SPLLLAAAKKKKK! Napatigil bigla ang nasabing papatakas na halimaw na Giant Wood Pine Beast nang makaramdam ito ng matinding kirot sa katawan at labis na panghihina. Nakangising binunot ng nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert ang kamay nito sa mula sa likod ng nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beast. Nakuha nito ang tila tumitibok pang puso ng nasabing halimaw. "Napaslang ding kutang pesteng halimaw ka. Sinubukan mo pang tumakas sa akin pero wala kang kawala hahaha!" Sambit ng nakamaskarang itim na Purple Blood Realm Expert kung saan ay mabilis na nagbago ang anyo nito. Ang magandang balat ng nasabing nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert ay nagbago kung saan ay nangungulubot ito at parang naging bluish ang balat nito. Ang buhok nito sa ulo ay bi

