"Matanong ko nga ineng. Meron bang mga kakaibang lugar dito na pwedeng puntahan. May anak kasi akong gustong maglakbay sa mga delikadong lugar." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nasa disguise ito ng matandang lalaki. Hindi naman siya mabubuking lalo na at sanay na siya rito. Imposibleng magpaupa ang magandang babaeng nasa harapan niya ng lugar na ito upang panatilihan niya. "Oo. Tamang-tama ang punta niyo lolo. May napabalita akong tila mayroong misteryosong paglaglag ng isang bangkay ng isang di kilalang nilalang mula sa itaas ng kalangitan papunta sa gitna ng dalampasigan. Malapit lamang ang pinagbagsakan nito sa baybaying parte ng Red Cloud Sea. Noong nakaraan pang mga buwan ito napabalita. Pinaniniwalaan ding isang kamalasan ang lugar na iyon lalo pa't ang mismong ocean

