Seven (FINALE)

2259 Words
Xycle POV Five months had passed... Sa limang buwan na dumaan ay hindi niya alam kung nakapag move on na ba talaga siya kay Alexander. Balita niya ay ikinasal na ito sa anak ng gobernador na si Mureen Laucheco right after his highschool graduation in Canada. After ng school fest nila ay nalaman nila sa class adviser nila na nag transfer na si Lex sa Canada. At balita niya rin na kasama nito ang noong fiancé niya na si Mureen. "Congrats Xycle. Mabuti naman at nakasabay ka sa amin sa graduation ceremony." biro sa kanya ni sausage. Ngayon ang graduation namin at kakatapos lang nito ngayon. Nagpapasalamat ako dahil lahat naman kaming magkakaklase ay kasali sa ceremony. "Congrats din Sausage. Ako nga rin eh, hindi makapaniwalang kabilang ka pala dito sa graduation ceremony." balik ding biro niya dito. "Ako pa sa gwapo kong 'to." pagmamayabang nito sabay haplos sa naka hair clay nitong buhok. "Anong konek nun Sausage." tumawa na lamang silang dalawa sa kanilang naging usapan. Nagpicture picture muna kami ng mga classmates ko kasama si mam Ramirez, ang class adviser namin. Mangiyak ngiyak nga ito dahil mamimiss niya raw kaming buong klase niya. Kahit naman kami ay mamimiss namin siya dahil isa si mam Ramirez sa napakabuti at napakaunderstanding na teacher namin. "Sausage, saan mo balak mag college?" tanong niya kay Sujie "Sa Paris ako magka college Xycle. Gusto na akong kunin ni dad para doon na magkolehiyo. Eh ikaw?" balik na tanong nito sa kanya. "Balak din nina mama at papa na mag college ako abroad. Sa Australia, sa tita ko." nakangiting tugon ko naman dito. "Panu ba 'yan, maghihiwalay hiwalay na tayo. Mamimiss ko ang mga kaklase natin lalo na ikaw. Pakabait ka dun kahit na wala na ako sa tabi mo." "Mamimiss din kita ng sobra Sausage."sabay yakap ko dito. Naiiyak ako. Mamimiss ko ang lahat dito sa school namin. Marami rin akong memories dito. Hinaplos haplos naman ni sausage ang likod ko. "Such a cry baby. Tahan na Xycle. Don't worry, tatawag at magvi-video call naman ako sayo araw-araw eh." Kumalas siya sa pagkakayakap dito at pinunasan ang kanyang luha. Tumingin ako kay Sausage. "Sausage. Thank you for everything. Sayang nga at hindi natin kasabay si Lex grumaduate dito." malungkot na wika ko dito. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko. "Alam mo kasi Xycle, everything happens for a reason. Maaaring hindi pa talaga siya ang lalaking nakalaan para saiyo. O kung kayo naman talaga ang itinadhana para sa isat-isa ay kayo pa rin ang magkakatuluyan sa bandang huli. Walang makakapagpabago nun." "Nakakatawa lang na isipin na parang kailan lang ang desperada kong mapasa akin si Lex. Yung gusto ko nang unahan ang tadhana. Yung ako na mismo ang papana sa puso niya gamit ang pana ni kupido. Masyado akong naging desperada sa pagmamahal kaya ayun, inilayo tuloy ng tadhana sa akin si Lex. Pero siguro oras na rin para palayain ko siya. Kasal na siya at wala nang paraan para magkatuluyan pa kami. Lalo pa at sinabi niyang si Mureen talaga ang mahal niya. Sabi mo nga dati, bakit ka pa sasagabal sa dalawang taong nagmamahalan. Atleast sabi mo nga masaktan ka man, hindi iyon magtatagal. Alam kong masakit pero alam ko ring hindi ito magtatagal. Makakapag move on din ako. Kung saan siya masaya ay dun na lang ako. Magiging masaya na lang ako para sa kanya." malungkot akong ngumiti kay Sausage. Nakangiti itong tumango tango sa kanya. "You're right. Don't worry Xycle darating rin ang tamang lalaki para sayo." pang aalo nito sa kanya. "Sana nga Sausage." "And besides, nandito naman ako. Handa naman akong maging boyfriend mo."pagbibiro nito. "Sira" sinuntok niya ito ng mahina sa braso. Napagkasunduan ng buong section nila na magkaroon ng graduation party sa bahay ng isa nilang kaklase. Gusto nilang magsama sama bago sila maghiwahiwalay para sa bagong yugto ng pagiging buhay estyandyante nila. Kasama rin sa kanilang party si mam Ramirez. Mukhang pinaghandaan talaga ng kaklase niya ang party ngayon. Sa garden ng bahay nito ang venue. Simple subalit maganda ang pagkakadesinyo dito. May pa catering pa at lights and sound. Hindi na siya magtataka dahil mayaman naman ang kaklase niyang iyon. Kasama niya ngayon si Sujie. Kumakain sila ng dessert dahil kakatapos lang nilang kumain ng main course. Ang iba naman niyang mga kaklase ay nagsasayawan sa gitna ng garden na ginawa nitong dance floor habang may kanya kanyang hawak na red cup na may lamang beer. Pinagkakatuwaan ng mga ito si mam Ramirez na todo ang sayaw gitna ng mga kaklase nila. Kami naman ni sausage ay tawang tawa sa inakto ni mam. Hindi nila alam na may side rin pala ang kanilang adviser na pagiging party girl sa kabila ng pagiging seryoso nito sa pagtuturo. Sabagay, wala namang masama doon. Hindi naman porket teacher eh bawal ng pumarty. Masama na bang sumaya? Napagkasunduan nila ni Sausage na makihalubilo sa mga ito. Ang saya saya nilang lahat habang sumasayaw sa nakakaindak na tugtugin ng biglang bumukas ang gate at may pumasok na kotse. Natigil silang lahat sa pagsasayaw sa pagdating nito. Wala naman na silang ibang kaklaseng inaasahan na pupunta pa dahil lahat naman ay nandoon na sa party. Mas nagulat siya nang bumaba ang isang babae doon. Parang modelo itong naglalakad papunta sa kinaroroonan niya. "Mureen?" sambit niya ng makilala kung sino ang babaeng papalapit sa kanya. "Yes ako nga." maarteng sagot nito pagkalapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sausage. "May gusto sana akong ibigay dito sa babaeng 'to." PAKK Napa-woahh ang lahat ng bigla na lang akong sampalin ni Mureen. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. "What are you doing?!" galit na tanong ni sausage dito subalit hindi siya nito pinansin. Tumingin siya kay Mureen. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang ito ditong susugod sa party na hindi naman imbitado at saka nananampal. "Para yan sa pang aagaw mo sa taong mahal ko at ito." PAKK Sa halip na siya ang masampal nito ay sinalo iyon ng kanang pisngi ni sausage. Bahagya pa itong nagulat ng mapagtantong iba ang nasampal niya. "Sumusobra ka naman na yata miss." nag rolled eyes ito kay Sausage. "Whatever" sagot nito. Tumingin ito sa kanya. "Yun. Para sa pagkatalo at sa pagpaparamdam na mas maganda ka kaysa sa akin." Ano bang pinagsasabi ng baliw na 'to. Di ba dapat akong magalit sa kanya. Dahil bukod sa siya ang pinakasalan ni.... Lex ay bigla na lang siyang manunugod dito at mananampal. Hindi lang ako ah. Sinampal din nito si Sausage. Balak niya sanang suntukin ang maganda nitong pagmumukha ng bigla siya nitong yakapin. Maging si sausage at ang kanyang mga kakaklase ay nagulat rin sa inakto ng bwesita. My bipolar disorder yata ito. "But despite of all, i just wanna say thank you. Thank you for letting me borrowed him. Dahil sa kanya natutunan kung ano ang totoong meaning ng love. And it's all about happiness. Alam kong hindi siya naging masaya at mas lalong hindi magiging masaya if he's with me. Natutunan kong magparaya. Kaya ngayon isasauli ko na siya sa totoong nag mamay ari sa ng puso niya. At ikaw iyon Xycle." bumitaw ito sa pagkakayap sa kanya. Nakangiti ito habang siya ay nakakunot pa rin ang noo at dinidigest pa rin ng utak niya ang mga pinagsasasabi nito. "Teka nga. Ano bang pinagsasasabi mo. Hindi ba't kasal na kayo ni Alexander. Di ba kinasal kayo right after your graduation sa Canada?" naguguluhang tanong rito. Nag rolled eyes naman ito sa kanya. Eh kung dukutin niya kaya ang mga mata nito. Haysstt.. "Well, fake news lang iyon dahil walang naganap na wedding between me and him. Siguro after this? Kinda'? " Ano? Luwag yata ang turnilyo ng babaeng to eh. Hindi niya ito maintindihan. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan ng may lumabas na lalaki sa kotse ni Mureen. Naglalakad ito papalapit sa kanya. Si Lex. Biglang nag init ang sulok ng kanyang mga mata at kasunod nga nito ay ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Sobrang bilis din ng t***k ng kanyang puso na animo'y galing sa marathon. Hindi niya alam ang irereak niya ng makita ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Inaamin niyang namiss niya ito ng sobra. Namiss ito ng puso niya ng sobra sobra. "Xycle." tawag nito sa pangalan niya. Nakangiti ito sa kanya. Hindi na ito katulad ng dati na palaging seryoso at walang emosyong mababakas sa mukha. Subalit napakasaya nito ngayon. Mababakas dito ang labis na kasiyahan at pananabik para sa kanya. Binigyan siya nito ng bouquet na kusa niya namang inabot dito. Hinawakan nito ang kamay niya at tiningnan siya sa kanyang mga mata. Kung kanina ay kasiyahan at pananabik ang nakikita niya sa mga mata nito. Ngayon naman ay makikita dito ang labis na pagsisisi at kalungkutan. "Xycle, sorry for everything. Sorry kung ipinadama at ipinakita ko sayo na wala ka lang para saken. Sorry kung naging duwag ako sa totoong nararamdaman ko para sayo. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung iniwan kita dito. Sorry... Sorry Xycle. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana mapatawad mo ako." umiiyak nitong wika sa kanya. Nakatungo ito habang humihikbi at patuloy pa rin ang paghingi ng sorry. Hinawakan niya ang baba nito at iniharap ang mukha sa kanya. Ngumiti siya dito. "Hindi mo kailangan humingi ng sorry saken, Lex. Wala ka namang kasalanan eh. From the first place, ako naman talaga ang may kasalanan. Pinagsisiksikan ko ang sarili ko sayo kahit naman na ayaw mo saken. Naging desperada na ako para lang mahalin ka dahil sa nararamdaman ng puso ko para sayo." Umiling iling ito. "No. Ang tanga ko dahil hindi ko agad sinabi ang totoo kong nararamdaman para sayo." lumuluhang sabi nito. "Bakit, ano ba ang totoong narararamdaman mo saken?" nakangiting tanong niya rito. Bahagya pa itong nagulat sa tanong niya ngunit nakabawi naman agad. "Na mahal kita." tugon nito. Lalong lumawak ang kanyang ngiti sa naging tugon nito. "Huwag kang mag alala boyfie, mahal pa naman kita eh." wika niya rito. Bigla siya nitong yinakap ng mahigpit. "Thank you Xycle for not giving up on me." " You don't need to thank me Lex. Having you here hugging me is enough." Anubayan napapa english tuloy ako sa lalaking 'to. Bigla namang nag ingay ang crowd na parang kinikilig. Nagulat silang dalawa ni Lex na paghiwalayin ng yakap ni Sausage. Tumingin ito kay Lex. "Wait, wait, wait. Ganun lang 'yun? After 5 years mong nawala?" tanong naman nito kay Lex. 5 years? What the?! Tinulak niya ng mahina ang mukha ni sausage. "5 months lang sausage. MONTHS Hindi YEARS." ngumiwi naman ito sa kanilang dalawa ni Lex. Nagulat ulit silang lahat ng lumuhod sa kanyang harapan si Lex. Hindi kaya... " Ms. Xycle Rivero, will you be my girlfriend?" tanong nito sa kanya. Nagkakantyawan naman ang mga kaklase niya sa paligid. "Hindi ko 'yan sasagutin unless tumayo ka muna." agad naman itong tumayo sa naging tugon niya. "Mr. Alexander Garcia. Yes, I will marry you." sagot dito sabay yakap dito. Nangingiti siya sa sobrang saya at kilig na nararamdaman niya ngayon. "Xycle. Ang tanong niya is, will you be MY GIRLFRIEND pa lang. Hindi will YOU MARRY ME. Na misinterpret mo yata." sabat ni Sausage. "Panira ka talaga ng moment sausage. Ngayon na nga lang ako nagbiro eh." nakanguso kong wika dito. Lumapit na lang ito sa kinaroonan ni Mureen. "Hi. I'm Sujie and you are, Mureen right?" pakikipagkilala nito kay Mureen. "So? I don't care" mataray na tugon naman ni Mureen dito. Ano ka ngayon sausage hahahaha. Napakamot na lang si Sausage sa kanyang batok. Mukhang hindi umubra ang kapogian nito dito. Lumapit siya kay Mureen ng maalalang may ibibigay rin pala siya dito. Nagulat na lamang ito ng bigla niya rin itong sampalin. Akala mo ah. Marunong din ako bwahaha. Nagtatanong ang reaksiyon nito sa kanyang ginawa dito. "You b***h. That was from borrowing my property without MY permission." ngumiti siya dito. "But thank you. Thank you for giving back my boyfie." "Well, ano pa nga bang magagawa ko." tugon nito. Nagyakapan silang dalawa at tumawa na parang baliw. "Mureen, mabait ito si sausage. Bagay kayong dalawa." pag rereto niya kay Sausage dito. "Ayoko sa panget at hindi ako rin ako mahilig sa sausage." inirapan pa nito si sausage. "Panget daw. Itong mukhang 'to panget? Magsalamin ka nga. Atsaka anong hindi ka mahilig sa sausage. Eh baka nga kapag natikman mo na ang sausage ko. Balik balikan mo." napangiwi si Mureen sa sinabi nito. "Atsaka eh mas nakakaturn off nga sa babae ang sobrang payat." dagdag pa ni Sausage. "Anong sobrang payat? Eh ang sexy ko nga eh?" pagdedepensa naman ni Mureen. "May sinabi ba akong ikaw? Napakadefensive mo naman. Parang inamin mo na rin na sobrang payat mo nga bleh." sabay labas ng dila ni sausage. "Hoyy panget, bawiin mo ang sinabi mo. Hindi ako payat. Sexy ako!!!" "Ang payat payat mo!!!" at ayun nga naghabulan ang dalawa dito sa garden. Natawa na lamang siya sa inakto ng dalawa. Nagkatinginan sila ni Lex at nagkangitian. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila papasok ng kotse. Agad ito nitong pinaharurot palabas ng garden. Hindi nga napansin ng lahat ang pag alis nilang dalawa ni Lex sa party. Magkawak silang dalawa ng kamay habang tinatahak ang daan kung saan man sila dadalhin ng kanilang isipan. Bahala na basta ang importante ay magkasama sila at masaya sila sa isat-isa. Finally, I'm not just now his desperate lover because we're in love together... THE END Thank you for reading guys:) mwah - Yhan0912-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD