Talaga namang magugustuhan niya ang ganitong kalseng hamon lalo na at napakaraming mga nilalang ang gustong makalapit sa mismong bangkay ng nasabing immortal daw na nilalang. Para sa kaniya ay masyado ngang napaka-odd ng ganitong klaseng deskripsyon lalo na at namatay ito. Pero isa pa ipinagtataka nito ay naging mabagsik ang mga dambuhalang mga halimaw ng dagat within the danger zone. Nakakapagtaka iyon. Isang Malawakang martial arts skill iyon o di kaya at martial arts technique. Baka nga buhay ang nilalang iyon kaya hindi makalapit hanggang sa kasalukuyan ang mga inatasang manghalughog sa baybaying parte ng Red Cloud Sea. "Sige po Lo. Tsaka pahinga na po kayo sa loob ng inn. Gusto niyo po bang ihatid ko na kayo sa mismong silid niyo?!" Magalang na sambit ng magandang babaeng namamahal

