Natapos nang makapagluto ang batang lalaking si Li Xiaolong nang kaniyang pananghalian. Masasabi niyang masyadong naging matiwasay ang nakalipas na mga aral sa kaniya at mas nakita nito ang potensyal niya bilang isang martial artists. Napagdesisyunan niyang daanan ang kwarto ng noon pang nakaraang mga araw na wala pang malay. Nang dumaan siya rito ay nakita niya ang batang babaeng nakaupo sa ibabaw ng higaan nito. Binigyan ito ng matamis na ngiti ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis din itong bumalik sa kaniyang sariling hapagkainan. "Gutom lang siguro ito kaya kung ano-ano na ang nakikita ko. Kailangan kong kumain ngayon ng pambihira ngunit natural na mga gulay at prutas nang sa ganon ay bumalik ang sigla ko." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sarili hab

