Six

896 Words
Xycle POV Umuwi muna ako sandali sa bahay para magpalit ng damit. Babalik rin siya sa school nila para manuod ng banda. Nagbabakasakali siya na baka manuod din si Alexander. Nakita niyang naghihintay si Sujie sa gate ng campus nila. Ngumiti ito pagkakita sa kanya. Ganun din siya dito. Sabay na silang pumunta sa auditorium. Napakarami ng taong naroroon. Sikat kasi ang school band nila hindi lang sa university nila kundi kilala rin ito sa ibat-ibang university sa kanilang lugar. Nagsasayawan ang mga tao sa masigla at nakakaindak na tugtugin ng kanilang banda. Ng bigla itong magshift into love song. Nagulat siya ng biglang may humatak sa kanya papuntang dance floor. Nakatalikod man ito ay nakilala niya ang lalaking humahatak sa kanya. Ang boyfie niya. Si Lex. Bago pa man rin sila makarating sa gitna ay marami nang magkaparehang naunang sumasayaw sa dance floor sa love song na tinutugtog ng banda. Crashing by Kyle Juliano It's 2 am but I'm still here, awake? Your beautiful face keeps flashing on my mind? I hear your voice and the way you say my name? It's like reality and make-believe combined? Lex grabbed my hands and put it on his shoulder and circles his hands around my waist. Nakakalungkot ang kanta katulad ng mga matang nakatingin sa akin. Gusto ko siyang kumprontahin tungkol sa nasaksihan ko kanina sa may soccer field ngunit hindi ko alam kung bakit bigla akong tinamaan ng hiya. Hiya nga ba o ayaw ko lang marinig ang totoong rason kung bakit ginawa nila iyon kanina? I recall the time when I sat right beside you? And you talked about how good your life has been? When your eyes met mine, my voice and hands started shaking? And everything I am starts caving in? I feel like crashing, drifting, sinking way to deep? I feel like flying dreaming even though I'm not asleep? And I pray to God to give me strength 'cause your beauty makes me weak? But I'm not lying? I feel like crashing right in to you? Ohhh...? Nakatingin lang sila sa isat-isa habang iniindayon ang kanilang katawan sa tugtugin. Walang nagsasalita. Parang pinapakiramdaman at dinadama lang nila ang bawat liriko ng kanta. Nakakaramdam siya ng matinding kalungkutan sa hindi niya malamang dahilan. Na dapat sa oras na iyon ay dapat maging masaya siya dahil nakasayaw niya ang lalaking mahal niya kasabay ng napakagandang awitin. Napakaganda ng boses ng vocalist ng banda. Damang dama nito at punong puno ng emosyon ang bawat pagbigkas ng mga liriko. Bumalik ang tingin niya kay Alexander ng huminto ito sa pag indayon. Yinakap siya nito. "Xycle, ano ang gagawin mo kapag nalaman mong ikakasal na ako?" nagulat siya dahil out of the blue, nagtanong ito sa kanya ng ganoon. Gusto niya sanang biruin ito na ayos lang basta siya ang babaeng pakakasalan nito. Subalit sa mga oras na iyon, alam niyang hindi uubra ang biro niya. Mukhang seryoso ito sa tanong nito. "Anong kasal ang pinagsasasabi mo. Ni hindi ka pa nga nagpapamanhikan sa amin eh." pilit na tawa ang pinakawalan niya bagaman kinakabahan siya ng sobra sa patutunguhan ng kanilang usapan. Nag iinit na rin ang sulok ng kanyang mga mata. "Alam kong nakita mo ang lahat kanina. Nakita kitang tumatakbo papalayo sa amin. Yung... Yung babae kanina. Siya si Mureen... Ang babaeng pakakasalan ko Xycle at... Ito na rin ang huli nating pagkikita." It's 3 am and I'm still here, awake? The shining stars remind me of your smile? And though I know that smile is not meant for me? This heartaches gonna linger for a while... ? Yeahhh... ? I feel like crashing, drifting, sinking way to deep? I feel like flying, dreaming even though I'm not asleep? And I pray to God to give me strength 'cause your beauty makes me weak? But I'm not lying? Pagkarinig ko ng salitang binitawan nito ay awtomatikong nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Yumakap ako dito ng mahigpit na para bang anytime na bumitaw siya sa pagkakayakap dito ay hindi niya na ito makikita pa. "No Lex. You're just kidding right?" Kumalas sa yakap si Alexander at tumalikod na sa kanya. Yinakap niya itong muli. "Please w-wag mo iwan p-please. Mahal kita Lex. At a-alam ko, ramdam k-ko na mahal mo na rin ako." I said between my sobs. Even though I'm hurting? I'll be here waiting? And I'll keep crashing right into... You..? Ohhh... ? "H-hindi kita mahal Xycle. Si Mureen. Siya ang mahal ko noon pa man." ~~~~ Alexander POV "H-hindi kita mahal Xycle. Si Mureen. Siya ang mahal ko noon pa man." Lalong humagahulhol ito sa pag iyak. Alam niyang masasaktan ito ng sobra dahil sa sinabi niya. Pero iyon lang ang tanging paraan para tuluyan na siya nitong pakawalan. Tinaggal niya ang pagkakayakap nito sa likod niya. " Paalam Xycle. Sorry. " huling mga salita bago niya ito iniwang mag isa sa gitna ng dance floor. 'Paalam, mahal ko.' Habang papalayo ng papalayo kay Xycle ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Ng tuluyan na siyang nakalabas ng auditorium ay muli siyang lumingon dito. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Xycle Rivero." Pagkasabi niya nun ay ang pag agos ng mainit na luha sa kanyang pisngi. Mga luhang alam niyang kahit ilang balde pa ay hindi matutumbasan ang sakit na ipinadama niya sa babaeng totoo niyang minahal at mamahalin kailan man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD