Ngunit hindi lahat ay naaayon o sumasang-ayon sa mga ito lalo na at masasabi nilang ang kanilang mga adhikain at layunin sa pagpunta rito ay iba't-iba kaya hindi rin maiiwasang may tumuligsa o di sang-ayon sa kanila. Ang iab din dito ay gusto ding lumikha ng g**o sa bawat isa sa kanila na normal namang nangyayari sa isang grupo na naglalakbay sa delikadong lugar nang sama-sama. "No way! Isa akong Xiantian Realm Expert at hindi ako naniniwalang isang Level 3 Magical Beast iyan! Kaya kong labanan iyan mag-isa!" Sambit ng isang maskuladong lalaki na may nakakatakot na mukha. Isang Xiantian Realm Expert ito. Balot ang mukha nito ng kaseryosohan. Sa itsura pa lamang nito ay hindi na gagawa ng mabuti. Matapang din itong sumagot at di sumang-ayon dahil mayroon siyang kakayahang ipagtanggol ang s

