Napangiti ako at pinapakinggan ang tunog hanggang sa matapos. Inobserbahan ko lang ang lalaking tumayo pagkatapos nitong magpatugtog at maya-maya lang ay may kinuha itong kumpol ng bulaklak at lumingon sa akin. Hindi ako mapakapaniwala sa nakikita ko. Kumurap pa ako dahil baka nagmakalikmata lang ako. Imposibleng siya ang kausap ko ng isang taon. Ibang-iba ang lalaking nakakausap ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Masyado silang magkaiba. Mali yata ako ng location? “Hi.” Lumapit siya sa akin at ngumiti ng matipid. “I finally meet my match in a dating apps,” Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. “Nice to meet you.. I'm Alexander Montgomery.” Napanganga nalang ako at walang namutawing salita sa aking bibig. Binigay niya sa akin ang hawak niyang boquet at wala sa sarili ko i

