Seryoso lamang si Mama na naglilista ng kung ano-ano sa mesa habang ako ay nagbabalot ng pinamili ng customers. Rumarami na ang mga namimili kaya kanina pa ako nagtitinda sa harap. "Ate, one kilo nito," Turo ng dalaga sa karneng baboy. "Kuya, one kilo daw!" Tumango lang si Kuya at pinaghihiwa ang karne. Inabutan ko ito ng cellophane na kinuha niya agad at doon nilagay ang mga nahiwa niyang karne at tinimbang. "Beyutipol, pabili ng tahong mo!" Sabat ng lalaking paparating lang. "Wala na.. Doon ka sa kabila!" Hindi ko ito tinitingnan dahil busy ako sa pagkwekwenta ng binili ng isa pang customer. "564 po lahat ma'am," Biglang sambit ko sa babae nang maiabot ko na ang kaniyang pinamili. Kumuha ito ng isang libo na binigay ko lang rin agad kay mama. Umalis na rin ang mga customers at

