Napatawa naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa naging kilos ng mga nilalang na naririto. Kung tutuusin ay masasabi nilang ang ganitong klaseng mga pamamaraan ay pangkaraniwan na lamang. As expected sa mga tusong mga nilalang na karamihan ay mga manlalakbay din o beterano na sa gawaing ito. Isa din kasi ang role ng mga matatanda o may edad na sasama sa kanila ang maging pain ng mga malalaks na mga manlalakbay. Pero papayag ba ang batang lalaking si Li Xiaolong na maging pain sa paglalakbay na ito? Siyempre hindi. Tuturuan niya ng leksyon ang mga ito sa sarili niyang pamamaraan. He will make sure na ligtas siyang makapaglakbay papunta sa Red Cloud Sea. Hindi na rin nagtagal ay nakompleto na ang isang daang katao sa isang grupong ito na kinabibilangan ng batang lalaking si Li Xiaolo

