I Idinahilan ni Father Al na dadalawin lang nila ang isang kamag-anak na may sakit. Hindi na sila kinilatis pa ng guwardiya. Pinayagan na silang pumasok sa subdivision. Pinapangunahan pa rin ni Mat ang mga miyembro. Tinatanong nila ang mga nadadaanang tao sa loob ng subdivision kung nasaan ang hanap nila, sina Calvin at Jessica. Inilarawan nila ang hitsura ni Calvin. Isang matangkad na binata na may tricycle. Bagama’t hindi kilala si Calvin sa pangalan, kilala siya bilang isang binatang laging nagmamaneho ng tricycle. Itinuro ng kanilang mga napagtanungan ang kinaroroonan ng tirahan ni Calvin. Lumiko sila sa kanto ng Canon St. Sa kanilang paagliko, napansin ni Aling Dina na parang may kung ano na bumulusok pataas mula sa isang bahay. Nagliliyab ang bagay na iyon. Natukoy nila agad a

