Mas pinili na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong ang magcultivate ng maigi upang mas patibayin ang pundasyon ng kaniyang sariling cultivation. Masasabi niyang steady naman ang kaniyang pagpapaunlad ng sarili. Kahit wala mang mga martial arts room ang Sunrise Inn ay masasabing siya lamang ang naririto. Mayroon ding open area sa loob ng Sunrise Inn kung saan ay may malawak na lugar dito na pwedeng ensayuhan. Hindi din afford ng batang lalaking si Li Xiaolong ang mga Inn na mayroong mga Dragon Vein kung saan nagsususplay ng mga Essence Qi na pwedeng gamitin niya upang mas mabilis ang kaniyang pagcucultivate ngunit alam niyang ang babayaran niyang pag-upa ng ganitong klaseng Inn ay talaga namang hindi siya tatagal at mamumulubi siya. Kaya nga nag-anticipate siya at masuyong hinihintay a

