Kasalukuyan silang nasa loob ng masukal na parte ng kagubatan. Madamo at tila luntian ang kapaligirang makikita sa daang ito. Masasabing matataas ang mga talahib kung saan ay tila sumasayaw sa hangin. Mabilis pa rin ang usad ng buong grupo ng batang lalaking si Li Xiaolong ngunit hindi naman iyon dahilan upang magpahuli siya sa mga ito. Napapanatili niya pa ring nasa gitnang parte siya ng mga kasamahan niya. Bawat isa sa mga ito ay alam niyang mayroong mithiing makakamit o matamasa ang mga yamang nakakalat o nakapaloob lamang sa mga mismong Red Cloud Sea. Pinili niyang pumagitna lamang dahil hindi siya maaaring magpakampante lamang. Ang daanang tiantahak nila ay maituturing pa ring delikado dahil kahit ang mga Purple Blood Realm Expert ay manganganib pa rin sa oras na makasagupa sila n

