Hindi ko maiwasang lingunin siya habang kumakain kami ng hapunan. Pormal itong kumakain sa harapan ko habang si Mama ay nasa gilid at kumakain rin pero may cellphone naman sa kamay at nanonood na naman ng K-drama. Papaubos na rin ang pagkain ni Alex pero mukhang nagugutom pa ito kaya tumayo ako at kumuha ng kanin at karneng pina- barbeque namin. Nilagay ko ito sa harapan niya, sinulyapan niya muna ako bago siya kumuha ulit ng pagkain. Gutom na gutom siya, hindi ba siya kumain nang makarating siya rito? 'buti at hindi siya naligaw sa lugar or baka tinuro ni Oliver kung nasaan kami? Nagsimula na akong maghugas ng pinggan. Pumasok na rin si Mama sa kaniyang kwarto dahil tatapusin niya raw ang pinanood niyang palabas. Nagulat nga kami dahil umiyak iyon habang nasa hapagkainan kami. Na hook l

