Matchmaking #56

4120 Words

BUSANGOT akong nakasunod kay Alex. Hawak-hawak niya ang kamay ko at kanina niya pa iyon hinahawakan. Nagpapawis na nga ang kamay ko dahil sa tagal ng paghawak niya roon. Hindi ko naman 'to gusto eh pero ayaw niya talaga akong bitawan. Nakarating ulit kami kung saan ang Private Jet niya. Mas luxurious pa yata tingnan ito kaysa sa Private Jet ni Dad kaya kahit gabi ay kitang-kita ko pa rin ang buong desenyo. "Careful with your steps." Inangat ko ang aking tingin at papahakbang na pala kami papasok. Dalawang baitang ang layo niya sa akin at ginigiya niya ako sa loob. Hawak niya parin ang kamay ko at kahit anong pilit kong kunin ang kamay ko, mas ako pa ang masasaktan. "I'm tired, wala man lang akong gamit." Pagmamaktol ko nang makarating na kami sa loob. Nakauniform pa nga ako ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD