Lunes, nang ako'y magising sa estrangherong silid. Maninipis at kulay asul na kurtina ang nasa may bintana. Kulay puti naman ang kumot.
Kaninong silid ito?
Natitiyak kong hindi kulay asul ang kurtinang nasa bintana ng kwarto ko.
"Gising ka na pala"
Lumingon ako nang marinig ang lalaking boses.
"A-Armaddios?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang may-ari ng boses. Silid niya ba ito? Bakit ako narito?
Ngumiti siya sa akin at daghan dahang naglakad papunta sa direksyon ko.
Teka, anong gagawin niya?
Humigpit ang hawak ko sa kumot nang unti-unti siyang lumalapit sa akin.
Pakiramdam ko'y mauulol ako kapag pinagpatuloy niya pa ang paglapit sa akin.
"Anong?"
"Kumain ka na muna," Umupo siya sa gilid ng kama.
Tumingin siya sa akin na para bang ako'y isang bagay na matagal na niyang inaasam asam na makuha.
"Ah, may dumi ba sa mukha ko?"
Ngumiti siya at umiling iling. Baliw ba ito?
"Kahit siguro maraming dumi ang nasa mukha mo, hindi pa rin ako magsasawang titigan ka"
Namula ako sa kanyang tinuran.
"Ah, nasaan nga pala ako?"
Iniba ko ang usapan.
Sumeryoso naman siya.
"Nasa bahay namin. Hindi mo ba natatandaan ang aking silid?"
Ipinalibot ko ang tingin sa buong silid kung nasaan kami ngayon. Silid niya nga ito. Wala naman palang nagbago. Nanibago lang siguro ako dahil matagal ding panahon ang lumipas nang huki kong masilayan ang kanyang tinutulugan.
"Ah, oo nga pala. Ahm, pero bakit ako narito? Papaanong nangyari iyon?"
Buong pagtataka kong tanong sa kanya.
"Saka ko na sasabihin sa iyo, kumain ka muna," tumayo siya.
Tumayo na rin ako at pinakawalan ang isang buntong hininga.
Nang makalabas kami sa kanyang silid ay nakita ko si Margarita kaya napahinto ako sa paglalakad.
Anong? Bakit narito din ang babae?
Nilingon ako ni Armaddios nang mapansin niyang tumigil ako sa paglalakad.
Kumunot ang kanyang noo at sinundan ng tingin ang aking mga mata.
Nawala ang pagtataka sa kanyang mukha nang makita akong nakatingin sa babae niya.
Bumuntong hininga pa siya at binalikan ako sa aking direksyon.
"Kamusta ka, Landellane?"
Kamusta mo mukha mo!
"Ah, maayos naman, ikaw?"
"Maayos na maayos," ngumiti siya at tumingin pa kay Armaddios. Landi naman!
Nagsimula na akong kumain.
"Damihan mo ah, ako nagluto niyan," singit ng bruha. Sa sinabi niya ay napatigil ako sa pagsubo. Parang nawalan ako ng gana, baka may lason pa ito.
Tinapos ko ang pagkain at hinugasan ang pinggang ginamit.
"Tapos ka na? Kay bilis naman," hindi ko alam kung sadya bang ganoon ang tono ng kanyang boses o talagang magaling lang siyang umarte.
"Armaddios, sabihin mo na ang dapat mong sabihin nang makauwi na ako sa amin," sa I ko kaagad kay Armaddios pagkalabas ko ng kusina.
Nasa sala siya at nakaupo sa kutsong upuan habang nanonood ng palabas sa telebisyon.
Pinatay niya ang telebisyon at bumaling sa akin." Halika, umupo ka na. Dito na tayo mag-usap," iminuwestra niya ang kamay sa pwestong nasa tabi niya. Sumunod naman ako para hindi na tumagal pa ang aiming pag-uusap.
"Ano na?"
Pagkaupong pagkaupo ko.
Nakita kong napalunok siya.
"Sadya kitang kinuha sa inyo," pagsisimula niya.
Tumaas ang aking kilay. Kinuha? Eh bakit hindi ako nagising?
"Alam kong nagtataka at naiinis ka na ngayon, ngunit pakinggan mo muna ang lahat ng sasabihin ko bago mo ipahayag ang iyong damdamin at saloobin"
Tumango na lamang ako.
"Kinuha kita at alam iyon ng mama mo. Iyong keyk na hinatid ko sa inyo ay hindi talaga gaping kay mama. Ako ang gumawa noon at may nilagay akong pampatulog"
Paanong?
Mas lalo lang akong nalito.
"Nakita mong kinain ng mama mo ang keyk, oo pero dalawa ang keyk na hinatid ko. Ang isa ay iyong walang pampatulog at iyong isa naman ay mayroon"
Kaya pala.
"Pareho lamang ang kulay at lasa noon. Sadya talaga upang hindi kayo magtaka. Sakto rin kasi naubos na ng mama mo ang keyk na walang pampatulog kaya noong nakita kitang kumain ay natuwa ako dahil iyong keyk na kinakain mo ay iyong may pampatulog"
Nakakatawa iyon?
"Alam kong nagtataka ka kung bakit alam kong naubos ng mama mo ang keyk na walanh pampatulog pero sasabihin ko na sayo lahat"
"Noong hindi ka pa lumabas ng bahay niyo, ay isa lamang ang hinatid kong keyk, iyon ang walang pampatulog. Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas ka at dala mo na iyong hinatid ko. Doon na ako bumalik, ang nakita mong dala ko ay sobre lamang ngunit nang ika'y kumuha ng tubig ay saka ko nilagay ang keyk na may pampatulog sa mesa. Sinadya ko iyong guluhin upang magmukhang nagalaw na. Sakto rin kasi umalis saglit ang mama mo. Pagkatapos kong gawin iyon ay doon na kita sinundan sa loob ng inyong bahay"
Napatango tango ako. Iyon pala ang nangyari.
Pero bakit niya naman ginawa iyon?
"Nang ako'y nagpaalam na aalis na ay hindi ako umuwi talaga. Nagtago lang ako sa isang sulok na malapit sa bahay niyo at nagmasid sa mga pangyayari hanggang sa pumasok ka sa bahay niyo pati ang mama mo. Doon na ako nakahanap ng tyimpo upang isagawa ang pagkuha sa iyo"
"Kung paano ko ginawa iyon ay sa akin na lang muna. Gusto kong magtanan tayo Landellane, pupunta tayo sa lugar kung saan walang nakakakilala sa atin. Tayong dalawa lang, mamumuhay tayo ng tahimik. Papayag ka ba?"
Napakunot ang noo ko sa kanang sinabi. Tanan?
" Armaddios, alam mo ba ang sinasabi mo? Nag-iisip ka ba?"
"Alam ko ang sinasabi ko Landellane, bakit? Ayaw mo ba? Sa tingin mo ba nagpapadalos dalos lang ako?"
"Hindi sa ganoon pero kasi, ano, magtatanan talaga tayo? Mali it—"
"Anong mali sa pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan? Mahal na Mahal kita. Mahal mo naman ako Landellane, hindi ba?"
Natahimik ako.
"O hindi na, kaya ayaw mong pumayag"
Tiningnan ko siya nang masama. Anong akala niya, ganoon kadali mawala ang pagmamahal ko sa kanya?
"Tumahimik ka Armaddios, hindi mo alam kung anong pinagdaana—"
Pinutol niya ang aking pagsasalita sa pagyakap sa akin.
Napakurap ako at pilit kumawala.
"Mahal na Mahal kita Landellane, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko kaya sana nama'y pumayag ka"
Bumuntong hininga ako.
Dapat bang pumayag ako sa kanyang plano?