Ilang minuto pa ang nakakalipas matapos lisanin ng mga nabigong grupo ng mga martial artists ang lugar ay lumitaw na lamang ng biglaan ang nakamaskarang itim na lalaki isang Purple Blood Realm Expert na siyang lider ng mga ito. "Hindi ko aakalaing madali ko lamang mapapaalis ang mga pesteng nilakang na iyon. Mabuti na lamang at hindi nila ako naramdaman sa paligid nila kung hindi ay mahihirapan akong paalisin ang mga ito hahaha!" Seryosong sambit ng nakamaskarang itim na Purple Blood Realm Expert habang malademonyo pa itong napahalakhak sa huli. Agad nitong tiningnan ang tila papatapos na sa paghigop ng enerhiya ang isang mapamuksang halimaw na walang iba kundi ang Giant Wood Pine Beast na makikita ang labis na paghigip nito ng blood essence sa napaslang at nabiktima nitong kaawa-awang m

