklamo si mama sa akin kahit sobrang kulit ko nung bata ako. Pero siya ang dami niyang reklamo at natural lang na alagaan niya ang mga bata dahil anak niya ang mga 'yan. "Ano pa ang tinatayo- tayo mo riyan? Bumili ka na sa labas." Utos niya sa akin kahit hindi pa ko nakakapagpalit ng aking uniporme. "Sige po," sagot ko kahit naiinis na ko sa kan'ya. Wala man lang pakisama rito sa bahay. Wala na ngang ginagawa rito tapos napakademanding pa kung mang-hingi ng pang meryenda. Lumabas ako ng bahay at sinuot ko muna yung tsinelas ni Ninong na ginagamit niya rito. Yung tsinelas ko kasi ay ginagamit ni Tita. Paglabas ko ng gate ay nilalakad ko na patungong tindahan. Tanaw ko mula rito na nakikipag-inuman na naman si papa sa kabilang tindahan. Doon siya palaging umiinom dahil nakakautang naman siya ng alak sa kumpare niya. Pero sa akin din naman sinisingil yung mga utang ni papa kada linggo. Halos mababaliw na ko sa magkapatid dahil pati mga bayarin nila ay sa akin lahat naka-atang. Yung iniisip ko talaga na layasan na lang sila at tumira na lang kay Ninong sa Maynila. Pero baka magalit lang akin si papa. "Eva!" Sigaw ni papa. Kahit umiiwas na ko at nagtatago ng palihim ay nakita pa rin niya ko. "Halika nga rito!" Sigaw pa niya sa akin kaya naman dali dali akong nagpunta sa kinaroroonan niya. Nakaramdam agad ako ng takot pagkalapit ko kay papa dahil sa mga titig ng mga kasamahan niyang mga lasenggo "Hmmm.... Dalaga na pala ang anak mo Faustino. Manang mana sa Ina." Sabay halakhak ni Mang Dindo. Amoy na amoy ko ang singaw ng alak sa bunganga niya kahit narito na ko sa gilid. "Oo Dindo, tama ka. Dalagang dalaga na nga ang anak kong si Eva." Malamyos na boses ni papa ngunit may pagbabanta naman ang mga titig niya sa akin. Nakadama ako ng takot kay papa kaya naman yumuko ako saka nagtanong. "Bakit po papa? May sasabihin po ba kayo?" Nagmamadaling tanong ko. "Magluto ka ng masarap na ulam sa bahay mamaya dahil doon kami kakain ng mga kaibigan ko. Sige na! Umalis ka na rito at magluto ka na agad!" Pasigaw na utos niya sa akin kaya naman napatakbo ako sa kabilang tindahan para bumili ng meryenda nila tita. Ilang minuto pa ay umuwi agad ako ng bahay habang dala dala ang binili kong meryenda para sa mga bata. Pagkarating ko rito sa bahay ay inabot ko na agad sa kanila ang binili kong meryenda nila at maya't maya'y habang nagbibihis ako rito sa loob ng aking silid ay inutusan na naman ako ni tita na maglaba ng mga damit nila. Gusto kong magreklamo dahil napapagod na rin ako ngunit ang inaalala ko lang ay si papa. Lasing pa naman siya ngayon kaya inisip ko na lang kung ano ang mas makakabuti. Ang gawin ang inuutos niya sa akin kahit wala pa kong pahinga. "Oh, 'yan lang naman ang mga lalabhan mo. Lagyan mo na rin ng downy para mabango ang mga damit." Utos nito sa basket na kayraming lamang mga damit ng bata. Nalito agad ako at hindi ko na alam kung ano ang aking uunahin. Kung magluluto ba or maglalaba. Inuna ko muna ang pagluluto ng pang-hapunan at pagkatapos kong magluto ay naglaba na rin ako. Inabot na ko ng alas nuwebe sa paglalaba kaya naman nakaramdam ako ng pananakit ng aking katawan. Plus gutom na gutom pa ko. Bigla akong natakam sa pagkaing niluto ko kanina dahil inasimang baboy ang ulam na niluto ko. Yung pakiramdam kong gutom na gutom ay iniyak ko na lang dahil walang natirang ulam at wala ring kanin na itinira. Napaluha na lang ako rito sa kusina habang nanghihina ang aking katawan. Gutom at pagod ang inabot ko sa kanila habang silang dalawa ay nagpapakasarap sa buhay. Ginawa nila akong katulong dito at hindi na nila inisip kung ano ang mararamdaman ko. Nakaramdam tuloy ako ng galit at wala na kong pakialam kung saktan ako ni papa. Basta masabi ko lang ang hinanahing ko sa kan'ya para matamaan din sila minsan. Karapatan ko rin naman bilang tao na tratuhin ako ng tama dahil hindi na tama at hindi na makatarungan ang mga ginagawa nila sa akin. Kuyom ang mga kamao ko habang pinag-mamasdan silang magkapatid na seryosong nag-uusap sa sala. Kahit lasing si papa ay maayos pa namang nakakausap ni tita. Tumingin silang pareho sa akin at sakto namang dumulas ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ko na ito napigilan dahil sa sama ng loob ko sa kanilang dalawa. "Eva, hindi mo bagay ang umiyak. Pumasok ka na sa loob ng kuwarto mo at huwag na huwag mo kaming titignan ng gan'yan ng papa mo!" Nanggagalaiting saad ni tita. Tahimik lang si papa habang nakikinig sa kapatid niya. " Ako po? Patutulugin mo ako na hindi niyo man lang ako pinapakain! Anong klase kayong mga tao? Ang kakapal ng mga mukha niyo! Wala kayong ambag sa pamamahay na ito pero kung umasta kayo ay kayo ang gumagastos at nagtatrabaho rito. Ako! Kamusta naman ako? Halos ako na lahat ang nagtatrabaho para sa inyong dalawa. Pero ginawa niyo lang akong alila rito sa loob ng pamamahay na ito! Kahit man lang sana mapagod na ko rito basta ang gusto ko lang ay tratuhin niyo ko bilang isang anak o pamangkin. At kung hindi niyo iyon kayang ibigay! Konting consideration man lang sa inyong dalawa papa, tita. Pero wala eh... Maski iyon ay hindi niyo pa kayang iparamdam sa akin na mahalaga rin ako sa inyo. Iyon lang naman ang inaantay ko sa inyong dalawa. Pero sa ginagawa niyong dalawa. Sumusubra na kayo sa pagpapahirap niyo sa akin." Tumayo si tita. Malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Sobrang sakit niyon na parang mahihiwalay ang ulo ko. Umiyak ako habang sapo ang aking pisngi. Tiningnan ko si tita. Walang takot ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "At ngayon, nagrereklamo ka na! At dapat lang sayo 'yan dahil sa pangloloko ng ina mo sa ama mo." "Tumigil ka na ako na ang bahala sa kan'ya." Pagpapatigil ni papa sa kapatid niya. "Ikaw ang tumigil kuya. Dapat malaman niya na ang totoo." Sagot nito kay papa na tila naguluhan ako sa dalawa. "Ewan ko sayo! Bahala ka! Hindi pa tayo sigurado kung totoo nga." Giit pa ni papa at hindi ko maunawaan sa dalawa ang ibig nilang iparating sa akin. "Kaya nga ako na ang bahala diba?" Galit na sumbat niya kay papa. "Alam mo Eva. . ." Duro niya sa akin. "Wala ka rin pinagkaiba sa mama mo na hindi karapat-dapat sa nais mong mangyari dahil ang totoo, hindi ka karespe-respetadong tao." Dagdag pa ni tita sa akin habang nararamdaman ko na ang pagka-durog ng puso ko. Iniyak ko na lamang ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Habang lumuluha ako rito ay iniisip ko na agad si Ninong na sana ay narito siya. Kailangan ko ng masasandalan ngayon ngayong hirap na hirap na ang aking loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD