Kabanata 14

1596 Words
Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang pag-uusap nina mama at Armaddios ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung tungkol saan ang kanilang pinag-usapan. Naalala ko... Sa labis na gulat ay napahawak ako sa gilid ng aparador. Dama ko ang panginginig ng aking mga binti. "Landellane, mabuti't natapos ka na sa paghuhugas," sabi ni mama na nagpatuwid sa akin ng tayo. Tumikhim ako at tumingin sa kanya. Binaling ko ang tingin sa panauhing nasa tabi niya. Hindi nagtagal ang pagkatagpo ng aming mga mata dahil sa tikhim ni mama. "Nasabi ko na sa kanya ang plano natin anak," makahulugang sabi ni mama sa akin. Napakunot naman ang aking noo. "A-anong plano ma?" tanong ko sa kanya. Wala naman kaming planong ginawa. Ano kaya ang pinapahiwatig ni mama? "Ano ka ba anak, ang bilis mo talagang makalimot. Hindi ba at napag-usapan na natin ang plano niyo ni Fortunato?" Naguguluhan na talaga ako. "Ano po ba ang—" "Hindi ba at magpapakasal na kayo sa susunod na buwan?" Kasal? "A-anong?" Napatingin ako kay Armaddios. Tagpo ang mga kilay. Nakitaan ko ng tampo ang kanyang mga mata. Napalunok naman ako. Tiningnan ko siya sa mata, nagpapaabot ng mensaheng hindi ko kayang isatinig— 'Hindi totoo iyon, huwag ka sanang maniwala.' Akala ko ay maiintindihan niya ngunit hindi naman pala dahil nagpaalam na siya. "Ah sige po, aalis na ako." "Sige iho, mag-iingat ka." Tumalikod na siya at lumabas ng bahay na hindi na ako tinapunan pa ng tingin. Bakit naman kasi anak ka ng mama mo eh. Napabuntong hininga na lamang ako sa pagsarado ng pintuan namin. Armaddios, masaya sana tayo. Ikaw at ako sana ang magpapakasal kung hindi lang, hay! "Sa kwarto po muna ako ma," sabi ko at patakbong tinungo ang kwarto. Miss na miss ko na talaga siya. Gustuhin ko mang haplusin ang kanyang balat at balutin ng isang mainit at puno ng pagmamahal na yakap ay hindi maaari. Iyong araw ding iyon ang huling beses na nasilayan ko siya. Tama ba ang desisyon ni mama? Tama bang magpakasal ako kay Fortunato? Hindi ko naman siya mahal pero siguro magagawan naman iyon ng paraan? Nalilito na ako ngunit isang bagay lang talaga ang sigurado ako at iyon ay mahal na mahal ko si Armaddios. Bakit ba ito nangyayari sa amin? Bakit ngayon pa? Napabuntong hininga ako. Pang-ilang beses ko na ba itong ginawa? Hindi ko na yata mabilang. "Landellane anak, pakiabot naman noong keyk," utos sa akin ni mama. "Keyk? Bumili po kayo?" "Hindi, bigay iyan ni Virginia. Kaarawan kasi ni Armaddios kahapon," sabi niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napahawak ako sa akong dibdib. Kaarawan niya pala kahapon, bakit hindi ko alam iyon? Sabagay, sa ikli ba namang panahon na binigay sa amin. Ni hindi ko nga alam kung ilang taon na siya eh. Nakakalungkot isipin na minahal ko siya kahit na kaunting bagay lamang ang nalalaman ko tungkol sa kanya. Sa kabilang banda, naisip ko ring ganoon nga siguro kapag ika'y umiibig na. Hindi mo na mapagtutuunan pa ng pansin ang mga maliliit na bagay dahil makasama mo lang siya, sapat na. "Ganoon po ba? Si ate Virginia po ba mismo ang naghatid nito?" tanong ko habang hawak ang keyk. "Si Armaddios mismo, kakaalis niya nga lang eh" Kakaalis? "Ah," nilapag ko ang keyk sa lamesang nasa harapan niya. "Ate Lucia, may nakalimutan po pala akong ibigay sa inyo" Napaupo ako nang wala sa oras dahil sa nagsalita. Hindi ako maaaring magkamali! Tinig iyon ni Armaddios. Ramdam ko ang presensya niya sa aking likuran at kay bilis pa ng t***k ng aking puso, parang kakatapos ko lamang mag-ehersisyo. Hinihingal, kinakabahan at natataranta. Ilan lamang sa halo-halong damdaming nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Ay ganoon ba iho?" Binaba ni mama ang tinidor at tiningnan ang taong nasa likuran ko lamang. "Opo" Narinig ko ang mga yabag niya palapit sa direksyon ko. Sa bawat tunog ng kanyang mga hakbang ay siya ring paglunok ko. Diyos Ko! Nag-e-el nino yata ang lalamunan ko sa sobrang tuyo nito. Armaddios, makaboang ka! Kumuha ako ng keyk at sinubo ito nang buo. Pinakiramdaman ko ang ka yang mga kilos. "Ito po oh," nakita ko ang ka yang kamay. May hawak itong sobre na kakulay ng aking balat. Ano kaya ang laman nito? Tinanggap naman ito ni mama at nilaag sa lamesa. Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan. Kain lang ako nang kain hanggang sa mabulunan ako. "Ack, Ack, Ack," tinampal ko ang aking dibdib at patakbong tinungo ang kusina. Pagkarating ko roon, uminom kaagad ako ng tubig. Napahinga ako ng malalim pagkatapos. "Ayos ka lang?" napaigtad ako nang marinig ang ka yang boses. Anong ginagawa niya rito? Humarap ako sa kanya at tumikhim. "Ayos na," sagot ko nang mahinahon at binigyan siya ng kiming ngiti. Ngumiti naman siya sa akin. "Kamusta ka na?" kaswal na tanong niya sa akin. Naglakad na ako pa balik sa terasa at sumabay naman siya sa akin. "Ayos naman, ikaw?" "Mabuti naman kung ganoon. Sa totoo lang, mula noong umalis kayo ay hindi ko na matawag na maayos ang aking buhay," sagot niya na nagpangiwi sa akin. Hindi maayos? Eh noong nakita kitang kasama si Margarita mukhang maayos pa sa lahat ng maayos ang buhay mo ah. Anong nangyari? Iniwan ka rin ba niya? Gusto kong sabihin sa kanya ang aking iniisip ngunit sa ka ilang banda ay pinili kong manahimik. Mas mabuti nang ganito, para wala nang gulo. "Kamusta na pala sina ate Virginia at ate Purita? Iyong tatay mo?" Napatingin ako sa kanya nang hindi siya sumagot. Nakatitig pala siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. "Ayos lang naman sila, wala namang nagbago," tumingin ulit ako sa kanya na siyang pinagsisihan ko. Bakit ba siya nakatitig sa akin? Umiwas ulit ako ng tingin. "Ah ganoon ba? Mabuti naman pala, si Margarita? Hindi mo yata siya kasama?" "Ah, iniwan ko muna sa bahay" Napasimagot ako nang patago. Bahay pala ah? Ibig sabihin, nakatira sila sa iisang bubong. Ang galing naman! Parang mag-asawa lang tapos sasabihin sa aking hindi raw naging maayos ang buhay. Sinungaling! "Ah" Umuoo ulit ako sa upuang inupuan ko kanina. Nandoon pa rin si mama, kumakain ng keyk. Nakapagtataka lang na pinapasok niya si Armaddios sa loob. "Ah, hindi na po ako magtatagal ate Lucia. Baka mapaano pa si Margarita, siya lang po kasi mag-isa sa bahay," pagpapaalam nito sa aking ina. Mapaano niya mukha niya! Kainis! Ano bang meron sa Margaritang iyon? "Oh Sige iho, balik balik ka rin dito. Dalhin mo si Margarita" "Sige po" "Landellane, alis na ako" Tumango lang ako sa kanya. Napabuntong hininga ako nang mawala siya sa aking paningin. "Oh, ang noo mo, ayusin mo iyan. Kunot na kunot ah," sabi ni mama sa akin nang may ngiti sa mga labi. Napanguso ako. "Mama naman" Tumawa siya, "halata ka masyado anak" "Nga pala ma, anong laman ng sobreng binigay niya sa inyo?" Umayos ng upo si mama at naging seryoso ang mukha. Anong mayroon? "Ah liham lang iyon. Pinadala ni Virginia" "Ganoon po ba? Para sa inyo?" "Oo, ay, pakikuha naman ako ng tubig sa loob anak, nauuhaw ako" Bakit di ikaw ang kumuha ma? "Opo" Tumayo na ako at pumasok sa loob upang kumuha ng tubig. Pagkabalik ko ay nakita ko si mama'ng binabasa ang laman ng sobre. Pansin kong may lungkot sa kanyang mukha kaya napakunot ang aking noo. Tungkol saan kaya ang liham ni ate Virginia? Nilapag ko ang isang baso ng tubig sa lamesa. "Ito na po ang tubig niyo ma" Mabilis niyang binalik ang liham sa loob ng sobre. "Salamat anak" Ngumiti lamang ako bilang sagot. Tumayo ako at iniba ang posisyon ng upuan. Pinaharap ko ito sa direksyon ng daan at umupo. Maganda ang panahon ngayon. Ang simoy ng hangin ay hindi kalakasan. Ang init nama'y hindi rin sapat upang makaramdam ng sakit sa balat, sakto lang. Pinikit ko ang mga mata at dinama ang hangin sa aking balat. Napangiti ako nang maalala ang mga araw kung saan gagawin ko ito at pagbukas ng aking mga mata ay naroon na si Armaddios sa aking harapan. Kay sarap lang sa pakiramdam ng ganoon, ngunit ngayon ay malabo nang mangyari pa. "Anak, bakit ka umiiyak?" Napadilat ako at kinapa ang aking pisngi. Basa nga. "Wala ito ma, may naalala lang ako" "Si Armaddios ba?" Tumingin ako sa kanya at tumango nang mahina. Napabuntong hininga si mama. "Kung sinabi ko lang sana sa iyo nang maaga ay hindi na siguro hahantong sa ganito" Umiling iling ako. "Hindi ma, hindi mo kasalanan iyon. Siguro, ito talaga ang tinadhanang mangyari. Ito na talaga ang kapalaran naming dalawa sa isa't isa" tinuyo ko ang aking pisngi at ngumiti kay mama. "Tungkol pala doon sa pagpapakasal kay Fortunato ma?" "Bakit anak? Naku, hindi totoo iyon. Gawa-gawa ko lan—" "Gusto kong totohanin iyon ma" "A-ano? Pero hindi mo naman siya mah—" "Magagawan naman siguro iyon ng paraan ma?" "Landellane anak, huwag kang magpadalos dalos sa mga desisyon mo, hindi biro ang pagpapakasal" "Eh bakit sina Armaddios at Margarita?" "Iyon ba ang dahilan kung bakit naisipan mong totohanin ang bagay na iyon?" Napayuko ako. "Anak, hayaan mo munang maghilom ang sugat sa iyong puso bago buksan ito sa iba. Mahirap na, makakasakit ka pa ng ibang tao" hinaplos haplos ni mama ang aking buhok at kinulong ako sa isang yakap na puno ng pagmamahal. Mag-asawa ba talaga sina Armaddios at Margarita? Talaga bang mahal nila ang isa't isa kaya sila nagpakasal? Minahal ba ako ni Armaddios?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD