Hindi rin namin alam kung magiging successful ang misyon namin pero just in case ay tinawagan namin sila upang maka back up agad dahil alam naming walang kasama ang katagpo ni Lavinia. Inawat nila si Alex at doon pa namin nakita ang kalagayan ni Mr. Paydon. Napaubo ito ng dugo at mukhang nawalan rin siya ng mga ngipin dahil sa mga suntok ni Alex. Hindi rin siya halos makapagsalita. Kinuha agad siya ng mga pulis at si Lavinia. Kailangan rin kami roon upang magbigay ng statement sa nangyayari. Akala ko talaga ay normal na kontrabida lang si Mr, Paydon pero literal talaga siyang kontrabida. That's why Lavinia was trembling dahil nandoon si Mr, Paydon at binabantayan siya. And when Lavinia's father knew ay nadagdagan ang sugat ni Mr. Paydon at halos hindi na siya makilala. Hindi parin nags

