HINDI kami nagtagal doon at umuwi muna ng hotel. Kaya lang ay nagpaalam siyang may pupuntahan raw siya. Sinundo rin siya ng lalaking kasama namin kahapon. Nakasimangot akong umupo sa sala. Sinubukan ko ring buksan ang Television at nanood na lamang ng Cartoons. Tutok na tutok ang mata ko ngunit ang isip ko ay umiikot sa pangyayari. Masyado akong curious at hindi ko alam kung paano ko mabubuksan ang issue sa pagitan naming dalawa. Wala pa siyang nabanggit ni kahit Isa at kating-kati na akong malaman iyon. Nagtagal siya sa labas nang ilang oras hanggang gumabi at hindi ko na maiwasang mag alala. Saan kaya iyon pumunta? Bakit hindi man lang siya nagtext sa'kin? Pumasok ako sa kwarto dahil nandoon ang ang mga gamit namin at kukunin ang cellphone kong chinarge at baka may text siya sa ak

