TAMAD kong hinahalo ang aking kutsara sa kape habang nakatingin sa aking laptop. Ilang buwan na akong nasa trabaho at masasabi kong mas marami pa akong oras magreview ng ipapasa galing sa Planning department kaysa mag review sa exam ko sa papalapit na bar exam. Isang katok ang nagpatigil sa aking ginagawa at ilang segundo lang ay pumasok ang secretary ko. Bago ang secretary dahil ang secretary ni Dad ay nasa kabilang building habang ako ay ang nag aasikaso ng negosyo niya tungkol sa hotels at resorts sa buong Pilipinas at ang bagong project na itatayo ay isang five star hotel sa Singapore. First time kong humawak sa ganito kaya ay kailangan talaga ng guidance ng isang expert sa ganitong pagpapatayo. I already conducted a study how to analyze the viability of the project at ang kulang

