Nakita ng dalawang nag-iitimang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong ang gusgusing batang babae na hindi niya ma-recognize dahil sa dungis nito at mga kalmot sa katawan maging ng mga pasang natamo nito mula siguro sa mga matatalim na mga kuko ng mga halimaw. Napansin ng batang lalaking si Li Xiaolong ang mga piraso ng mga telang may bahid ng dugo ng batang babae na nakakalat lamang sa lapag ng lupa. Nakaramdam naman ng matinding lungkot at habag ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil nakita nito na wlaang kalaban-laban ang batang babaeng halos kaedaran niya lamang na sugatan. Nakaramdam din siya ng galit sa sinumang nilalang na nagkulong sa batnag babaeng halos maligo na sa dugo nito habang nakayuko lamang ito at panay ang iyak nito sa isang sulok ng kulungan. Ramdam

