Kabanata 16

747 Words
Kumalabog ang pinto kaya napatingin kami dito. "Margarita, maaari mo bang silipin ang nangyayari sa labas?" Pakiusap ni Armaddios sa kababata. Tumalima naman ito at tinungo ang pintuan. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay narinig namin ang isang sigaw. "Armaddios! Ilabas mo ang anak kong si Landellane!" Nanlaki ang mata ko nang makilala ang nagmamay-ari ng boses. Si mama! Tumingin ako kay Armaddios. "Akala ko ba alam ni mama?" Tumango naman siya sa akin. "Alam niya, nakita niya ako ngunit wala siyang sinabi. Nagtataka rin ako kung bakit tila gumagawa siya ng eskandalo" Eskandalo? Tumayo ako at tumungo sa may pintuan upang sumilip sa maliit na butas na naroon. Si mama nga, ngunit hindi siya nag-iisa. Sa likod niya'y sina ate Virginia, ate Purita, papa at iba pang kabarangay. Bakit ba nangyayari sa amin ito? "Landellane, pumayag ka na" Tumingin ako kay Armaddios nang may pag-aalinlangan. "Pero mali ito, nagkamang-anak ang mga ina natin, hindi pwede ito," sabi ko sa kanya. "Para sa akin, walang mali sa plano ko. Iyong iba nga magkapatid pa, Landellane, taong dalawa ay nagmamahalan, sana nama'y pagbigyan mo ang akong hiling na pagtatanan," sabi niya sa akin. Ang mukha'y nangungusap. Pinikit ko ang aking mga mata. Sumasang-ayon ang puso ko ngunit hindi ang aking isip. Dapat ko bang sundin ang aking nadarama? " Landellane, anak! Lumabas ka na diyan, uuwi na tayo!" "Landellane, alam mong mali!" Bumuntong hininga ako at dumilat. Patuloy lamang sa pagsigaw sila mama sa labas. "Pumapayag na ako Armaddios," napangiti siya sa aking sinabi at niyakap ako nang buong higpit. "Salamat at pumayag ka mahal ko" Niyakap ko naman siya pabalik. "Armaddios! Landellane!" Naghiwalay kami at tumingin kay Margarita. Oo nga pala, kasama namin siya. "Paano siya?" Tanong ko kay Armaddios. "Kaibigan siya, kakampi natin" Napatango ako at ngumiti kay Margarita na kasalukuyang nakatingin sa aming may ngiti sa mga labi. "Bilisan niyo na Armaddios at baka mabuksan nina mama ang pinto, ako nang bahala" "Salamat Margarita" Hinila ako ni Armaddios at tinungo namin ang pinto sa likod ng kanilang bahay. Nang tuluyang makalabas ay patakbo naming tinahak ang daan tungo sa bahay ni aleng Carmen. Nilampasan namin ito at dumeretso sa sakayan. Nang may humintong bus sa aming harapan ay agad jamming sumakay dito. Magkahawak kamay kami hanggang sa pag-up sa upuang pangdalawahan. "Saan tayo tutungo nito Armaddios?" "May alam akong lugar. Doon tayo magsisimula ng panibagong yugto ng ating buhay. Tayong dalawa lang at ang mga magiging anak natin" Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad. Pinikit ko ang mga mata nang makalayo na ang aming sinasakyan sa lugar kung saan naroon ang aming mga magulang na nag-aalala sa aming dalawa. Alam kong mali ngunit mahirap talagang kalabanin ang puso kaya sana, hindi ko ito pagsisisihan. "Saan ho kayo?" tanong ng konduktor sa amin. "Sa terminal po," sagot ni Armaddios. Nagbayad siya ng pamasahe namin. Nang huminto ang bus sa terminal ay bumaba agad kaming dalawa. Saan na kami pupunta ngayon? "Ayos ka lang ba?" Tumango ako at ngumiti. "Oo" Hinaplos niya ang aking pisngi at pinatakan ako ng halik sa noo. "Magiging maayos din ang lahat Landellane" Naglakad kami patungo sa isang karinderyang di karamihan ang kumakain. Pumasok kami sa loob at dumeretso sa pwestong nasa sulok, iyong hindi madaling makita. "Upo ka muna, bibili lang ako ng makakain natin" Nang makabalik si Armaddios ay dala na niya ang mga pagkain. Kasunod niya naman ang lalaking isa sa nagsisilbi sa mga kustomer. Nilapag nito ang mga pagkain. Nagsimula na kaming kumain dahil kapwa kami nagutom sa mahabang biyahe. "May naaalala ka ba sa karinderyang ito?" Napahinto ako sa pagsubo at tumingin sa kanya. "Ahm," pinalibot ko ang tingin sa loob ng karinderya, "wala naman, bakit?" Pinagpatuloy ko ang pagkain. "Naaalala ko lang na dito pala kita unang nakita," napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Sigurado ka ba? Baka kamukha ko lang iyon, ito ang unang beses na kumain ako sa karinderyang ito," sabi ko sa kanya pagkatapos sumubo. "Hindi ako maaaring magkamali, ikaw talaga iyon eh pero kung ito nga ang unang beses mo rito eh baka nga namamalikmata lang ako. Biruin mo iyon, hindi pa kita nakilala ay mukha mo na ang nakikita ko sa ibang tao," saka siya tumawa. Tumawa na rin ako. Oo nga naman. Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami at pinagpatuloy ang pagtakbo. Pagtakbo mula sa mga taong tutol sa aming relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD