"Wag ka ng umiyak Yì Liqiu. Welcome ka sa pamilya namin. Mababait naman si inay at itay kaya magugustuhan ka nila maging anak hehe!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong haanmg inaalo ang batang babaeng si Yì Liqiu. Napatingala naman ang batang babaeng si Yì Liqiu sa kaniyang narinig. Bigla na lamang lumiwanag ang mukha nito kahit na basang-basa ang magkabilang pisngi nito kakaiyak. "Talaga ba?! Mabuti naman kung gayon. Hindi na ko magugutom tsaka may bago akong pamilya hehe!" Masayang Sambit ng magandang batang babaeng si Yì Liqiu. Halata sa mukha nito ang labis na saya nito. Talagang masasabing masiyahin talaga ito at hindi ito nalalayo sa ibang batang kilala niya. Napahinga naman ng maluwag ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang kinauupuan. Halatang pinakaba siya nito per

